Chapter 1 : our Anniversary (p.3 of 7)

5 0 0
                                    

"Oh bakit umiiyak ang baby ko?" tanong niya sakin habang inaabot ang bouquet of roses. "happy anniversary ulit, sana nagustuhan mo yung gift ko."

"Happy anniversary din honey, ikaw kasi eh. Alam mo namang iyakin ako tapos gumawa ka pa ng ganyan." Nakaingos na sabi ko sa kanya. "Akin na iyong cd non ah."

"Haha napakakulit talaga ng honey ko, kaya di ako nagsasawang bigyan ka eh, lahat kasi tinatago mo." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Tara na kumain na tayo, pinagluto kita ng favorite mong carbonara."

Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. "Sinubukan mong magluto ng carbonara? Seryoso ka?"

Ang lawak ng ngiti niya ng sumagot. "Bakit masama bang subukan kong lutuin ang favorite ng magiging asawa ko?"

Nayakap ko siya sa sobrang tuwa. Nagpunta na kami ng kusina para mahatulan ko na ang niluto niyang carbonara. Nakakabaliw mas masarap pa siyang magluto kesa sa akin.

I HATE THAT I LOVE YOU.[ON GOING♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon