Chapter 1

2.1K 42 0
                                    


3 years since we broke up

3 years narin hindi ko siya nakikita. 3 years narin akong naka move on sa kanya. Hmm ata? Aftr we broke up lumipat siya ng school.

I let her go kasi hindi kami tanggap ng mama niya. Hindi daw kasi tama na makipag relasyon sa babae sa babae. Alam ko naman na mali talaga, naisip ko nagmahal lang naman ako ah. Mali ba yun? Wala naman kaming masamang ginawa. Oo ang babae ay para lang sa lalaki, pero ano ang magagawa ko nagmahal lang naman ako sa babae nga lang. 


Kamusta na kaya siya?

May boyfriend na ba siya?

Maganda parin ba siya? 

Haay. 


"Beaaaaa!" sigaw ng katabi ko. Ang ingay talaga niya kahit kailan.

"Ipaalala ko lang sayo magkatabi lang tayo! Bakit ka ba sumigaw ah?!" kung maka sigaw kasi parang ang layo nmin sa isa't isa. 


Andito kami sa condo ko ni Deanna. She's my bestfriend. Tinulungan niya ako para makalimutan ko si Maddie. Nakwento ko na sa kanya lahat about samin ni Maddie. Kung anong nangyari sa relasyon namin. Ang hindi niya alam ay ang mukha nito. Ayoko ipakita sa kanya, at never akong nagpakita ng larawan nito baka kasi makasalubong niya tapos ma inlove siya. Sa sobrang ganda ba naman ni Maddie kaya hindi malabo ma inlove si Deanna sa kanya. 

Kahit wala na kami, ayoko ko parin mangyari yun. Matinik din isang to sa babae eh.

Actually, may pinakilala siya sa akin at ngayon girlfriend ko na. 1 year mahigit narin kami.

Masaya naman ako. Nakalimutan ko naman si Maddie, pansamantala. Mahal ko siya. Mahal niya ako. Siguro, wala na akong ibang mahihiling pa. 

Naibalik lang ako sa realidad ng magsalit ulit si Deanna.

"Ipaalala ko din sayo na may magandang babae kang kasama dito!" kahit kailan ang kapal talaga ng mukha.

"Sino? Asan siya?" kunwari hinahanap ko yung sinasabi niya. 

"Ang sama mo talaga sakin!" ang oa talaga! Mabatukan nga.

"Aray!" yan ang bagay sayo. 

"Ang Oa mo kasi" tumayo ako papunta sa kwarto.

"Oh so iiwan mo lang ako dito? Gaya ng pag iwan mo sa kanya?" Napahinto ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maiinis ako or what. 

"Ano--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

"Joke lang, ito naman hindi na mabiro!" Padabog kung isinara ang pinto. Urgh bakit pa kasi pinaalala pa niya.

Hindi ko naman siya iniwan ah. Ayoko ko lang magalit yung mama niya kay Maddie. Ayoko umabot yung punto na papipiliin siya ng mama niya. Alam ko naman  na ang mama niya ang pipiliin niya eh. Kaya kahit masakit. Kahit hindi ko kaya namawala siya. Ginawa ko lang kung anong ikabubuti niya.


Aaminin ko kahit may girlfriend na ako. Gusto ko parin siya makita. Namimiss ko siya. Sobra. Kaya everytime na wala akong ginagawa ay pinupuntahan ko yung lugar kung saan kami tumatambay madalas. Hoping  to see Maddie. Pero, until now hindi ko parin siya nakita dun. 

"Urgh anu ba yan Beatriz may girlfriend ka na okay? Naka move on kana sa kanya. Tapos na yun sa inyo ni Maddie." medyo pasigaw kung sabi

"Baliw kana nga talaga Bea" sigaw ni Deanna sa labas.

I Will Wait (Beaddie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon