Chapter 1: Yesterday

49 1 0
                                    

"Ayoko nga, di ko naman alam yun."

Pilit pa ring akong kinukulit ni Mike. Gusto kasi nyang tugtugin ko yung nirerequest nya na kanta daw ni Daniel Padilla dahil dala ko yung gitara ko at nagjajaming kami. Di naman ako ganun kagaling tumugtog ng gitara at kailangan ko pa na may tinginan ng tipa para makatugtog ng isang kanta.

"Dali na." pagpupumilit nya.

"Ayoko nga! Ang kulit mo ih. D ko nga alam chords nun!" sabi ko habang natugtog pa rin ng favorite song ko dati na Out of my league.

"Peram na nga lang! Ako na lang tutugtog." sabi nya at pilit nyang kinukuha ang gitara ko.

"Tugtog your face! Ayoko nga no! Gasgasan mo pa gitara ko." 

sabay lipat ko ng pwesto at di naman na ako kinulit ng shokoy kong kaklase. Madamot na kung madamot, eh sa mahal na mahal ko ang gitara ko ih. :)

Ako si Abi Laine Yu, 3rd yr. high school sa isang pampublikong paaralan sa *****,Laguna. I'm 14 yrs. old and a Certified NBSB. D naman ako panget, di rin ako maganda, konti lang, haha joke. :3 Isa lang akong simpleng mag-aaral na pinagbubuti ang pag-aaral at hindi puro kalandian. Kaya alam nyo na.. d ako mahilig mag-ayos. Minsan ay may pagkaboyish kumilos. But trust me, I have so many crushes na BOY syempre! 

And speaking of crushes..

"I swear! I swear that I saw something, yun bang kakaiba talaga. Yung tingin na parang.. basta kakaiba? " 

pagpapaliwanag ko kay  

Marielle, ang matalik kong kaibigan.

"Hay nako girl, imagination mo lang yan. Bakit ka naman nya titignan ng ganon? Almost 2 months palang natin siya nakakasama at nagiging kaklase, at isa pa,TAKEN na sya! Assuming ka masyado teh!" sabi nya with matching irap pa.

"Hindi Yel, kita ko talaga, pagkatapos na pagkatapos kong mag-gitara,napansin ko na nakatitig sya. Yun bang.. Ah basta!" 

pauwi na kami dahil nacut ang klase as always.. :/ todo aral pa nman ako dahil akala ko mgqi-quiz kmi sa Chemistry na yan! hmp. yae na nga, makapag-relax na lng sa bahay.

"Luka, una na ko, gagala ka pa yata ih." sabi ko ky Yel habang naglalakad kmi palabas ng school.

"Buti alam mo." sabi nya na may halong pang-aasar. Lagi ko kasi syang pinagsasabihan na tigil tigilan ang pgiging gala dahil kababaing tao eh puro gala ang nalalaman.

"Oo na. D nman kita pagagalitan. Sya, cge na, sakay na ko. Babye,muah!" agad akong sumakay ng tricycle, good girl ksi ako, basta awas na, diretso uwi.

Nakarating ako sa bahay na malalim ang iniisip. Ano kayang ibig sabihin ng tingin nya na yun, parang may gusto syang sabihin, parang.. basta.. basta ang alam ko, nung magtama ang mata namin, I felt something.. weird..

"I need to know what is that, Alden Jay Lee."

----

Another day, and it's Wednesday, ginawa ko na naman ang trip kong gawin, gigising ng 7am, hilamos, kain ng breakfast, libangin ang sarili sa pag-sketch ng mga mukha ng kung sinu-sino o kaya'y ng dream houses ko. :) Syempre, dahil ang plano kong kunin na course sa college ay Bachelor of Science in Architecture.

Inabot ako ng mga bandang alas nuwebe, sa pag-sketch ng pangatlong model ng bahay na gustong kong ipatayo someday. Agad naman akong naghanda ng uniform ko, kain ng tanghalian, ligo, and finally, after 1 and a half hour, I'm ready for school. Shifting kasi kami. Sa kamalas-malasan hapon napatapat ang freshmen and juniors ng school which is 12-7pm.

"Ma, alis na ko!" sigaw ko kay mama nung malapit na akong makalabas ng pinto. Hindi namin nakasanayan na mangopo sa araw araw at mag-kiss o magmano kung paalis man.

Sumakay na ako ng tricycle, malapit lang naman kasi yung school.

"Kuya sa kubo lang po." sabi ko nung malapit na ko sa school. May kubo ksi sa harap ng school na naging tambayan na ng mga estudyante sa school namin.

At ngayon ay narito na ako, nakaupo sa dati kong tambayan, sa isang kubo na naging bahagi ng aking nakaraan.

------------------------------------------------

"Aalis na ko. Uuwi na ko sa Bacolod." 

sabi nya habang patuloy na pinipigil ang pagpatak ng kanyang luha.

"Bakit? Dahil ba sa akin?" mangiyak-ngiyak kong tanong. Hindi ko magawang tingnan sya. Dahil alam ko nasasaktan sya at ganoon rin ako.

Hindi siya umimik.

"I'm sorry. I should have not given you false hope." bumuntong hininga ako para mapigilan ang pagtulo ng luha ko."I'm so sorry, I thought it was real. I thought I could give it back. P-pero, hindi pa pla t-talaga ko handa. I'm s-orry, hindi ko sinasadya." tuluyan nang tumulo ang luha ko at hindi ko napigilang mapahagulgol.

"Alam ko naman." sabi nya sakin habang hinihimas ang likod ko. " Kasalanan ko rin. Kasi, kahit alam ko na mali yung nararamdaman ko, pinagpatuloy ko pa rin. Pinagpatuloy ko pa rin kahit alam ko na masasaktan rin ako sa huli." ginulo nya yung buhok ko. "Basta pagbalik ko, kung hindi man magbago ang nararamdaman mo, tatanggapin ko. Pero kung sakaling magkaroon ako ng pag-asa, I would not think twice to court you again."

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Baliw ka talaga, ang kulit mo." 

"It's simply because of you." sabi nya at saka tumayo."Tara na, baka maabutan pa nila tayo dito at asarin na naman tayo."  

Bago pa ko makatayo ay bigla akong napalingon nung may tumawag sa kanya.

"Tol." sabi nung lalaki. Nakatalikod sila sa akin kaya di ko masyadong makita ang mukha nya.

"Sasama ka sa lakad ng barkada mamaya?" tanong nito sa kanya at inakbayan sya.

"Sensya na tol, madami pa ko gagawin ihh." sagot nya naman. Napangiti naman ako, kaya naman idol ko sya, daig pa babae pagdating sa galaan except sa best friend ko.

Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Sige tol, una na kami, magta-time na ih." paalam nya sa barkada nya.

"Sige."

Sabay na kaming naglakad. Nilingon ko yung lalaki pero paglingon ko ay wala na sya.

7:30pm, Wednesday 

Nasa kubo kaming dalawa. Kami na lang ang naiwan dahil agad umuwi yung iba naming kaklase. Yung iba naman ay nagpunta kung saan.

"Bukas na ang alis ko."

Biglang tumulo ang luha ko.

"Mamimiss kita." tapos niyakap ko sya. Naramdaman kong niyakap nya rin ako.

"Mas mamimiss kita." sabi nya.

May binulong sya pero hindi ko naintindihan dahil sa sobrang kong pag-iyak.

It Will Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon