"SAAN tayo pupunta?" hindi mapigilang tanong ni Tiffany kay Bearlan habang sinusuklay niya ang buhok sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Hindi niya kasi 'yon naayos kaninang suklayin kamamadali. Pero hindi niya maitatanggi, may kinikilig na bahagi ng puso niya kasi nakasakay ulit siya sa kotseng iyon kahit hindi na niya crush ang katabi.
"None of your business."
Inismiran niya ito at hindi na umimik pa. Kasuplado nga naman talaga ng baklang 'to! Tse!
Subalit saglit lang ay namilog ang mga mata niya nang ipasok ni Bearlan ang kotse sa isang condo building.
"Teka! Ba't tayo pumunta rito, Sir? H'wag ka namang ganyan. May regla po ako ngayon." Naalarma siya at niyakap ang sarili niya. Kahit crush niya ang binata ay hindi niya pa handang ipagkaloob ang pagkababae niya. No way!
"What the hell are you talking about?! Nandito ang isang kaibigan ko! Pupuntahan ko lang!" singhal tuloy sa kanya ni Bearlan habang tinatanggal nito ang seatbelt sa katawan.
Mahabang "Aaaaahhh!" si Tiffany. Naman pala. Spell pahiya, T-I-F-F-A-N-Y. Bakit ba kasi hindi niya naisip na bakla nga pala ang binata para patulan siya. Tss!
"Teka sama ako!" Madali siyang lumabas ng kotse nang makita niyang malalaki ang hakbang ni Bearlan na palayo.
Sa elevetor salubong ang kilay ni Bearlan na tumingin sa kanya dahil siya na rin ang pumindot sa button ng elevetor. "Kailangang sumama ka talaga? Pwede ka naman sa kotse lang, ah?"
"Eh?" nakangiwing reaksyon niya. "Nakakatakot kaya sa basement. Baka may aswang. Napanood mo 'yong pelikula na about sa basement? Katakot kaya."
"Manananggal 'yon hindi aswang," pagko-korek sa kanya ng binata.
"Parehas lang 'yon," giit niya.
Tumunog ang elevetor. Nagbukas at lumabas sila. Nakasunod lang siya sa binata. Hanggang sa isang ROOM 101 ang kinatok ni Bearlan.
"Ano'ng gagawin mo d'yan?" tanong na naman niya.
"Ang daldal mo, 'no?!"
"Nagtatanong lang naman, eh," ngumuso niyang dahilan. Natigilan siya nang magbukas na ang pinto at iniluwa n'on ang guwapong-guwapo na lalaki. Kasing gwapo ni Bearlan. Lamang lang konti si Bearlan sa paligo.
Napanganga pa si Tiffany dahil topless ang lalaki at ang abs sa tiyan. Anim, besh!
"Dude, pasok," sabi ng lalaki kay Bearlan. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Bearlan.
Walang sabi-sabing pumasok nga si Bearlan. At saka si Tiffany sana. Pero biglang tulak si Bearlan sa mukha ng dalaga.
"Aray ko naman!" angal ni Tiffany. Parang tumabingi ang pisngi niya at ilong niya sa ginawang iyon ng binata.
"At bakit ka kasi papasok?"
"Eh, papasok ka, Sir, eh?"
"No. You'll stay here outside." Pagkasabi n'on ng binata ay isinarado nito pabalibag ang pinto.
Napangiwi na lang ang naiwan na si Tiffany sa labas ng condo unit. Hindi siya makapaniwala na iiwan siya doon sa labas.
"Ang sama mo talaga! Demonyo!" sigaw niya na gigil na gigil sa binatang amo.
Saglit lang ay natigilan siya nang may sumagi sa isip niya na kalaswaan na nangyayari sa loob.
"Hala ka!" sambit niya na natutop sa bibig. Ang hitsura niya ay parang masusuka na.
SA LOOB ng condo unit ay natatawa si Rick. "Seriously? Doon lang talaga siya sa labas? At saka who is she? Maganda, ah."
"Personal assistant ko raw na kinuha ni Mommy," walang ganang sagot ni Bearlan sa kaniyang kaibigan. Itinapon niya ang sarili sa malambot na couch. Humiga at pumikit.
"What? Sa tanda mong 'yan kailangan mo pa ng gano'n?"
Humalukipkip siyang nakahiga. "Personal assistant raw. But the truth is Mommy paid her to make me a real man."
Rick laughed loudly. "You mean naniwala talaga sila sa palabas mo?"
"Ang lakas ng bunganga mo marinig ka pa ng babaeng 'yon," awat niya kay Rick na napadilat ng mata at napatingin sa pinto.
"Okay, sorry pero hindi nga? Pinaninindigan mo talaga ang kunwaring kabaklaan mo?"
Smiling, Bearlan nod her head at pumikit ulit. "That's why I'm here para makita ni Tiffany ang kabaklaan ko."
Rick eyes widened. "Sira-ulo ka, dude, gagawin mo pa akong—"
"H'wag ka nang umangal," tatawa-tawang aniya na nakapikit pa rin.
Binato siya ni Rick ng unan. "Sira-ulo ka! Hindi tayo talo! G*go!"
Natawa na siya nang tuluyan.
SA LABAS naman ay ngiwing-ngiwi pa rin ang mukha ni Tiffany habang pilit niyang dinidinig ang nangyayari sa loob ng condo. Dikit na dikit ang kanyang tenga sa dahon ng pinto. Para tuloy siyang tukô na nakasabit sa pinto. Kaya lang puros tawa lang ng lalaki at ni Bearlan ang naririnig niya.
"Yuck! Mga bastos!" hiyaw niya sa isip-isip niya. Hindi niya ma-imagine ang ginagawa kasi ng dalawa ngayon sa loob. Kadiri! Ew!

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...