Chapter 1 : our Anniversary (p.6 of 7)

4 0 0
                                    

Nagising si Angela nang mga bandang 7 pm ng gabi. Tiningnan niya ang mukha sa salamin, nakita niyang sobrang namamaga ang mata niya. Hindi na siya bumaba ng kwarto niya, ayaw niyang magpakita sa mama niya na ganun ang hitsura niya, siguradong mag-aalala lang ito ng sobra.

Umalis siya sa harap ng salamin at binuksan ang cabinet, kinuha niya dun ang diary niya at nagsulat. Pagkatapos niya magsulat ay naligo siya at nagbasa ng libro, nang maramdaman niyang parang tahimik na sa paligid ay saka pa lang siya bumaba. Kumuha lang siya ng biscuit at juice sa ref. Kumuha na din siya ng malamig na tubig at kutsara para ilagay sa mata niya. Nang pakiramdam niya ay numipis na ang maga ng mata niya ay saka pa lang siya kumain.

Nalulungkot pa din siya, pero napagdesisyunan niyang ibabalik sa normal ang lahat, wala siyang dapat sayangin na panahon habang nandito pa si Michael sa Pilipinas.

Nagtext siya sa binata.

[honey, im sorry for being so childish kanina at nag walk-out ako. I'm just sad dahil sa balita, I love you. I hope you understand me.]

Umakyat na siya sa taas at natulog.

I HATE THAT I LOVE YOU.[ON GOING♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon