Chapter 9

670 18 3
                                    


Flashback 


"Bea, pwede ba tayong mag usap" tawag ni Tita Dona sakin ng paalis na ako sa bahay nila. 


"Sure Tita" sabi ko.


"Alam mo naman Bea na parang anak ka na namin ng Tito mo. Kasi bestfriend ka ng only daughter namin na si Maddie." Hindi ko alam pero parang kinakabahan. 


"Pero, hindi ako bulag para hindi ko makikita yung extra sweetness niyo ni Mads. Hindi rin ako manhid para hindi maramdam kung ano man ang meron kayo" Hindi ako makapagsalita. Alam na kaya ni Tita yung tungkol samin ni Maddie? 


"T-tita a-ano po ang ibig yung s-sabihin?"  Nauutal kong tanong. 


"Na may relasyon kayo ng anak ko"  ito na ang kinakatakutan ko, dumating na. 


Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako baka paghiwalayin kami ni Maddie. Hindi ko kakayanin pagnangyari yun. Alam na kaya ni Maddie ito? 


"And i want you to break up with her" mahinahong sabi ni Tita Dona. Ako naman parang nabingi sa sinabi niya. 


"Per--"


"No buts"  pagputol ni Tita sa sasabihin ko. "Gusto naman kita Bea eh pero bilang Bestfriend ng anak ko hindi bilang Girlfriend niya." pagkarinig ko sa sonabi no Tita hindi ko na napigilan yung mga luha ko. 


"Tita sorry po pero wag naman po kami paghiwalayin ni Maddie" nagmamakaawa kong sabi ni Tita Dona. 


Kasi pag nagyari yun hindi ko talaga kakayanin. Sobrang mahal ko si Maddie. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya. Bakit pa kasi ayaw niya ako bilang girlfriend ng anak niya? 


Mali ba ang magmahal? 


"Bea, alam mo naman na mali yung pinasokan niyo ni Maddie, di ba?  Bea parehas kayong babae, alam mo ba yun?!" Mejo galit na sabi ni Tita. 


"Love is Love Tita"  mahinang sabi ko pero enough na yun para marinig niya. 


"Hindi porket parehas kaming babae hindi na pwede magmahalan."  Umiiyak ako ngayon sa harapan ni Tita. Tumitingin lang siya sakin. Kaya nagsalita ako ulit.


"I'll make Maddie happy everyda. And I'll do anyting, everything just to make her happy Tita"  sabi ko.


"But, you can't give her a baby. Sorry Bea but i want Maddie to have her own family. A normal family." natahimik ako bigla sa sinabi ni Tita. Parang bulls-eye talaga. 


"Break up with her or else ilalayo ko siya sayo at hindi mo na siya ulit makikita" sa sinabi ni Tita hindi na nakayanan ng tuhod ko at bumagsak ito. Tila nakaluhod ako sa harapan niya at umiiyak. 

I Will Wait (Beaddie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon