Chapter 5

97 3 0
                                    

Inihatid sila ni Franklin sa airport. Nag-uusap naman ang magkapatid nang masinsinan. Kung kaya't nagkaroon ng pagkakataon silang dalawang makapag-usap nang masinsinan rin.

"Can I call you my... girlfriend now?" ang tanong pa nito.

Napatitig siya rito at saka napangiti. Tumango siya pagkatapos. Hindi na niya kailangang magpaligaw. He could do it when it was officially "them" na. "Oo, kung gusto mo."

"Siyempre naman!" ang masayang anito.

"At... boyfriend na rin kita?" medyo napapahiya pang aniya ritong naninigurado.

He chuckled. "Of course!"

"Ibig bang sabihin niyan, eh... mahal mo ako?" She of course wanted to know that fact.

"From the first time I set my eyes on you, empty, yes." Sabi pa nito nang seryoso at titig na titig sa kanyang mga mata.

"Empty? Bakit mo naman ako tinatawag ng ganyan?" nakataas-kilay na tanong niya sa lalake ngunit nakangiti naman.

"Mula ngayon, 'yan na ang gagamitin kong endearment sa 'yo. Empty. Dahil it was like that ever since I saw you at the park. At kapag tinatawag kitang 'Empty', nagpapaalala sa 'kin 'yon na swerte akong dumating ka sa buhay ko nang kailangan ko na ng taong magmamahal sa 'kin. At ikaw ang nagparamdam sa 'kin ng pagmamahal, Sadie. It will constantly remind me that my life would be empty without you. Just like a spring flower that blossomed into my wintry life." Ginagap pa nito ang kanyang kamay.

She found it almost hard to believe but she could feel the sincerity from his voice and she could see his feelings by just looking him in the eyes.

"And I love you, too, Franklin." Ang nakangiting aniya sa lalake. "And I didn't know that you're kind of poetic."

"Ay, gano'n?" ang biglang sabad ni Jupay sa usapan nila. "Dito pa kayo nagliligawan sa airport na dalawa, ha? Naku, ka-cheapan! Tara na nga! Baka mahuli pa tayo sa boarding time." Sabay hila nito sa isa niyang kamay na may bagahe.

Saka nagkatawanan na lang silang dalawang magkasintahan. Bago pa siya makatalikod ay nahawakang muli nito ang kamay niya at nabitawan siya ni Jupay. Niyakap siya nito at hinalikan sa corner ng kanyang lips.

Napangiti naman siya sa lalake. At binalewala ang reaksyon ng kaibigan niya.

"Parang ayaw kong umalis ka." Ang bulong pa nito sa kanya.

"Ayaw rin kitang iwanan," ang tugon niyang nakatingin sa mga mata nito.

"Pero, dapat na naming umalis. OK? Hahanapin siya ng lola niya mamaya." ang sabad pa ni Jupay ulit.

Napilitang maghiwalay na lang ang dalawa kahit alinlangan.

"Text na lang kita pagdating namin," ang malumanay na sabi pa niya kay Franklin.

Marahan itong tumango. "Sige. Hihintayin ko." Saka hinaplos pa nito ang pisngi niya bago siya tumalikod nang alanganin pa rin.

Tila ayaw pa talaga niyang umalis at iwanan ang kasasagot lang na boyfriend.

"Asus, may Skype at YM naman para makapag-usap kayo araw-araw." Sabi pa ni Jupay nang makaupo na sila sa loob ng eroplano.

"OK nga 'yung ginawa nating hindi bumili ng round trip tickets pero hindi ko naman akalaing ganito ang mangyayari sa araw na ito." Ang tila pagmamaktol pa niya at kinuha ang digicam mula sa kanyang bag upang tignan ang mga larawan nilang dalawa ni Franklin sa TOPS.

"Miss mo na kaagad siya, ano?" nakangising susog pa ni Jupay.

Napangiti naman siya sa kaibigan. "Oo naman."

Always in My Heart - Published under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon