Chapter 4

902 42 6
                                    


"Twinny ang daya mo, pumunta pala kayo nung weekend sa park" namamaktol sabi ni Tey. 

"Sorry twinny, si Mika kasi gusto pumnta dun. And nagkita lang naman kami nila Bea dun hindi yun planado" sabi ko rito. 

"Andun si Kianna, diba?" ayun si Kian lang pala gusto makita eh.

"Ayieee Kianna pala ha!" asar ko sa knya. 

Feeling ko crush ni twinny talaga si Kianna eh. Kahit nuon pa napapansin ko na talaga.

"Nagtatanong lang ako noh! Intriga ka ah?!" asus deny pa twinny. 

"Eh ba't namumula ka?" asar ko. Sarap talagang asarin nitong si twinny.

"Kainis ka!" Aray naku nman, kung makahampas.

"Aray naman" reklamo ko. Masakit din kaya.

"Sorry twinny, ikaw kasi eh. Btw, una na ako twinny may klase pa kasi ako eh" paalam niya. 

Mag isa na ako ngayon, si Mika mamaya pa yun eh may klase parin sila. Wala na akong klase ngayon kasi sabi ng prof namin hindi siya papasok today. 

Siguro hihintayin ko nalang si Mika hanggang sa matapos yung klase niya. Ayoko rin kasi umuwi ng maaga. Ang boring din kasi minsan dun sa condo. 

Habang hinihintay ko si Mika dito sa waiting area. Nakita ko si Deanna, kasama niya si Jho and Bea. Ang saya nila, lalo na si Bea. Ramdam ko na mahal ni Bea si Jho. Nakaupo silang tatlo sa grass ilalim ng malaking puno. Nakikita ko sila kasi hindi naman kalayuan. Si Jho nakahiga malapit sa tiyan ni Bea. Si Deanna nasa gilid ni Bea. Wait. Nasaan si Kianna? 

"Anung ginagawa mo dito?" nagulat ako sa nagsalita. Haay. Hinahanap ko lang siya kanina tapos ngayon andito na sa tabi ko. Galing ah?! hahaha

"Uy, nakakagulat ka naman Kian" sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. Eh nagulat naman talaga ako

"Sorry, Mads" sabi niya at nagpeace sign.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko rito.

"Ako ang una ang nagtanong sayo ah? onga noh? hahaha

"Hinintay ko si Mika, may klase pa kasi eh" sabi ko.

"Eh ikaw? Bakit ka andito, eh nandun yung tropa mo oh?" sabi ko sabay tingin kina Bea kung saan sila nakatambay.

"Papunta na sana ako dun, eh nakita kita" sabi rito. So, pinuntahan  niya ako? Why? 

"Hahaha ang adik mo. Okay lang ako dito. Sige na punta ka na dun, parang hinahanap ka na oh" hindi naman sa tinataboy ko si Kianna pero parang ganun na nga haha joke lng. 

"Ayaw mo ba akong kasama?" paawa awang sabi niya. Ang cute lang, kaya sobrang crush siya ni twinny eh. 

"May sinabi ba ako?" Sabi ko. 

"Ganito nalang, habang wala pa si Mika sama ka nalang sakin dun" sabay hila sa kamay ko. Papalakad na sana siya papunta kina Bea pero pinigilan ko siya. 

"Wag na, dito nalang ako" sabi ko. Baka kasi ma oop lang ako dun. 

"Dahil ba kay Bea?" mapang asar na tanong niya. Tiningnan ko siya ng masama. Nang aasar ba siya? Tss. 

"Joke lang. Alam ko naman na nka move on na kayo pareho eh" sabi niya at hinila na niya talaga ako papunta kung nasan sila Bea. 

Hindi na ako umangal pa, alam ko naman na hindi ako titigilan ng babaeng to eh. Nakuu kung hindi ko lang to kaibigan. 

"Hi guys!" sabi ni Kianna. Tumingin ako kay Bea. Nakikita ko yung gulat niyang mukha. Bakit pa kasi ako sumama kay Kianna eh. 

"Oh Hi Mads." bati ni Deanna sakin at tumayo siya at nagbeso sakin. 

I Will Wait (Beaddie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon