OOTB: [Chapter 4]

1 0 0
                                    

Keii's POV
*ding.dong*
"What is it? Keii?" Nabiglang tanong ni Joshua.
"Yeah. Sorry to disturb you. Are you sleeping already?" Tanong ko. Dahil medyo magulo na ang buhok nya at namumungay yung mata nya.
"N-no. Come in." Sabi nya at pinapasok na ko.
"Hi Keii. Wanna join us? Movie marathon." Masiglang sabi ni Bryan habang kumakain ng nova.
"Hi Bryan, Gian." I smiled at them.
"Kumain ka na ba? Anong gusto mo, san mig, root beer. Chips?" Tanong ni Joshua at inabot saken yung mga binanggit nya. Kinuha ko naman.
"Thanks." Sabi ko at lumakad na sya papunta kila Bryan na nanunuod ng Annabelle.
"Waaah!" Sigaw bigla ni Gian.
"Ano ba pre, bading ka ba?" Matawa tawa na tanong ni Bryan.
"Nagpakita bigla yung manika e." Reklamo ni Gian. Tss, cute nilang tingnan.
"Upo ka." Sabi ni Joshua umupo ako sa tabi nya. Sa lapag, yung dalawa nasa higaan nila.
"Bat ka nga pala napunta dito?' Tanong ni Joshua.
"Mahabang istorya." Paliwanag ko sabay inom ng san mig.
"Tss. Sabihin mo na." Pilit nya.
"Sasabihin ko pero in private." Sabi ko sabay pout.
"Okay!" Sabi nya at tumayo na. Inalalayan nya kong tumayo.
"Gian, Bryan. Mag uusap lang kami. In private daw." Paliwanag ni Joshua.
"Sus! May gagawin lang kayo n--- aww!" Napaaray naman si Bryan sa suntok ni Joshua.
"Gago!" Mura nya tsaka kami pumunta sa elevator papunta kami sa rooftop sa may pool.
***
"Ano na Keii?" Tanong ni Joshua. Nakaupo kami ngayon sa isang comforter habang umiinom.
"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Sinong pipiliin mo ang kinilala mong magulang o ang tunay mong pamilya?" Seryosong tanong ko.
"Huh?" Nagtatakang tanong nya. Nagkamot pa ng batok.
"Buong buhay ko, puro kasinungalingan ang alam ko." Panimula ko. Tahimik lang syang nakikinig.
"Alam mo yung pakiramdam na ampon ka lang pala?"
"Tapos pinapapili ka nila kung sinong pipiliin. Yung umampon sayo o ang magulang mo?" Sabi ko sabay inom ng san mig. Di ako umiiyak dahil di dapat.
"Keii..."
"Di ko sinisisi ang mga kinilala kong pamilya dahil sila ang nag alaga saken e, sila yung nag palaki saken. Pero sa loob ng 14 years, di ko nakasama ang tunay kong pamilya. Syempre gusto ko din naman silang makasama." Tumango lang sya sa sinabi ko.
"Pero ayaw ko namang iwan ang nag ampon sakin." Huli kong sabi.
"Alam mo Keii. Di ako good adviser pero kung ako nasa sitwasyon mo, pipiliin ko kung sino tinitibok at sinasabi ng utak ko." Sabi ni Joshua. Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Di naman tungkol sa lovlife ang sinabi ko sayo e." Matawa tawa kong sabi.
"Sabi ko naman sayo di ako good adviser e. Pero parang ganun nadin yun." Sabi nya. Nagtawanan lang kaming dalawa.
"Cheers." Seryosong sabi ko sakanya.
"Cheers." Sabi din nya. Bottoms up! Haha!
"Ah. Sarap." Sabi nya. Natawa lang ako.
"Di ka pa inaantok?" Tanong ko sa kanya.
"Di pa e. Kwentuhan muna tayo." Sabi nya.
"Okay. Tell me bout yours." Sabi ko sabay bukas nung san mig in bottle gamit ang ngipin ko.
"Whoah! Thats nice. How'd you do that?" Manghang tanong ni Joshua.
"My father taught me that. They took care of my teeth very well and strong." Paliwanag ko. Di pa rin sya makapaniwala.
"Enough Josh. Ikaw naman magkwento. I tell you enough bout mine." Sabi ko sakanya and took a sip of my beer.
"Ano bang gusto mong malaman?" Tanong nya.
"Well, tell me bout yourself, how bout your school, lovelife and your family." Diretso kong sabi.
"Well, bout myself. Mike Joshua Montecort is my name, 14 years old." Panimula nya. Pinapakinggan ko lang sya.
"School?" Tanong ko.
"Grade 9 actually in M.U." Sagot nya.
"M.U? Monster university?" Patawa kong tanong.
"No. Its Montecort University." Tumawa lang sya.
"Wow! Kayo ang may ari?" Mangha kong tanong.
"Of course." Pagmamalaki nya.
"Okay. Well, hows your family?" Tanong ko sabay lagok ulit.
"My mother is Cecilia Lim and my father is Jacob Montecort. I have a li'l sister Alexa and I hate her, cause she has a mouth like an armalight." Natawa naman ako sa sinabi nyang huli.
"Baliw! E lovelife mo kamusta na?" Pag iiba ko.
"Tss. Lovelife lovelife. Di ko kailangan yan! Manloloko lang silang lahat. Alam mo ba, may gusto ako sa babaeng sobrang ganda pero taken na sya. Pinipilit ko syang mapasakin pero yaw nya. Magsama sila nung jowa nyang mukhang buwan!" Dun ko napansin na lasing na pala sya. Haha! Bilis nyang malasing.
"Tss. Tama na, tara na nga." Akit ko sakanya.
"Tara na nga." Inulit nya pa yung sinabi ko. Lumapit ako sa kanya para alalayan syang maglakad. Pagewang gewang na sya e.
"Kaya ko na." Sabi nya at bumitaw.
"Kulit! Kapit na kasi dami pang arte." Sabi ko. Lumapit naman sya at nagsimula na ulit kaming maglakad.

Pinindot ko yung 3 hahatid ko muna sya. Tahimik lang kami hanggang makarating sa room nila.
*ding.dong*
"Keii! Oh, nangyari dyan?" Nagtatakang tanong ni Gian.
"Tss. Eto nalasing na. Haha! Patulong nga!" Sabi ko at inabot na si Joshua at pinaupo sa sofa. Tulog na si Bryan sa lapag.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at towel.
"Para san yan?" Nagtatakang tanong ni Gian.
"Ipapaligo ko sayo, gusto mo?" Panloloko ko. No comment sya.
Ipinahid ko na yung towel sa mukha ni Joshua.
"San mo natutunan yan?" Tanong parin ni Gian.
"Si papa kasi minsan umuuwi ng lasing sa bahay. E daddy's girl ako, ako yung nag asikaso sa kanya." Tumango lang sya.
After 25 minutes tapos ko ng linisan si Joshua.
"Alis na ko Gian." Paalam ko.
"Sige. Pakisara nalang nung pinto." Sabi nya. Umalis na ko at sinara yung pinto.

Bumalik ulit ang pag iisip ko sa mga magulang ko. Sinong pipiliin ko?
Ano na kayang nangyari sa kanila?

This Tough Girl (One Of The Boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon