Chapter 9: Hello Stranger

13 0 0
                                    

MEREINUL'S POV


Nakakapagod talaga ang magtrabaho ng buong araw. Feeling ko any moment bibigay 'yung katawan ko.


Hindi lang 'yung katawan ko ang masakit pati na din 'yung PUSO ko. Kasi naman hindi ako pinansin ni D.O my Labs! Iniwasan niya 'ko. Alam mo ba 'yung feeling na sinasaksak ang puso mo ng milyong-milyon na mga karayom? Ang sakit lang.


"Nag-iinarte ka na naman diyan eh!" Sita sakin ni Kate.


"Haist. Pwede ba pabayaan mo na lang ako? Leave me alone beybe! ARAAAY!" Ang lokang ito! Ang sakit lang ha! Itapon ko din kaya sa kanya 'to? Mabuti sana kung unan ang tinapon niya sakin mas okay pa pero Kate is a crazy girl kaya binato niya po ako ng KAMA, Joke lang, Lapis lang pala.


Nagsusulat kasi kami ngayon. Alam mo na part pa rin 'to ng OJT namin.


"Tama na Nul. Ang arte mo na. Magsulat ka na lang kaya diyan noh?" I smirked at her bago tinuon ang mata ko sa sinusulat ko.


Sulat lang ako ng sulat sa notebook ko.


"ANO BA 'YANG GINAGAWA MO NUL?!!" Napatalon ako sa inuupuan ko dahil sa pagsigaw ni Kate.


"Ano ba'ng klaseng tanong 'yan?! Di ba obvious na nagsusulat ako? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko kinakain ang mga papel? Tss." Sagot ko sa kanya.


Napa-Aray ako dahil pinitik niya ang noo ko.


"D.O MY LABS. KYUNGSOO IS MY LIFE. D.O. KYUNGSOO. D.O MARRY ME IN THE FUTURE. KYUNGSOO I LOVE YOU SO MUCH. D.O D.O D.O!! SABIHIN MO NGA! ANONG KLASE ANG MGA SINUSULAT MO? Diba dapat daily repot mo ang sinusulat mo at hindi pangalan ni D.O!"


Makasigaw naman parang sampung bukid ang layo ko.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo.


"Hindi gumagana ng mabuti ang utak ko." Dinampot ko naman 'yung jacket at pitaka ko. Nagsuot ng sapatos.


"Saan lakad mo? Alas syete na ng gabi oh!" Sabay turo niya pa sa wall clock na hindi ko naman tiningnan kasi sa wrist warch ako tumingin.


"Lalabas lang. Bibili lang ng kakainin. Ano ba gusto mo?" Kuminang naman 'yung mga mata niya dahil ililibre ko siya.


"Heck. Yan lang talaga ang katapat mo noh? Libre?" Sabi ko sa kanya habang nakatayo na sa harapan ng door knob.


"Huwag na nga lang! Umalis ka na. Lilibre ka na lang may kasama pang bad sentence eh. Wag na nga. Alis na." Nag-inarte pa. Parang hindi naman totoo 'yung sinabi ko ah.


"Sige sabi mo eh. Ge alis na ko." Pinihit ko naman 'yung door knob pero pinigilan niya ako kaya natawa ako.


"Bumili ka na lang ng chicken at beer! Masarap daw 'yan pag malamig ang panahon! Pwede na din tayong uminom noh!"

Certified In Love with D.O of EXO: My Angel. My Hero (Do Kyungsoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon