Clash of the Royalties [part two]

18 0 0
                                    

First of all, HI!!!!! and also sorry na matagal akong hindi nakapag-update!!!!

going back to the main topic here's the Chapter for the Visual couple ;)

Eunrim's p.o.v

second day of merge classes with the boys at medyo huminahon na ang war nina Minyoung at Namjoon, yes nag-uunahan parin sila sa pagsagot sa mga Questions pero atleast pinapa-answer na nila kami

nakaupo kaming girls sa respective seats namin at syempre with our annoying seatmates, ewan ko nga kung on purpose na pina-upo ang mga counterparts namin sa tabi namin pero ang alam ko lang ay ayokong makatabi tong bakla na to

dumating na si Mr. Bae at nagsimula ng magturo ng History at syempre yung dalawang genius na naman ang nag-unahang sumagot -_-

linagay ko ang ulo ko sa ibabaw ng desk at tumingin sa notebook sa harapan ko " pangit, wag kang matulog!!!" napatingin ako kay Seokjin ng masama, pangit daw? "bakla! hindi ako matutulog atsaka wag mo akong tawaging pangit, ang ganda ganda ko kaya!!" sigaw ko sa kanya

"Oo na unnie, ikaw na ang pinakamaganda, manahimik na lang kayong dalawa jan, baka ma-inlove pa kayo sa isa't isa, pero ok lang kasi nga WALANG FOREVER!!!!!" sigaw ni Bitter, teka, anong konek ng forever?

"Babaeng bitter! wag ka ngang magsabi ng mga bagay na nakakadiri, yuck ako maiinlove sa pangit at tomboy na yan, hindi noh, gugustuhin ko pang mamatay kay sa mainlove diyan!!" pagiinarte ni Seokjin na parang nandidiri at nakahawak ng patay na daga, ouch ha, ganun nalang ba ang tingin niya sa akin? pangit at tomboy?

"wow! asa ka rin naman na maiinlove ako sayong bakla ka! mas gugustuhin ko rin na mamatay kay sa makita ang pagmumukaha mo pinky prince!!!!!" galit kong sigaw sa kanya at nakita ko naman na tumitingin na ang girls sa akin ng may pag-aalala

"Seokjin! Eunrim! detention office now!!!" rinig kong sigaw ni Mr. Bae na nakalimutan namin na andyan pa pala sa loob ng classroom, tiningnan ko si Seokjin na mukhang iritado, nagmadali akong tumayo at lumabas sa classroom ng padabog, What a good day, sarcasm please (A/N: *starts singing BTS's "good day"*)

pumasok ako sa loob ng detention room at umupo sa pinakadulo, maya maya pa ay nakita kong pumasok si Seokjin at umupo rin, malayo sa akin syempre

napakatahimik sa loob, to the point na ang awkward na, hindi kasi kami sanay sa katahimikan, palagi kasing maingay ang mga kasama namin,

"Sorry......" bulong ni bakla, wait, tama ba yung narinig ko? nagsorry siya "anong sabi mo? Pwede pakiulit?" nakangisi kong sabi para maasar siya "Tssss... Wala!!! Ang bingi mo kasi!" sabi niya sa akin, bingo, naasar nga XD "psssshhh, kunyare ka pa eh, uy ha nagsorry siya~" inaasar ko pa siya, once in a blue moon mo lang maririnig na magsorry tong bakla na ito, one of the knights kasi, at ang alam ko masyadong mataas ang pride nila

" narinig mo naman pala eh! Bakit kapa nagtanong?!" galit niyang sigaw sa akin at napatawa naman ako, ang saya niya kasing asarin, nakita ko naman na napasimangot siya "anong nakakatawa?" humahalakhak pa rin ako sa tawa "hahahahahaha ang mukha hahaha mo!!!!!" sagot ko habang tinuturo ang mukha niya, with matching hampas pa sa mesa, sorry ha, ang boring kasi at sobrang tahimik kaya parang nagiging ganito ako

Nag roll eyes lang siya sa akin "Nabaliw ka na ba ng tuluyan?" tanong niya, halatang naiinis na, kaya kumalma na ako at benelatan siya, maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Bae na nakasimangot, tiningnan niya kaming dalawa at huminga ng malalim

"alam ko namang hindi kayo magkasundo infact alam namin na hindi magkasundo ang boys at girls, pero hindi ko paring maitatanggi na I'm so disappointed with the both of you, kayo pa naman ang pinakamatanda sa dalawang grupo" pareho kaming napatingin sa sahig ni Seokjin, tama naman kasi si Mr. Bae hindi ko rin alam bakit nag-aaway kami eh, basta ayaw lang talaga namin sa isa't isa

"you may now go back to your classes, at siguraduhin niyong hindi na mauulit to" with authority na sabi ni Mr. Bae, tahimik kaming tumayo at nagbow sa kanya at umalis ng detention office, wala pa rin kaming imik at tahimik parin na pumunta ng classroom. Pagkabukas ko ng pinto ay agad na tumambad ang mga nag-aalala at pangit na mukha ng mga pinakamamahal kong kaibigan

"Unnie ayos ka lang ba? Wala namang ginawang masama sayo ang baklang yon diba?" agad na tanong ni Heejung sa akin nung makalapit na sila, at sakto namang pumasok si Seokjin kaya naring niya ang sinabi ni Heejung at tiningnan ito ng masama, si Heejung naman nagkunyareng walang Seokjin na nag-eexist

"Oo, grabe sinipa niya ako at sinuntok tapos sinabunutan niya pa ako" parang naiiyak ko na sabi, ofcourse acting lang, nagblink lang ako twice para ma gets ng girls na biro lang ito at kailangan nilang sakyan ang trip ko, at nung ngumisi sina Kazumi at Jinhee ay alam kong nakuha nila yung signal ko

Nagbulungan sina Nahyul at Heejung habang wala namang emosyon sina Minjoo at Minyoung, pero alam kong nakuha rin nila, tiningnan ko si Seokjin na gulat na gulat at sinenyasan kong simulan na ng girls ang acting nila

"Naku unnie, kawawa ka naman, hoy! Kim Seokjin! Walang hiya ka, gusto mo bang mabugbog?!" pag-iinarte ni Nahyul na parang galit, aba syempre sumigaw siya para realistic! "Anong sinipa sinuntok at sinabunutan!! Sa pagkakatanda ko wala naman akong ginawa na ganun ha!!!" nakita kong napatingin ang ibang boys sa amin

"so sinasabi mong nagsisinungaling si Unnie sa amin? Aba hindi niya kaya mgagawa yun, may tiwala kami sa kanya, siya na nga yung sinaktan mo eh kaya magsorry ka" sumunod narin sa pag-arte si Jinhee, aba actress namin yan! Narinig kong suminghal si Taehyung

"Diba pwede naman na si Eunrim talaga yung nagsisinungaling? Hindi rin kaya ni Hyung na magsinungaling noh" napatingin kaming lahat kay alien na nagsasalita, pssshhh kill joy

"Edi wow" bulong at naiirita na sabi ni Jinhee "Grabe ha, hindi pwede ma-joke? Alam naman namin na hindi magagawa ni Seokjin yan kahit magkaaway pa tayo, may respeto pa naman yan sa babae" kalmadong sabi ni Minjoo

"Kayo lang naman ang hindi marunong magtiwala sa iba eh, kasi para sa inyo ang kaaway ay kaaway" dagdag ni Minyoung habang nakatingin ng masama kay Namjoon, grabe ha ang tense ng atmosphere dito

"girls, tama na nga yan, akala ko ba actingan lang bakit naging totoo, pumunta na nga tayo sa canteen, gutom na ako" paghihinahon ko sa kanila, tumingin silang lahat sa akin na paranf naiirita "palagi ka namang gutom unnie eh, maganda at sexy ka nga pero parang baboy ka naman kapag kumain"

Napasinghal ako sa sinabi ni Heejung, walang galang na bata to ah "sige, ganun pala ha, no dinner and desserts tonight, bahala kayo sa buhay niyo" pa walk out effect ko pang sabi, syempre parang nakakita ng multo ang maknae line nung sinabi kong walang dinner at dessert

"unnie!!! Si Heejung-unnie lang ang may kasalanan!! Bakit kami nadamay" pasigaw na patakbo papunta ng maknae line sa akin pero deadma ko lang, manigas kayo sa gutom che

---------------------------------------------------------------------

Happy third anniversary ARMY's!!!!!!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash of Royalties [ A BTS fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon