SPECIAL CHAPTER

5 0 0
                                    


"Kuya Mike!"

Nandito na si kuya Mike!

Siguradong matutuwa si ate Tiffany kapag nalaman niya toh.

"Teka bata hindi ako si Mike, Psh! Parehas kayo nung babae , napagkamalan na naman akong si Mike"

"hahahaha. Ano bang sinasabi mo diyan kuya ? Pffft! Ang panget mong magjoke ah!"

Kumunot yung noo niya sa sinabi ko at hinila niya ako sa may bench at pinaupo.

"I want to clarify things okay ? I'm not Mike"

Hahaha..Si kuya talaga palabiro.

"I'm Luke , Mike's twin brother"

Nagulat ako.

"Kaya pala nagiba ka , pero nasan si Kuya Mike ?"

Biglang nag iba yung aura niya dahil sa sinabi ko , mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"I'm sorry to say , but Mike have a heart cancer"

Pero ? Mukha namang malakas si kuya Mike, bakit siya magkakaroon nun?

"Sinabihan na namin siyang magpagamot at pumunta ng states para dun gawin ang operasyon pero ang kulit niya!"

May tumulong luha galing sa mata ni kuya Luke pero agad niyang pinunasan yun.

"Ayaw niyang pumayag mas pinili niyang magstay dito at ang dahilan niya , ayaw niya daw iwanan yung mahal niya"

Posible kayang si ate Tiffany ang dahilan kaya ayaw niyang umalis dito sa Pilipinas ?

"Tiffany , yan yung pangalan nung babae at nung nameet ko siya hindi ko mapigilamg magalit sa kanya kaya naitulak ko siya , galit ako sa kanya kase kung hindi dahil sa kanya hindi lalala yung sakit ni Mike"

Sigurado na kapag nalaman toh ni ate Tiffany , kamumuhian niya ang sarili niya.

"Pero ? Nasaan na po si kuya Mike ?"

Napatingin sa may langit si kuya Luke at tinuro niya yun.

"Nandun na siya kasama si papa God"

Napatakip ako ng mukha ko.

K-uya Mike ?

"P-atay na siya.. Cardiac Arrest , y-un yung kinamatay n-iya..
L-ast m-onth lang"

Napahagulgol na ako ng iyak.

"*Huk* b-akit n-gayon niyo lang po sinabi *Huk* H-indi man lang po ako nakadalaw sa kanya"

Kuya Mike ? Bakit ang aga niyo pong umalis ?

Diba nga tutulungan ko pa kitang manligaw kay ate Tiffany ?

Kuya Mike naman eh!

"Si Tiffany , I need to see her"

Napaangat ako ng ulo.

"Pero bakit po ?"

"Kailangan ko kaseng tuparin yung promise ko kay Mike , na aalagaan ko at mamahalin si Tiffany kagaya ng pagmamahal ni Mike sa kanya"

Tumayo ako at nagpunas ng luha.

"Tara na kuya Luke!"at hinila ko na siya papunta sa bahay nila ate Tiffany pero nahuli na kami.

Nakaalis na si ate Tiffany , pumunta na daw ng US kahapon pa.

Sorry kuya Mike , hindi ko natupad yung pangako ko na palagi kong babantayan si ate Tiffany.

Siguro makakatulong narin yung pag-alis niya para makalimutan niya yung mga nangyari.

At mas maganda narin na hindi niya malaman ang nangyari sayo kase alam kong ayaw mo siyang malungkot.

'Sayang kuya Mike'

'Ang ganda pa naman ng love story niyo'

'Sayang , ako sana ang magiging kupido niyo'

Pero kailangan nating tanggapin na.

' na may mga bagay na hindi nangyayari at hindi nakukuha'

"Hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo"

"Minsan kailangan nating magsakripisyo para sa ibang tao"

"At saludo ako sayo kuya Mike"

Isa lang ang hiling ko 'sana masaya ka na sa kinaroroonan mo at para kay ate Tiffany ,SANA HINDI NA SIYA "MA -STRANGER ZONE"

---------------THE END-------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRANGER ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon