"Naalala mo na naman ba sya?" Tanong sa akin ni Marielle. Nagulat naman ako. Hindi ko kasi napansin na katabi ko na pla syang nakaupo sa kubo dahil nakatulala na naman ako.
"It's wednesday. It feels like it just happened yesterday." malungkot kong sagot. Hinawakan nya ang kamay ko.
"Alam ko." sabi nya saka sya tumingin sa malayo."Bakit kasi ayaw mo pang aminin? Mahal mo sya diba?" tanong nya sa akin.
"Yel, alam mo ang totoo at tama ka na mahal ko sya. Minahal ko sya," bumuntong hininga ako."pero bilang isang kapatid."
Naramdaman kong tumango siya. Bigla nyang hinablot ang kamay ko.
"Tara na."
Napakunot-noo ako, "Teka, maaga pa ah?"
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. "11:30 pa lang oh."
Ngumiti sya, parang alam ko na. "Sa tyanggian tayo."
Bago pa ko makatanggi ay nahatak nya na ko.
After 5minutes nasa palengke na kami. "Dun tayo." hinatak ako ni Yel papunta dun sa tindahan ng mga panyo.
"Magkano po dito?" tanong ni Yel dun sa tindera.
"30 lang neng, malambot yan saka may libre pang pagpapaburda." sagot nung tindera.
"Wala po bang tawad? Dalawa 50 nalang po." sabi ni Yel.
"Hindi pede neng, lugi na kami." sabi nung matandang tindera.
"Sige na po." pagmamakaawa ni Yel.
Natatawa naman ako dahil simangot na simangot na si Yel.
After 5minutes ng pakikipagtawaran. "Sige na nga." sukong sabi nung tindera.
Napangiti naman akong habang napapailing. Talaga tong si Yel, galing sa tawaran. "Yel, may future ka talaga kapag ng-BA ka. Haha." pang-aasar ko sa kanya.
Sumimangot naman sya. "Ayoko nga no! Never ko pinangarap na maging Saleslady!" Binatukan ko sya. "Tungeks ka talaga, hindi naman Saleslady ang magiging tarabaho mo 'pag kumuha ka ng BA no!" sabi ko habang tumatawa.
"Ih basta! Ayaw ko non!" sabi nya sabay irap.
"Neng , makikisulat nalang kung anong ipapaburda mo dun sa panyo." Sabi nung tindera habang inaabot kay Yel yung kapirasong papel at ballpen.
"eto po," sabi ni Yel habang inaabot nya na yung papel dun sa tindera. Sisilipin ko sana kung anong sinulat nya kaso di ko naman nakita na. "Yung isa po, kulay pink, yung isa blue." sabi ulit ni Yel.
After 5minutes again, natapos na yung pinaburda nya.
"Oh, Bi." nagulat ako nung iabot nya sakin yung isang panyo na kulay pink and gold na checkered na may nakaburdang Bestfriends_I ♥ u na color blue. Tumingin ako sa kanya at ngumiti naman sya.
"Partner tayo." sabi nya. Napangiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. Kulay blue and light green na checkered rin yung kanya at ganon rin yung nakaburda pero in color pink naman. Color blue kasi ang favorite color nya at ako naman pink. Ang bait talaga ng bestfriend ko. Alam nya kung ano ang kailangang kailangan ko sa mga panahong 'to.
Tiningnan ko ang cellphone ko, 11:50 na,
10 minutes nalang at time na.
"Yel, tara na, balik na tayo sa school, malapit nang mag-time." sabi ko sa kanya at humawak na ko sa braso nya.
"Tara."
---
Kulang kulang 2 hours nlang Chemistry na, our last subject. Kinabahan na naman ako dahil baka may surprise quiz na naman. Ewan ko ba kasi kung bakit ang hina hina ng utak ko sa Science na yan. :'(
BINABASA MO ANG
It Will Always Be You
RomanceTreasured moments and memories of yesterday. Who can ever forget the love that last until forever? :) Nobody ever will.. Mystery + Romance + Action + Drama = WORTH IT to read.. ^^ God bless sa lahat!