III. Clash of Royalties [part one]

32 2 3
                                    

HI!!! update ulit, mostly focus tayo ngayon sa brainy couple, but don't worry, meron ring chapters at moments ang ibang couples sa next updates~ hope you enjoy!

Minyoung's p.o.v

Napagising ako ng maaga, ngayon kasi yung first day ng Sky Labyrinth Academy and Knight Juvenile Academy as Sky Juvenile Academy, meaning ito rin yung first day ng merge classes namin with the Knights as Royalties, which is pretty much annoying

nag-umpisa na akong mag ayos at magbihis, gigisingin ko pa kasi si Minjoo-unnie, grabe matulog yun, pag ginising mo nagiging beast, eh ayaw naman ng iba gisingin at ako yung pinilit, ako daw kasi yung leader -_- 

matapos ko ng mag-ayos agad akong bumaba at nakita si Eunrim-unnie na nagluluto "oh, Minyoung, gising ka na pala" sabi ni unnie sa akin nung nakita nyang umupo na ako "Ay hindi, tulog pa, doppleganger ko lang kaya to" sarcastiko kong sabat kay unnie kaya nag-roll eyes na lang siya, sanay na naman siya kasi mas malala pa yung maknae line namin sa mga ganitong bagay

"ginising mo na ba si Minjoo?" tanong sa akin ni unnie habang hinahanda ang mesa, kaya tinulungan ko siya "mamaya na unnie, ang aga pa naman, at isa pa maawa naman kayo sa akin, palaging sabunot yung abot ko dun sa kanya eh" 

nag-usap muna kami ng mga bagay hanggang sa matapos na namin i-set up ang mesa, wow ang dami ng pagkain, masasarap pa, the best ka talaga, Eunrim-unnie, nagutom tuloy ako

"Minyoung, gisingin mo na si Minjoo, gigisingin ko na rin ang iba para makakain na tayo" kahit na ayoko ay umakyat parin ako para gisingin si unnie, gusto ko na kasing kumain, at isa pa ayokong ma-late lalo na at nandoon si badjao, ayokong magkaroon ng bad image, kailangan kong patunayan na ako karapat-dapat na Student Council President at hindi siya

huminto ako sa harap ng kwarto ni Minjoo-unnie at pumasok at nakakagulat yung nakita ko, si Minjoo-unnie gising na at nakabihis pa! "Wow, what a miracle! sabihin mo nga unnie, may lagnat ka ba? are you not feeling well? anong nakain mo kagabi? ikaw ba talaga yan?" 

sunod-sunod kong tanong sa kanya at makikita mong naiirita na siya "bakit? bawal mag-change? walang hiya, tara na sa baba!" (A/N: sa baba ni Hoseok////slapped) napagising yata ako mula sa gulat nung lumabas na si unnie kaya nagmadali na rin akong lumabas

"GOOD MORNING! KAINAN NA!!!!!!!!" at yan ang narinig ko nung nakababa na ako, bwiset na Jinhee, ang aga-aga sumisigaw na "Unnie! maingay!" galit na sabi ni Kazumi sa ate niya, kaya napatingin naman si Jinhee sa kanya 

"KAZUMI GOOD MORNING!!!! NAIINGAYAN KA BA? SIGE TATAHIMIK NA AKO!!" pasigaw na sabi ni Jinhee, what the hell?! akala ko tatahimik na! bakit sumisigaw pa rin siya " Jinhee, sabi ngang maingay eh!" sigaw naman ni Eunrim-unnie "HALA!! NAIINGAYAN KA RIN UNNIE? EH ANG HINA NA NGA NG BOSES KO!!!" 

Anong mahina?! eh parang nakalunok na nga siya ng megaphone sa sobrang lakas ng boses niya "GOOD MORNING JINHEE! AT BAD MORNING NAMAN SA INYO MINYOUNG-UNNIE, MINJOO-UNNIE, EUNRIM-UNNIE AT KAZUMI!!!!"

kung si Jinhee parang nakalunok ng megaphone, pwes ibahin niyo si Heejung, sound system yang nilunok niyan, mabuti nga at wala sa mood si Kazumi makipag kulitan sa kanila, kung hindi world war III ang magaganap

"sinong sumisigaw? ang ingay" reklamo ni Nahyul habang pababa ng hagdan kaya lahat kami napatingin sa dalawang nakangiti lang ng painosente "tama na yan kain na tayo" yaya sa amin ni Minjoo-unnie, at nagpaunahan naman yung maknae line kasama si Heejung papunta sa lamesa

===================================

*timeskip*

At Sky Juvenile Academy, Royalties' building

Clash of Royalties [ A BTS fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon