Nakailang sulyap na ko sa cellphone ko. May usapan kasi kami ngayon ni Yel. Gagawa kami ng project sa Mapeh. Sabado na kasi ngayon. At since free day nmin ang Saturday ay napagkasunduan namin na this day nalang gawin iyon dahil kaming dalawa ang mag-partner.
The whole week had been really tiring. Ang dami kasing assignments lagi. Pero ang mas nakakapagod ay ang pagsosolve ng mga hindi ko maintindihang problems sa Chemistry lalo pa't hindi iyon masyadong naituturo sa amin dahil nga busy lagi sa guidance ang Science teacher namin.
Oh well, alam ko namang hindi ako mahihirapan kung magpupursige akong mag-self study sa Chemistry na yan. Kaso nga lang, everytime na maiisip kong mag-aral ay laging biglang may bubulong sa utak ko na "Bukas na lang. Mahaba pa oras bukas." o kaya naman, "Wag na! Mapapagod ka lang! Pahinga ka na dali! Pagod ka na di ba?" Haaayy... ang hirap maging DAKILANG TAMAD. :/
"Aww." napapikit ako nang may maramdaman akong pumasok na alilabok sa mata ko. Umihip kasi ng malakas ang hangin. Medyo magabok pa naman dito sa pwesto ko kung saan namin napagkasunduan ni Yel na magkita.
Naku! Naalala ko na naman yang si Yel! Usapan 10:30am, twelve na ngayon ay wala pa rin! Nagpalate na nga ako ng 15 minutes eh wala pa rin.
Dinampot ko ang tuyot na dahon na nasa harapan ko at saka ko ginutay. Hay nako, nakakainip talagang mag-intay.
Buti na lang dito sa field na malapit sa school ang venue na napag-usapan namin ni Yel, kahit papano ay nalilibang ako.
"Bakit di ka na nagpaparamdam ? Kahit isang text man lang di ka makaalala.."
Para akong baliw na mag-isang nagsasalita. Nakatingin ako sa dalawang magkatabing bundok. Ang ganda nga eh dahil palayan yung ibaba. Ang sarap tuloy langhapin ng hangin. Nasa ilalaim ako ng puno ng mangga at kanina ko pa nga iniintay si Yel.
Dahil wala akong magawa ay inilabas ko yung favorite notebook ko na lagi kong dala. Naging favorite ko to dahil sa pink guitar cover nito. Bago ko pa mabuklat yung notebook ko ay mabilis na hinangin ang bawat page nito. Hanggang sa tumigil ito sa pahina malapit sa dulo. Agad ko naman itong tiningnan. Bumungad sa akin ang isang pamilyar na sulat kamay.
----FLASHBACK-----
"Mamimiss kita."
"Mas mamimiss kita."
He started strumming his guitar. And sang that song in front of me.
"I will be right here waiting for.. you.." humarap sya sa akin pagkatapos nya iyong kantahin. Hanggang sa huling mga linya ng kanta ay ramdam ko ang sincerity nya.
Hinintay nya muna akong tumahan at kumalma bago nya kunin ang gitara nya at kantahin ang kantang yon.
Pagkatapos ay hinawakan nya ang kamay ko. Ilang sandali lang na hawak nya yung kamay ko bago sya muling nagsalita.
"Yung favorite notebook mo nga pala, yung pink guitar yung cover, I wrote the lyrics there, the day na malaman ko na mahal kita and that they also, I realized na hindi ganoon ang nararamdaman mo para sa akin." Napatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga naman sya.
Ramdam na ramdam ko ang bigat na nararamdaman nya.
"Napakabait mo En." this time napatitig na ako sa kanya. En ang tawag nya sa akin, short for Laine daw, sabi nya.
"Binigyan mo pa rin ako ng chance dahil ayaw mong masaktan ako. Pero, ganoon talaga, sa pagmamahal, darating ang time na kakailanganin talagang may masaktan." ginulo nya ang buhok ko.
Napayuko ako at mahinang bumulong.
"Sorry. Sana noong una pa lang sinabi ko na para atleast hindi na tumagal pa ang sakit na naramramdaman mo." Nagsisimula na namang bumigat ang nararamdaman ko dahil sa sobrang guilt.
BINABASA MO ANG
It Will Always Be You
RomanceTreasured moments and memories of yesterday. Who can ever forget the love that last until forever? :) Nobody ever will.. Mystery + Romance + Action + Drama = WORTH IT to read.. ^^ God bless sa lahat!