Chapter 2

300 14 5
                                    

Ginanahan po ako mag update. Kasi nakabili nanaman ako ng New Book Collections. Harhar, Harlalol. I dedicate this Chapter to @inkyoubaytor . Hi Alliah

-Chapter 2-

---

~Alliah Joe Delacruz POV~

"Omy Gosh Alliah! What happened to you?" nag-aalalang bungad ni Skye nang makita nya akong papasok ng bintana. Charot, sa pinto

Hindi ko na lang sya pinansin, instead nag dire-diretso lang ako papasok ng kwarto ko.  Ang dumi dumi ng kwarto ko, at nagkalat lahat ng ginamit ko kanina bago ako umalis. Hindi ko na lang 'yon pinansin at binagsak ko ang sarili ko sa higain, at tumitig sa kisama.

Bigla kong naalalang. Ang tagal ko na rin palang nakatira dito. Since college natuto na akong sumeperate sa family ko. May nangyari kasing hindi ko na kinakaya. Kaya napagisip isip kong mamuhay ng magisa, since my mom have a new family na. At yung 2 kong older brothers ay may sari sarili na ding buhay. Kaya napag isip isip kong bumukod na lang din.

Good thing at nakilala ko si Skye at sya ang kasa-kasama ko dito sa Apartment. But hindi ibig sabihing nandito na ako nakatira e, hindi na kami nagkikita-kita ng pamilya ko. Once a month or luckily if ever na two times a month ako bumibisita sa Mansion.

0_____0

"Omy!!---- What again Skye?!" bulyaw ko sa kanya, at napabalikwas ako ng higa. Winisikan nya lang naman ako ng tubig

Namewang sya sa harap ko at tumaas ang isang kilay "What again Skye?!" at ginaya nya lang naman ang tono ng pag sasalita ko =__= "Hoi ALLIAH JOE DELACRUZ!! Kanina pa ako nagsasalita dito pero di mo ko pinapansin. Ano bang nangyari sayo at ganyan ang itsura mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa! tapos magang maga yang mata mo! Yung totoo!? Saan nanamang gera ang pinuntahan mo?!" 

Tinakpan ko ang tenga ko "Skye please? Can you lower down the volume of your voice? Gowd! di ako bingi" so ngayon kilala nyo na sya? Promise! mag hehello eardrums kayo pag eto ang kasama nyo. =__=

Tumabi sya sakin at tinitigan nya ako ng may pagtataka "Ano ba kasing nangyare sayo? Kanina pa kita tinatawagan pero cannot be reach naman. Hindi mo rin sinasagot yung mga text ko! Nag aalala lang naman ako sayo kasi galing dito si Lester at hinahanap ka. Kaya nga nagtaka talaga ako. Lalo na dun sa babaeng kasama nya. Sino b----"

Hindi ko na sya pinatapos "Masama pakiramdam ko. Matutulog na lang ako" pagdadahilan ko na lang sabay higa at baka magkarerahan nanaman ang luha kong pumatak. Marinig ko pa nga lang ang pangalan nya may kumirot na sa puso ko, what more pa kaya nung binanggit nya yung babaeng yun? 

Pagod na kong umiyak. Pero naniniwala akong maayos pa namin to! Mahal ko sya eh, siguro nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Kahit sino naman masasaktan na makita mo ang boyfriend mong may kasamang iba, and come to think of it na Anniversary namin ngayon eh.

Naramdaman kong umalis na si Skye dahil sa tunog ng pagsara ng pinto. Mas mabuti na rin ito, ayoko pang malaman nya.

Naalimpungatan ako dahil sa feeling ko ay may kumakalabit sakin, kaya naman umimpit ako ng higa paharap sa kabilang side. Pero nararamdaman ko talagang may kmakalabit sakin. Kaya napabalikwas ako ng bangon 

"ANO BA! KAY AGA AGA NAMBUBU-----" hindi ko na natapos ang pagsigaw ko sa kanya sa sinabi nya na dahilan ng pagka-stock ko

"Nasa baba si Lester hinahanap ka. Mukhang may lakad ata kayo" sabi ni Skye

Wala sa sarili akong bumangon ng kama at nagbihis. Pagbaba ko nakita ko doon si Lester na kausap si Skye at halatang masaya sya. Paano nya nakukuhang maging masaya kung ako naman ay nasasaktan na :( 

Lumapit ako sa kanila at bigla naman akong hinalikan ni Lester sa pisngi. Pero ngayon may kakaiba akong nararamdaman. Ibang iba sa nararamdaman ko noon tuwing hinahalikan nya ko ng ganito sa pisngi. Parang hindi ko na makuhang kiligin!

"O sya! maiwan ko muna kayo dyan a" paalam ni Skye at nagpunta na ng kusina. Naiwan kaming dalawa ni Lester pero walang nagkikibuan saming dalawa

"A-Alliah bat di mo ko sinipot kahapon?" tanong nya.

"Ah, eh. May emergency kasi sa Flowers Shop kahapon kaya di ako nakapunta. S-sorry" pag dadahilan ko. Bakit kung umasta ako ay parang ako pa ang may kasalanan at nagtataksil samin?

"Ah ganun ba. Tara na?" sabi nya sabay tayo. Napa kunot-noo naman ako? San kami pupunta?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko at napatayo narin

"Basta" at tuluyan nya na kong hinatak

----

~Cristofer Ann Palma~

"Sir okay na po. I poprocess na lang po namin. At kokontakin na lang po namin kayo or si Mam. Alys para dito" sabi nung organizer ng Wedding Invitation.

"Ah okay! Si Alys na lang ang kontakin nyo about this. Thanks" at tuluyan na kong lumabas ng shop.

Nandito ako ngayon sa Mall at inutusan lang naman ako ni Alys na ako na lang daw ang makipag-appointment para sa Wedding Invitation nya. Masama daw kasi ang pakiramdam nya. At ako namang si GWAPO! sinunod ko na lang 

Buti pa si Alys ikakasal na. At kahit hindi halata napakasaya ko para sa kanya at sa pinsan ko. Akalain nyo yon! Sa dinami dami ng naging problema ni Alys sa buhay ay ikakasal na sya. Eh ako nga wala pang Girlfriend eh!

Nandito na ko sa parking lot at papunta na sa kotse ko. Dadaan pa kasi ako kila Alys para sabihin yung sinabi ng madaldal na babae kanina para sa Wedding Invitation nya. Pero nagdadalaang isip parin ako kung tutuloy ako doon. 

"huhu! Walangya ka Lester!! Bakit mo nagawa sakin to!!" e? May multo ba dito sa parking lot? Diyos ko po Lord, gusto ko pa pong mabuhay! 

"Bwisit ka! Bwist!" yun nanaman yung boses! diyos ko po talaga Lord. Mag gigirlfriend na talaga ako wag nyo lang akong takutin ng ganito.

Dahil na curios ako sa multong 'yon. Kaya sinundan kung saan 'yon nanggaling.

0_____0

Sya yung babae kagabi sa Restobar ko diba? Yung sinabihan akong bakla kahit ang gwapo gwapo ko naman. Pero bakit sya umiiyak at pinagsisipa yung gulong ng kotse sa harap nya. Ang weird pala talaga ng babaeng 'to no! nakakatakot lapitan baka mansakmal.

Pero dahil concern citizen talaga ako. Nilapitan ko sya

"Miss. Bakit pati gulong ng kotse trip mo?" tanong ko. Ang weird nya lang kasi mukha syang tangang sinisipa yung gulong ng kotse, feeling nya mabubutas nya yon

Agad naman syang humarap sakin at katulad kahapon masama nanaman ang tingin nya. Alam ko namang gwa--- "Pakielam mo?" mataray nyang tanong. Sungit!

"Nag mamalasakit lang. Kasi baka bago mo mabutas yang gulong kakasipa mo eh, mauna pang magkadiperensya yang paa mo" 

"Hindi ko kaylangan ng malasakit mo! Umalis kana nga!! " sabi nya. Aba ako na nga 'tong nagmamalasakit e!

"Tss. Ang panget pala magalit ng mga tomboy" mahina kong sabi

*Toinks* "Aray ko ah! inaano kita dyan?" sigaw ko sa kanya. Aba kahit magan-- Ahy hindi mali! Di porke babae sya, ay mali parin eh!  Aissh!. pahamak na babae to ang sakit nun ah! Ikaw ba naman batukan ng bonggang bongga!

"Hindi na talaga ako nagtatakang bakla ka talaga. Ang hina hina ng batok sayo umaaray kana! Paano pa kaya pag sinapak na kita?" at tumalikod na sya sabay sakay sa kotseng sinisipa nya kanina 

At ano daw? Bakla nanaman!! Sa sobrang gwapo ko ba talaga nagmumukha na kong babae? Aissh! labo ng buhay oh!

------

Hi sabaw ba? huhu! pasensya po. Nga pala thank you sa gumawa ng New Book Cover neto. Hang Gondo diba ^-^

I Hate This Guy (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon