Kris' POV
"Nak bakit ka nga pala napauwi bigla dito sa Pilipinas? Akala ko may big project ka sa Italy. Yung kinwento mo nung nakaraan" Tanong ni mama na puno ng pagkain ang bibig.
"Ma, bawal sayo ang fatty foods baka umatake na naman sakit mo sa puso. Hinay hinay." Paalala ko. "Yun nga Ma. Yung Big Project pala na sinasabi ni Mr. Reyes ay dito sa Pinas. I'll be modeling for Bench. They have chose me daw bilang Sexiest Pinay of 2016. Big break daw to sa career ko kaya kinailangan ko na umuwi. Plus pinili pa ako para sa cover ng next issue ng FHM." Paliwanag ko.
"Wow naman bessy, Kris Helgour, Sexiest Filipina on earth. Parang Miss Universe." Sabat ni Reymond
"Magtigil ka nga Reymond." Sabi ko. Biglang sinamaan ako ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ayaw na ayaw nya kasing tatawaging Reymond. Salamat talaga kay Manang Elsa at dumating na kanina para sabihing kakain na kami kaya hindi ko na nasagot ang tanong ng kapatid ko tungkol kay Mig--
Si Miguel. Kamusta na kaya sya? Galit kaya sya sakin dahil umalis ako ng di kami ayos? At after 2 years ay hindi na ako nagparamdam. Ay basta. Bahala na.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. At uminom na ng juice. Namiss ko to. Yung sabay sabay kaming kakain na pamilya. Si Mama, Papa at Si Anne. After 2 years finally I'm back. Plus nandito pa ang loving best friends ko na sila Jaime at Reymond este Reyn. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang kumain.
"Ate Tapos ka na kumain?" Tanong ni Anne na kakatapos lang uminom ng juice at mukang kukuha pa ulit ng 2nd batch. Daig talaga nito lalaki kung kumain.
"Yes I'm full Anne." Tugon ko. "Siya nga pala. Plan ko pumunta tayong pamilya sa Boracay. Next week pa naman ang event. Nagpaalam na ako kay Mr. Reyes na kung pwede mag outing muna tayong pamilya. Ano game kayo?" Tanong ko.
"Tanong mo dyan sa Papa mo kung papayagan ako." Sabi ni Mama. Napatingin ako kay Papa na kakatapos lang kumain at iinom na ng gamot.
"Okay lang sakin. Basta iinom ng gamot ang mama mo. At kapag inatake sya uwi na tayo agad kasi masyadong komplikado pag nangyari yun. Remember last time na inatake mama mo dahil sa pagod? Halos di na tayo magkandaugaga. Besides, minsan lang to mangyari dahil lagi kang nasa Italy. Pagbabawalan ko pa ba?"
"Yes, we're going to Boracay." Sigaw ni Anne sabay taas pa ng kamay na parang si Darna.
"Kayo Jaime at Reyn? Sama ba kayo?" Tanong ko.
"Ou naman." Sabay pa nilang sabi.
"Basta treat mo." Sabi ni Reyn.
"Eto talaga. Kahit kailan kuripot. Ou na sagot ko na." I rolled my eyes.
"Gorabells." Sabay apir nila ni Jaime.
------
Kris' POV"Ayoko na. Hindi ko na kaya. Lagi ka na lang naghihinala,Miguel!"
"Then leave if you want." Sabay bato ng baso malapit sakin. Halos matamaan ako. Ramdam ko ang sakit ng tumalsik na bubog sa paa ko pero hindi ko ininda.
"Then I'll leave." Naglakad ako palabas ng pinto. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagulat ako sa kalabog ng sumaradong pinto.
BINABASA MO ANG
It's Too Late
RomanceBakit kung kailan huli na ang lahat saka ka maghahabol? Bakit kung kailan nakapagdesisyon na ko, saka mo sasabihing mahal mo ko, saka mo ako ipaglalaban? Ang hirap umasa. Napakahirap. Bakit kung kailan nabuo na ang desisyon ko saka ako natakot? It'...