Chapter 3

859 30 0
                                    


Maddie's POV


Weekend. It means no class. Hay. Thank God. Nakakapagod din kasi maagang gumising. Hindi naman sa tamad, gusto ko lang talaga mahaba haba yung tulog ko. 

Papasok na sana ako sa banyo ng tumunog yung doorbell.

"Hi Mads" nakangiting bati nito.

"Oh napadpad ka dito?" Sabi ko. 

"Everyday kaya ako pumupunta dito" sabi niya at pumasok. Feeling at home talaga tong si Mika eh. 

"Oh alam. Pero, bakit ganito kaaga?" tanong ko rito. 

"Seriously Mads? Maaga pa sayo 11 am?" natatawang tanong niya. 

Eh ano naman if naagahan ako tss.

"Yes. Why?" Sabi ko na nakataas yung isang kilay. 

"Wala lang. Tara punta tayo sa Park. Tutal walang pasok" na eexcite na sabi nito. Kalaking tao pero isip bata parin.

"Ayoko" sabi ko rito. Tinatamad kasi ako ngayon eh. Tsaka may maalala lang ako. 

"Asus, nkamove on ka na, di ba?" sabi niya sabay tulak sakin papuntang banyo. Grabe siya kung makatulak, ang sakit kaya. 

"Kung makatulak ah?!" Masakit kasi eh. 

"Hehe sorry na" tapos nagpeace siya.


******


Andito kami ni Mika sa Park. Ayaw ko sana talaga pumunta dito eh. Dito rin kami madalas ni Bea nuon. Dito ko rin siya nakilala. Dito ko siya sinagot. Dito rin kami naghiwalay. Oh di ba, bakit ko pa gustong pumunta dito eh malulungkot lang ako kasi hindi ko talagang maiwasan na hindi ma recall yung nakaraan.

Yes. Alam ni Mika. Ewan ko ba sa kanya bakit gustong gusto niya pumanta dito. Kasi sabi niya, ayaw niya sa lugar na maraming tao. But, here we are sa lugar na ayaw niya. 

"Akala ko ba ayaw mo dito kasi crowded?" Tanong ko. 

Nakaupo ako sa swing, siya naman nakatayo. 

Nakangiti siyang tumingin sakin. 

"Anong feeling na nalaman mo na may girlfriend na si Bea?" Napahinto ako sa pag sswing sa tanong niya. 

Ano ang feeling? Ano nga ba? Hindi ko alam eh. Oo, nung pinakilala siya sakin ni Bea mah konting lungkot akong nararamdaman. Kuntin lang naman. Kasi nung kami dati sabi kasi niya na ako lang daw anv mamahalin niya.

"Okay lang. She deserve to be happy naman" sabi ko at ngumiti. 

Past is past. Nakikita ko naman na masaya si Bea, masaya na rin ako. 

Ako din naman ang dahilan kaya siya umalis eh. Kahit hindi niya sabihin ramdam ko din naman na hindi niya na talaga kaya. Si mama na hanggang ngayon ay hindi parin niya tanggap na magkaroon ako ng girlfriend. 


"Maganda din si Jho" sabi niya at umayos na ng upo. 

"Alam ko" sabi ko ng hindi siya tinitingnan.

"Pro, mas maganda ka" natawa nalang ako sa sinabi niya. 

"Alam ko rin yun!" Tumawa ako. 

Pag ganyan na mga sinasabi ni Mika seryoso na yan eh. I mean hindi dahil sinabihan ako ng maganda ah haha. Kasi ano she admitted na gusto niya raw ako. At first ayaw kung maniwala kasi alam namn niya na bawal. Pro, sabi niya seryoso daw siya. 

I Will Wait (Beaddie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon