Naglalakad siya papalapit saken habang nakatingin ako sa kanya ay abot langit ang aking ngiti, simple lang ang pormahan pero anlakas na ng dating, simpleng ngiti lang niya, halos anlakas ng epekto. Ang mukha niyang nakaka-akit. Mata niyang kasing ganda ng langit. Braces niyang nagdadagdag ng atraksyon. Habang papalapit siya, pabilis ng pabilis ang takbo ng puso ko. Tila natotorpe ata ako?
"Hi" isang masigla kong bati.
"Oh kanina kapa ba naghihintay?" Tanong niya
"Mm di naman kaya ko namang maghintay basta ikaw ang hihintayin ko" Wika ko.
"Magpapakila ko ng maayos, ako nga pala si Princess Emmiliue Bueñaflor. Pero you can call me Emmy." Hinawakan niya ang kamay ko bilang pagbati.
"Hi, ako nga pala si Justin Gynn Montefalco, you can call me yours. Joke lang! Hahaha justin lang ayos na." At ngumiti ako.
"Ay nako hahaha! Ikaw talaga, so nice to meet you." Habang hawak parin naman ang kamay naming isa't isa.
Ang kamay niyang ansarap hawakan, kamay malambot tila ramdam ko ang kasiyahan ko, ngayon lang ako sumaya ulit ng ganito.
"May bibigay ako sayo." Wika ko
"Ano yun?" Tanong niya.
"Eto nga pala, Mcdo fries with double dip. Diba favorite mo yan? Tsaka eto bulaklak." Sabi ko
"Ay eto naman gumastos kapa!" Wika niya.
"Ay ayos lang, basta ikaw" sabay bumulong ako "Napaka special mo saken eh"
"Thankyou ha :)" Kasabay ng isang magandang ngiti.
Di ko maiwasang mapatitig sa mukha niya grabe.
"Oh bakit namumula ka?" tanong niya.
"Ay wala to!" Sabay sa iba tumitig pero kahit sa iba na ko nakatingin tila nasa kanya parin ang distraction ko.
"Oh ano nangyari diyan sa kamay mo ha?" tanong niya
"Ay eh. Nadulas kasi ako kaninang umaga" Sabi ko.
Tila nagkaroon ng konting simangot sa kanyang mukha.
"Oh ba't ganyan mukha mo? Wala to okay lang ako" Sabay ngiti "Oh smile kana, mas maganda ka kapag nakangiti."
"Nako nambola pa! Bolero ka talaga!" Biro niyang sagot. "Mag iingat ka kasi okay? Baka mapano kapa niyan pag di ka nag ingat"
"Opo mag iingat na ako" sabay kurot ng pisngi niya. "Ang cute cute mo kasi eh!"
"ARAAAAAYYYY!" tila mahinang sigaw niya saken.
Sabay palo ng tiyan ko. "Baliin ko pa yang kamay mo, oh sige ka."
"Wag mo nga kong takutin, kasi hindi ka nakakatakot, mas lalo lang kang gumaganda at naiinlove ako lalo." sabay ngiti.
"Ay jusko naman ito, nagugutom kana ba?" tanong niya.
"San mo ba gustong kumain?" Tanong ko.
"Sa Lamesa." agad siyang natawa sa sinabi niya.
Tinitigan ko lang siya. Agad, di ko namang napigilang matawa at mapangiti, basta mahal ko nakikita kong masaya.
"Tara dun tayo oh! Mukha masarap dun oh." Sabay turo sa resto.
"Sige tara tara."
Pagdating sa resto "Oh ano order mo?" tanong niya "Ikaw? pwede ba kitang I take home" biro ko
BINABASA MO ANG
Temporary Love
Lãng mạn"We don't have an extravagant love story about how we met. It wasn't at a coffee shop or at "just the right time". It was when we were both young and it's hard to remember my first thoughts about you. It wasn't love at first sight and I'm sure you d...