I. Welcome to Manila, Philippines

35 1 0
                                    

Kris' POV

"Ayoko na pagod na ako. Pagod na akong intindihin ka! Hindi lang naman ikaw ang napapagod eh! Kung pagod ka na mas pagod na ako!"

"Wow! Ikaw pa talaga may ganang magalit? Ikaw pa? Pagkatapos ng mga ginawa mo ikaw pa ang magagalit ngayon? Talaga naman. Ibang klase ka rin eh nu?"

"Oo ako pa. Ako, ako na nagkamali pero nagsisi; Ako na nagkamali pero agad din namang humingi ng tawad at bumawi; Ako na nagkamali pero parang halos pahirapan mo para lang mapatawad mo. Masisi mo ba ako? Masisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito?"

"Tsk. Manahimik ka. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gano ko ginawa lahat para sayo pero tinapon mo lang. Bakit di mo pa kasi aminin na may relasyon kayo ng walang hiyang boss mo?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong wala kaming relasyon ni Jake."

"Wow! First name basis. Parang dati Mr. Sohn lang yun ah? Tapos ngayon Jake na?"

"Ewan ko sayo. Napakakitid ng utak mo. Napakadumi ng utak mo. Puro ka na lang paghihinala. Ayoko na. Sawang sawa na ko sa pagka immature mo. Aalis na ko papuntang Italy. Huling paguusap na natin to. Magsama kayo ng mga hinala mo."

Yun ang huling mga salitang pilit kong kinalimutan simula ng lumipat ako papuntang Italy. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan. Hanggang ngayon apektado pa rin ako.

Ewan ko baka ganun lang talaga ako. Masyadong sentimental. Kahit hindi dapat pahalagahan, pinahahalagahan ko.

"Kris!!" Anak ng *toot* naman to. Papatayin yata ako sa nerbyos. Makahampas naman sa lamesa parang hindi pa sapat na napakalakas ng boses nya. Muntik na tuloy matapon ang kape ko.

"What?" I asked.

"Have you forget we have flight at exactly 9am and it's nearly 6am. We should be there by now."

"Kalma lang Jaime. Di ka nya iiwan. Ako nga 'tong iniiwan." Ay ako pala ang nangiwan.

"What? You're speaking alien again."

"Wow naman Jaime. 2 years lang tayo dito pero hindi ibig sabihin nun nakalimutan mo na ang pananagalog."

"Whatever Alligator. Just brain your own business." Sabay hairflip ng buhok nyang kulang na lang ay mag-endorse ng scotch brite sa sobrang kapal ng pagkakakulot .

"Anong whatever aligator. Yang lipstick mo lagpas pa. Saka anong 'brain?' Mind yun boba." Ilang taon na dito di pa marunong mag english ng tama. Haays. Ubusin ko na nga tong kape ko para matapos na.

"Bilisan mo na gaga late ba tayo." Sabay pasimpleng talikod at tingin sa salamin. Naconcious yata sa labi nyang napakakapal at lagpas ang lipstick.

"Oo huli na. Huli na ang lahat para satin." Sabay puppy face.

"Tigilan mo ko dyan sa kakahugot mo. Wala ka naman lovelife dami pang sinasabi."

I suddenly got stuck in her words. Naalala ko na naman lahat. Lahat ng masasakit na nangyari samin.

The fact na babalik na ko sa Pilipinas. Kinakabahan ako kung sakaling magkita ulit kami. Pano kung..

Hindi! Kailangan ko lumaban. Kailangan ko maging malakas para sa sarili ko. I've prepared enough for this. Teka. Hindi naman na kami magkikita. Malabong mangyari. "Haaaaaaay."

"Ang lalim nun ah? Ano bang iniisip mo?"

Nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. Halos isang oras na rin kami bumyahe pabalik ng Pilipinas. Akala ko tulog pa si Jaime. Narinig pa yata ang pagbuntong hininga ko. "Wala."

She lean forward to me. "Anong wala? Kilala kita. Sa tagal na nating magbestfriend, ako pa ba lolokohin mo Kris? Lolo mo, ano yun?"

Napatingin ako sa magandang view ng airport sa baba ng eroplano. This makes the inner in me a little bit relaxed. Hindi ko alam ang dapat sabihin kay Jaime. Natatakot ako.

"Si Miguel ba? Natatakot ka bang magkita ulit kayo?" Napatingin ako sa kanya matapos nyang banggitin ang mga huling kataga bago lumapag ang eroplano.

Napahinga ako ng malalim.

"Passengers be ready for take off. Welcome to Manila, Philippines."

-------

Author's note:

I hope you like this. This is my first story on wattpad. :)

It's Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon