Chapter 2: My First Day And The Revenge Of My First Enemy?

113 4 1
                                    

♠♧♠♧♠♧♠♧♠♧♠♧♠♧♠♧

CHAPTER 2: My First Day And The Revenge Of My First Enemy?

(Mark's POV)

Nandito na kaming anim ngayon sa labas ng mga building namin, iniintay na lang namin ngayon si Sir Patrick kasi sabi niya ihahatid nya daw kaming anim dahil hindi namin alam kung saan ang classroom namin.

"Antagal naman ni Sir Patrick." sabi ni Clyde na naiinip na

"Oo nga." sabay na sagot namin ni Jake

"Hoy! Hoy! Kayong tatlo dyan, wag niyo ngang pagsalitaan ng ganyan si Sir Patrick." sabi ni Courtney na may halong pangseseduce nang banggitin niya ang pangalan ni Sir Patrick

"Oo nga! Wag nga kayong ganyan kay Papa Patrick, I mean Sir Patrick." pagsang-ayon naman ni Twirly

Makalipas ang ilang minutong pag-iintay, dumating na rin si Sir Patrick.

Nakasuot siya ng white na shirt na short sleeves pero yung white na shirt na yun, pinatungan ng blue na parang blazer na parang jacket na parang coat. Basta yun na yun.

Tapos hanep yung hairstyle nya, ang cool nya tingnan.

Oy! Oy! Baka akalain nyo bading ako ah! Pwes! Uunahan ko na kayo.

Hindi po ako bading!, sadyang naaastigan lang talaga ako kay Sir Patrick.

"Kanina pa ba kayo? Pasensya na kung late ako, may inasikaso pa ako eh." sabi niya habang papalapit sa amin

"Ano ka ba Sir Patrick, ayos lang yun." sabi ni Courtney at Twirly sabay takbo palapit kay Sir Patrick.

Ang mga babae talaga.

Gwapo na ba si Sir Patrick para sa kanila? Pano naman ako? Di mas hamak na mas pogi ako dyan kay Sir Patrick.

Lamang ako ng 10 paligo dyan kay Sir Patrick eh.

"Tsk. Tsk. Tsk." narinig kong sabi ni Clyde

"O, ano pang hinihintay nyo? Tara na para makapunta na kayo sa classroom niyo." sabi niya

Agad naman kaming sumunod sa kanya sa paglalakad.

"Ang cool naten Sir Patrick ah." sabi ko

"Ahaha. Salamat." sagot naman ni Sir Patrick

"Hindi lang cool, pogi pa!" sabi ni Courtney.

Teka, siguro nalilito na kayo no? Diba anim kami?

Tatlong lalaki at tatlong babae.

Yung tatlong lalaki ay ako, si Jake at si Clyde.

Yung tatlong babae naman si Courtney at Twirly, silang dalawa yung may pagnanasa kay Sir Patrick.

At yung huling babae naman ay si Hailey, tahimik lang siya mula pagpasok namin sa Academy.

Wala yatang prends? Hahaha.

Wala yata siyang close eh.

Di niya siguro close sina Courtney at Twirly.

Sus! Ngayon lang yan tahimik pero kapag nagkaroon na yan ng kaibigan, iingay na rin yan panigurado.

Sinundan lang namin si Sir Patrick habang nagkukwentuhan sa daan.

Makalipas siguro ang tatlong minutong paglalakad, nakarating na rin kami sa classroom namin.

"Andito na tayo." sabi ni Sir Patrick

"Aww. Lessons na!" sabi ni Jake.

"Hahaha. Dyan lang kayo ah. Kakausapin ko lang yung magiging adviser nyo." pag-uutos niya sa amin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Benders AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon