II. The Fam

21 0 0
                                    

Kris' POV

"Kamusta ka na Krisel, 'Nak? Ang laki na ng pinagbago mo." Napatingin ako bigla kay Papa. Ngayon nya lang ako tinawag na Krisel at hindi ako sanay. Isang tao lang ang tanging tumawag sakin ng ganun. Sanay akong tawaging Maria kapag nasa Pilipinas ako.

"Pa--"

"Kris Tito Chris, Kris Helgour ang screen name nya. Laki na ng pinagbago tito 'no? Tignan mo naman ang lola mo, tall, blonde, beautiful, hardworking, successful and elite. Kulang na lang boyfriend." Sabat ni Jaime na sobrang exagge mag describe sakin. Eh I just dyed my hair and put on my heels lang naman. Well, iba na nga ako kung ikukumpara sa dating ako.

Maria Krisel F. Helgour. Yung babaeng glasses at pulbo lang sapat na. Yung jeans at shirt lang pwede na; laging naka flat shoes at nakatirintas ang buhok. Well, maganda din naman ako dati. Pero iba talaga ako ngayon.

Sino mag-aakala na, magiging sikat na modelo ako pag dating sa Italy. Wala naman talaga sa plano ko yun pero dahil sa sobrang gusto ko lang umalis ng Pilipinas para makalimot, pinatulan ko na yung alok ng bestfriend ko na magmodel sa Italy. Tutal may mag ma manage naman na daw na company samin nun. At matagal na kong kinukulit ng 'The Lites Apparel' na magmodel sa kanila.

Naalala ko pa nung una akong alukin ng bestfriend ko.

"Friend bakit di ka mag model? Pwede ka eh. Alam mo sayang ka nga eh. Matangkad, sexy, at morena. Yan ang hinahanap sa ibang bansa. Tignan mo ako." Sabay pose na parang kinukuhanan ng photographer.

"Alam mo namang hindi pwede di ba? Hindi ako papayagan ni Miguel. Saka ayoko rin naman. Ayokong umalis sa Pilipinas. Baka hindi ko kayanin."

"Hindi kayanin ang ano? Mapahiwalay kay Miguel?" Sabay lipat sa katabi kong bench. Vacant namin at nasa campus canteen kami. Napakaingay pa neto. Akala monkami lang tao.

"Alam mo tara na. Ilang buwan mo na ko kinukulit dyan sa Modeling chuchu mo na yan ah? Gagraduate na tayo yan pa rin hirit mo sakin. Alam mo naman na hindi pwede. Osya may klase pa ako. San ka ba?"

"May ojt ako ngayon." Sabay kindat ni Jaime.

"Ojt eh lakad lang naman kayo ng lakad dun?" She's been practicing modeling for The Lites Apparel. They we're trained para pagkagraduate ay lipad na agad papuntang Italy.

It's Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon