PROLOGUE

2K 41 18
                                    

-Prologue..

Like a boss akong nakaupo dito sa office ng Restobar ko. Nasa good mood ako ngayon kaya hindi ako nagpapaistorbo.

... tok.. tok.. tok.. 

Aiish! Kakasabi ko lang na ayaw kong magpaistorbo diba?

"Come in" 

Mula sa pinto ay iniluwa non si Alys. Patay na ko neto.

Nanlilisik ang mga mata nyang lumapit sa table ko. Nag sign of the cross naman ako sa harap nya.

"Hoi Tofer! anong pinag-gagawa mo dyan?" mataray nyang tanong . Jusko po eto na po uli kami.

"Ah. Eh. Papagalitan mo nanaman kasi ako eh" at ginamit ko ang ever duper pa cute face ko na gumagana sa iba pero kay Alys? Nag aalboboroto pa pag nakikita akong nagpapacute. Ang cute ko kaya :">

Namewang sya at nakataas ang isang kilay nya ngayon "Aba Tofer! Buti naman at alam mo na ang sinadya ko dito. Ano nanaman ba ang ginawa mo kay Alex last night? Alam mo bang sinugod nya pa ako kagabi para lang umiyak sa harapan ko at sabihing iniwan mo sya sa resto last night?" at bumuntong hininga muna sya "Tofer you requested to me na ihanap kita ng girlfriend and you like a demure type of girl. And yes! lahat na ng demure na klase ng babae eh, pinakilala ko na sayo. Hay naku talaga Tofer. Iisipin ko na lang talagang bakla ka!"

Eh kesyo ayoko nga ng mga pinapakilala nya sakin eh. Yung iba sa sobrang hinhin nagmumukha ng tanga. Tapos yung iba naman kunwari pang nagpapaka demure.

"Alys naman!?" sabi ko sabay kamot sa batok ko.

"Hay naku Tofer! Sawa na kong ihanap ka ng babae mo. Lahat tinatanggihan mo. Mas magandang isipin ko na lang na bakla ka talaga"

Ouch naman non. Bakla agad? "Grabe naman Alys. Di porke may lovelife kana at ikakasal kana kay---"

"Haay naku Tofer! Your reason is unacceptable. At anong connect ng Personal Life ko dito?" 

Akmang sasagot pa sana ako pero "Okay. I need to go. May aayusin pa ako para sa wedding Preperation ko. At ikaw. I wish makahanap kana ng katapat mo" at tuluyan na nga syang lumabas

Aissh! kasalanan ko bang hindi magustuhan yung mga nilalakad nya sakin? Saka bading ba agad pag ganon? diba pwedeng gwapo lang talaga ako? Sadyang wala pa talga akong interes sa mga ganyan.

----

"Oh ano shane? Okay na ba wala na bang tao sa labas?" tanong ko sa isa sa mga waitress ko dito. Oras na kasi para mag sarado kami.

"Eh sir meron pa pong babae doon. Umiiyak sir eh"

"Ano ba yan! Diba sabi ko magsasarado na tayo? Dapat sinabihan nyo na!" 

Kung minamalas ka nga naman oh-oh. Kanina kay Alys ngayon naman. Hindi ako makapagsarado dahil may babaeng umiiyak sa Resto ko?

"Eh sir! Sinabihan na po namin pero ayaw paring umalis" Aissh! Mga babae nga naman 

Agad akong lumabas ng opisina ko at dumiretso dun sa babaeng umiiyak. Nakayuko ito sa table at rinig na rinig ang pag sniff nya. Ka turn off toh mga pre!

"Uhhmm miss, Sorry to enterupt you, but we have to close---Owww" natigilan ako kasi ang ganda nya. Kaso namumugto ang mga mata nya. Tapos makadamit parang lalaki. And guess what ang sama lang ng tingin nya sakin. What? Nagwapuhan na din ba sya sakin?

"Can you just please shut the f*ck up?" aba naman! Baka naman talagang hindi nya ko kilala?

"How dare yo---"

She stood up "Para kang bakla. Alis nga dyan!" then she push me "Paharang harang eh!" then tuluyan na syang lumabas ng restobar ko.

Aba naman talagang babaeng yon? Ang lakas lang ng loob na sabihan akong bakla at itulak na lang basta basta? Bat ba ang malas ko ata ngayon?

-----

Hi :) Specially kay Ate Eydee at pinayagan nya kong hawakan ang buhay ni Tofer.. charot

-Eyang

I Hate This Guy (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon