It was a cloudy morning, may plano sana akong, lumabas ngayon kasama ang mga barkada, kaso nakakatamad na dahil sa panahon, ang boring sa bahay what should I do? Binuksan ko ang T.V., at humiga, then nag facebook, I was browsing through my newsfeed I was scrolling down, then bigla kong napahinto...
"Ay putek sino to? Ang ganda.." Then Inistalk ko, siya. "Takte ang ganda nga!" Pero di ko pa, pinalago yung pagkakaroon ko ng crush sa kanya.. I scroll down through her wall "Hmmm she looks cool though"
"Justin!" Ang sigaw ng aking nanay, agad akong bumaba "Bakit Ma?" Ang tanong ko.
"May naghahanap sayo sa labas mga barkada mo" sabi ni mama.
*Tumingin sa sarili* "Ganto lang suot ko? Boxer tsaka sando? Hayaan ko nalang" Agad kong binuksan ang gate.
"Oh justin ano nang plano? Akala ko ba tuloy tayo?" Ang sabi ni Kristine, at agad agad pumasok.
"Tangina netong mga 'to mga feeling at home? Bahay n'yo? Bahay n'yo?" Agad kong biniro"Psh di ka pa nasanay samen!" Sabi ni Aaron, tas tumingin sakeng kasuotan. "Ano tara na?! Ganyan kanalang"
"Wag kanang maligo, parang wala rin namang nagbago sayo eh" Ang habol ni Kristine.
"Tangina niyo wala kayong libre saken" Sabi ko.
"Ay sorry na! 'To naman di mabiro! Anong libre ba yan?" Sabi ni Kristine
"Libre sapak mga hype kayo." Ang sinagot ko. "Oh siya, maliligo na muna ko"
-After 15 minutes-
Lumabas ako. "Oh ano na?"
"Tara na, Kain muna tayo sa mall" sagot ni Aaron
"Tara na, tangina gutom na ko." Sambit ni Kristine
"Eto na, tara na." sagot ko.
-After 1 hour-
Nakarating na kami sa resto sa mall, Habang kumakain kame, bigla kong natulala, biglang pumasok yung babae sa facebook. Ang weird, bigla ko siyang naisip. "Wag mo na ngang isipin yun." Sabi ko sa sarili ko.
Tas napatingin ako sa isang babae na naglalakad, biglang bumilis tibok ng puso ko. "Puta shet siya ata yun???" Ang tumatakbo sa isip ko. "Teka baka namaMALIKmata lang ako... Teka hindi ata, siya ata talaga yun!!" Tinatandaan ko ang suot niya, Longsleeve tsaka simpleng short lang tsaka Vans, naglalakad na siya palayo, Agad akong tumayo at tumakbo para hanapin siya.
"OY SAN KA PUPUNTA?!" Sigaw ni Kristine
Di ko na nasagot at dali dali akong tumakbo,..
Nung malapit na ko sa kanya, may nabangga akong isang matandang babae na may dalang mga gamit, di ko naman pwedeng iwan lang yun. Tinulungan ko.
"Ay sorry po lola! Di ko po sinasadya" habang pinupulot ko ang mga gamit niya.
"Damuho ka talagang bata ka, di ka tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw ng lola. (Damuho means Wild)
At inalalayan ko siyang tumayo. At binigay ang kanyang mga gamit. "Sorry po la"
at agad siyang naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Temporary Love
Romance"We don't have an extravagant love story about how we met. It wasn't at a coffee shop or at "just the right time". It was when we were both young and it's hard to remember my first thoughts about you. It wasn't love at first sight and I'm sure you d...