Chapter Five

36 3 0
                                    

Chapter Five

Maxine's POV

Friday ngayon kaya kahit anong oras pumasok okay lang daw. So dumating ako sa school ng 9:00. At ngayon 10:00 na pero wala pa rin si Amelyn, tinetext ko siya pero di naman nagrereply, sinubukan ko rin siyang tawagan pero cannot be reach siya, baka nga may ginagawa or tulog pa rin siya hanggang ngayon. Haayy, kaya ang kasama ko ngayon ay sina Jaden at Kurt.

"Bakit wala pa si Amelyn?" -Jaden

"Bakit si Amelyn ang hinahanap mo eh si Third wala pa din. Ikaw Brad ha, napaghahalataan ka na." Nakakalokong saad ni Kurt.

"Gago! Syempre hinahanap ko din si Third." Pagpapalusot ni Jaden.

"Aysows! Oh si Amelyn oh!"

sabay naman kaming napalingon sa pintuan ni Jaden, pag tingin naman namin wala. Kaya ang ending si Jaden ayun binato niya si Kurt ng ballpen si Kurt naman tawa ng tawa. Napailing nalang ako at nagplay nalang ng Songs sa Phone ko. Habang nag lalaro ng Color Switch.

"Pero bakit nga wala pa silang dalawa?" sabi ni kurt. "Baka naman nag date yung dalawa." Dugtong pa niyang sabi.

Napatingin naman ako kay jaden na ang sama ng tingin kay Kurt. Tinaas naman ni Kurt yung dalawang kamay niya na parang sumusurrender. Tsk. Naglaro nalang ako ng naglaro. Nakakainis lang tong larong to eh. Di ako maka-alis alis sa score ko na 30. Halos masira na nga yung screen ng phone ko kakadutdut ko.

11:15 na nung lingunin ko yung dalawa sa likuran ko.

"Psst, Jaden, Kurt." Tawag ko sa kanilang dalawa na nag silapitan naman sila sakin.

"Wala ba tayong Klase? Kasi 11 na oh." Tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila sa relo nila.

"Wala na ata." -Kurt

"Tara na sa Cafeteria dun nalang natin hintayin sila Amelyn at Third."
Sabi ni Jaden kaya tumango kaming dalawa ni Kurt inayos ko muna mga gamit ko bago ako sumunod sa kanila. Naunang naglakad si Jaden, si Kurt naman nasa gilid ko. Tahimik kaming naglalakad papuntang Cafeteria ng may marinig akong sumigaw sa likuran ko.

"Max!" Tawag sa akin ni Amelyn.

"Amelyn!" sigaw ko at niyakap siya.

"Grabe ka, bakit ngayon ka lang." Tanong ko.

"Sorry, nalate ako ng gising eh. Napasarap ata tulog ko kagabi. Hahaha."

"Baliw ka., Lika na pupunta na kaming Cafeteria." Sabi ko. "At hinahanap ka ni Jaden kanina." Bulong ko sa kanya.

Can You Love Me Back?Where stories live. Discover now