Chapter 1

621 38 10
                                    

Salamat po sa mga nag correct ng Grammars, Punctuation Marks, and etc.  I dedicate this Chapter to my Sexy-tary. Hi @ImNadineSkye

-Chapter 1

 ---

~Alliah Joe Delacruz's POV~

"Hey Alliah! Date ba talaga ang pupuntahan mo o burol?' sabi ni Skye.

E? Ano bang problema sa suot ko? Naka pants lang naman ako na pinarisan ko ng loose black shirt wth my favorite sneakers shoes, feeling ko nga ang astig ko sa suot ko dahil komportableng komportable ako!

"Bakit? Ayos naman ah!" sabi ko at humarap pa 'ko sa salamin para lang tignan ang sarili 'ko. "Simple lang naman 'tong suot ko"

 "Hay ewan ko sayo! Alliah hindi masamang maging simple. Kaso sa sobrang pagkasimple mo. eh, Parang hindi date ang pupuntahan mo" 

This is me. Bakit ba pati damit na susuotin ko kinuquestion? And yep. Date ang pupuntahan ko ngayon. Dahil magcecelebrate kami ni Lester ng 2nd Anniversary namin. Excited na nga ako e, Tanggap nya kung sino at ano akong klase ng babae. Hindi kasi ako katulad ng iba dyan na pala-ayos, ma-porma. 

Since before may pagka-boyish na talaga ako. Hmm, siguro naimpluwensyahan ako ng mga Kuya ko. I have 3 older brothers at ako lang ang babae. Buti na lang talaga mahal ako ni Lester, at umabot pa kami ng 2nd Anniversarry. 

"Para namang hindi kana nasanay sa 'kin Skye. Saka look, Hindi naman maarte si Lester sa pananamit ko! as long as mahal nya ko at mahal ko sya" then here we go. Nagbublush nanaman ako pag naaalala ko.

"Pss. Ang cheesy nyo. Sige na, lumayas kana at baka naghihintay na ang prinsipe mo" 

eiii, :"> Excited na talaga akong makita si Lester. Pinaghandaan ko talaga tong araw na 'to. Binilhan ko pa sya ng regalo na wrist watch dahil, I know na collection nya 'yon.

Sumakay na ko sa Ford Fusion Car ko na binigay ni Kuya James nung 20th birthday ko. Sana naman ay hindi traffic ngayon. 

Buti na lang at hindi traffic. Kaya pagdating ko sa Mall dumiretso agad ako sa Starbucks.  Dun kasi ang usapan namin na magkita. Pero ng matanaw ko sya sa Starbuck...

S-sino yung babaeng kasama nya? B-Bat nya hinalikan sa kamay? Nang makita ko yun bigla na lang may kumirot sa bandang dibdib ko. At pumatak ang traydor kong luha. No! baka naman kamag-anak lang ni Lester yun diba?

Akmang didiretso na ko papasok ng Starbucks, ng yakapin ni Lester yung babae. Gusto ko mang bigyan na lang ng ibang kahulugan 'yun. Pero iba yung nararamdaman ko. 2nd Anniversary namin ngayon pero eto yung surpresa nya sakin? 

Instead na tumuloy ako. Tumakbo ako papalabas ng Mall. Hindi ko kayang harapin sya ngayun. Ewan ko kaylangan ko yung paliwanag nya pero may something na nagsasabi sa akin na wag tumuloy. Kahit sabihin pa nilang mukha akong matapang pero kung ganitong usapan. Tao din ako nasasaktan!

Nag drive ako papuntang Restobar malapit sa Sibdivision namin. Doon ako laging tumatambay kasama si Skye pag may problema ako. Kinapa ko yung celphone ko at akmang idadial ang number ni Skye pero..

Wag na lang. Sobra sobra na ang atraso ko sa kanya. Ayoko ng pati sya mamoblema sa problema ko. Mas magandang ako na lang ang bahalang sumulosyon sa problemang akin naman talaga. 

Agad na akong bumaba ng kotse ko at pumasok na sa Restobar

*Booogss*

Pag minamalas ka nga naman oh! "Sorry miss" hinging paumanhin ko doon sa magandang babae. 

Ngumiti lang sya at pinulot yung pouch nya "No. It's ok. Sorry din" She said and give me her sweetest smile. 

Sasagot pa sana ako ng "Mam Alys kayo po pala!" sabi nung mukhang waitress at tumingin saming dalawa "Ano pong nangyayari dito?" tanong nung waitress

"Wala naman. Nandyan ba ang Sir. Tofer mo?" rinig kong tanong nung Alys ata? Kaya umalis na lang ako doon at umupo na sa pinakasulok ng Restobar

Tinignan ko yung cellphone ko at puro messages at missed call ni Lester at Skye. In-off ko na lang ito at tinago. Buti pa yung mga tao dito sa Restobar mukhang masaya sila. Bakit ako hindi ko magawang maging masaya? 

Sa mga oras na to. Gusto kong manuntok, magwala! Kung hindi naman niyakap at hinalikan sa kamay ni Lester yung babaeng yun hindi naman sana ako maghihinala ng ganito eh! Pilitin ko mang isipin na baka kamag anak nya lang yun. Pero may bahagi parin sa utak ko na sinasabing niloloko nya lang ako.

Yumuko na lang ako sa table at pumikit para sana hindi na pumatak yung luha ko. 

----

Naalimpungatan ako ng may yumugyog sa balikat 'ko

"Ahmm. Miss" yugyog nya sakin. Tinignan ko naman sya ng masama. Sorry masama ang gising 'ko! 

"Miss, magkoclose na po kasi kami" sabi nya na nginginig-nginig pa. Bakit nakakatakot ba talaga ako? 

"Okay.." at yumuko ulit ako. huhu! naiiyak nanaman ako. Sana hindi na lang ako nagising

Naramdaman kong umalis na sya sa harap ko. Buti naman at nakaramdam na sya. Pakielam ko ba kung magsasarado sila. Edi magsarado sila! Hindi ko rin naman binabalak na nakawan tong Restobar nila. 

Naramdaman kong may lumapit nanaman sakin. Ang kulit naman pala ng mga nenang neto e! "Uhhmm miss, Sorry to interrupt  you, but we have to close---Owww" problema netong lalaking to?

Kunot noo ko syang tinignanfrom head to toe. Sobrang puti nya "Can you just please shut the f*ck up?" i murmured. 

"How dare yo---" confirm. May pilintik

Tumayo na ko at baka maginit pa lalo ang ulo ko dito. Hindi ako friendly sa mga bakla. No offense pero i hate them "Para kang bakla. Alis nga dyan!" then i push him "Paharang harang eh!" 

At tuluyan na kong lumabas ng Restobar na yun. Sa tagal tagal kong bumisita sa Restobar na yon. Ngayon ko lang nakita yung Baklang yun! 

-----

Gwapo ni Kris. <3

-Eyang

I Hate This Guy (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon