Chapter 1 : our Anniversary (p.5 of 7)

8 0 0
                                    

"Pinapapunta ako ni mama ng Singapore, hindi ako mag-eenrol this sem." Malungkot na pahayag ng binata.

"Bakit naman daw?" Hindi pa ngayon ang alis ng binata pero naiiyak na siya.

"Honey naman, wag kang umiyak please. Naisip niya kasing magpatayo ng bahay doon, kesa naman daw sa iba niya pa ipagawa sa akin na lang daw, namimiss niya na din daw kasi ako."

"Bakit kailangan ngayon pa? Di niya ba pwedeng hintayin na makagraduate ka na lang muna? Sayang yong taon." Ayaw niyan sumama ang loob kay tita Angie pero di niya maiwasan, iniisip pa lang na aalis na ang binata ay parang hindi niya kaya.

Umakyat na siya sa taas, alam niyang mali ang ginawa niya pero sobrang masakit ang balitang sinabi ni Kiro. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa makatulog na siya.

Samantalang sa baba ay kinausap ng mama ni Jenith si Kiro.

"Pagpasensiyahan mo na si Angela , masakit para sa kanya ang pag-alis mo. Alam mo namang nakasanayan na nang anak ko na lagi kang nandiyan para sa kanya."

"Naiintindihan ko naman po siya, kaya lang sana intindihin niya din ako." Malungkot na sabi niya. "Sige po tita aalis na po ako."

I HATE THAT I LOVE YOU.[ON GOING♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon