IV. Seven Years Ago

22 0 0
                                    

Kris' POV

"Ma , Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Mama na kanina pa ako hindi iniimik at takatingin lang sa labas ng van na sinasakyan namin.

I was fifteen back then nang lumipat kami sa Tarlac. Natakot ako. Natakot ako at nalulungkot dahil magkakalayo na kami ng bestfriends ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila. Sila Jaime at Reymond. Galit kaya sila sakin?

"Pa, san ba tayo pupunta?" Mangiyakngiyak ko nang tanong kay Papa. Alam kong aalis kami at hindi na babalik dahil dala na namin lahat ng gamit namin.

Niyakap ako ni Mama at hinimas ang likod ko. "Sssh. We'll be okay. Don't cry. Everything will be okay." Sabi ni Mama.

Pero hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Siguro dahil hindi ko na ulit makikita sila Jaime at Reymond. Ever since sila lang ang kaibigan ko. Sila ang nagtatanggol sakin kapag may nang-aaway sakin. Away ko ay away rin nila. At sila ang nagpapatahan sakin sa tuwing umiiyak at may problema ako. They we're my partners in crime. "Pero Ma, pano sila Jaime at Reymond? Sila lang mga kaibigan ko."

"Babalik naman tayo paminsan-minsan para bisitahin sila." Naiiyak pa rin ako. Pero wala naman akong magagawa. Inasahan ko na lang ang sinabi ni Mama na bibisita kami.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking building. Pinagmasdan ko ito at halos malula ako sa laki. Luminance Condominium. Yun nakalagay sa harap ng building at sa tingin ko ay yun ang pangalan nito. Pagdating namin sa bago naming bahay sa Tarlac ay hindi agad ako pumasok. Naghahakot pa kasi sila ng gamit.

Naisipan kong maglibot muna sa loob ng condominium. Maganda ito at high class. Di ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. U-shape ang buong condo at sa gitna nito ay may isang park at mini playground. Sa harap ng condo ay makikita ang palubog na araw.

Naisipan kong bumaba. Pababa na sana ako ng hagdan dahil takot ako sa elevator, Feeling ko kasi tuwong sumasakay ako lumilindol at humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Biglang nalala ko na sa 15th floor ang unit namin. Tinamad ako dahil alam ko ang pagod. Kanina kasi ay inakyat ko ito pataas dahil dito rin dumaan sila papa na naghahakot ng gamit. No Choice. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang G na sumisimbolo sa ground floor. Papasara na ang pinto ng may biglang lumusot na paa bago tuluyang magsara.

"Aaaah!" Nagulat ako at napasigaw. Pagdilat ko ay tumambad sa akin ang muka ng isang napakagwapong lalaki. Nanlaki ang asul nyang mga mata at nilapat ang hintuturo sa labi nya na waring sinasabing wag ako maingay. Matangkad pa sya sakin kahit na matangkad na ako. Sabi ng mga kaibigan ko na matangkad na ako para sa edad ko. Pagpasok nya sa loob ng elevator ay naamoy ko ang pabango nya na sobrang nakadagdag sa aura nya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya napayuko ako. Sumara na ang pinto at nagsimula ng bumaba.

Nagsimula na akong matakot at mahilo. Ramdam ko na ang panginginig ng paa ko at mistulang guguho ang mundo ko. Habang pababa ng pababa ay nangingig ang labi ko. Inaasahan kong may sasakay pa sa ibang floor dahilan para huminto ang elevator ngunit nabigo ako. Ramdam ko na ang hilo kaya't pinikit ko na ang aking mga mata. Hindi ko naramdaman ang unti unting pagkahulog ng aking katawan.

Nagulat na lamang ako ng may mga braso ng nakalibot sa buo kong katawan at ramdam ko sa likod ko ang katawan ng isang lalaki. Napaharap ako sa kanya at nanlaki ang aking mga mata dahil isang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga labi. Ramdan ko ang pag-init ng aking mga pisngi kaya't umiwas agad ako ng tingin. Sh*t parang scene sa mga movies plus may backgroud music pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon