Wala siyang text o tawag man lang na natanggap mula kay Franklin ng ilang linggo. Nakabalik na siya sa Butuan mula noong lumabas ng ospital ang nobyo. Nasa may di kalayuan lang siya noon at pinanood na sumakay ng taxi ang mga ito para magtungo sa terminal. Narinig niyang uuwing Bacolod ang lalake kasama ang pamilya nito at si Casey.
Napaluha lang siya habang nakasunod ng tingin sa mga ito habang ang kanyang pinsang si Oscar na kasama niya noon sa loob ng kotse nito'y nakatingin sa kanya nang may awa.
Hindi na siya nagpakita rito dahil sa nais niya ring hindi na mas lalala pa ang sitwasyon nila ng nobyo. Ipinagdasal na lang niyang maaalala na siya nito sa mga darating na araw. At maghihintay siya hanggang sa mangyayari iyon.
Kinansela na lang niya ang kanyang review sa board exam dahil sa wala naman siya sa kondisyon samantalang ang pag-iisip niya ay parating naroroon kay Franklin at sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.
"Di ba mas mabuti sanang ipinagpatuloy mo ang pagre-review para matapos ka na? Isa pa, baka mas makakatulong pa sa 'yo 'yon kaysa sa magmumukmok ka lang sa inyo diyan sa Butuan at mag-aalala pa sa 'yo si lola," ang minsang sabi sa kanya ni Jupay nang malaman ang kanyang desisyon.
May punto naman ito pero buo na ang desisyon niya. At ipinaliwanag naman niya sa kaibigan ang tungkol sa kanyang pasya. Kung kaya't hindi na ito nagpupumilit pa. At ngayo'y naririto pa rin siya sa Butuan upang hintayin ang tawag o text man lang mula kay Franklin. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa at panay ang iyak habang nagdadasal na magbabalik na muli ang alaala nito.
Biglang tumunog ang doorbell sa baba. Alam niyang pupuntahan iyon ng katulong nila. Paminsan-minsan kasi ay pumupunta ang ilang kapitbahay o kaya'y kamag-anak doon sa kanila upang bisitahin ang lola niya at makipagkwentuhan rito. Isa ito sa mga araw na hindi bumibisita ang kanyang lola sa mga ito.
Tumayo na lang siya at nagtungo sa banyo. Nagsepelyo at naghilamos siya ng mukha. At sa salamin ay nakita niya ang kwentas at bracelet na bigay sa kanya ng nobyo. Hindi niya iyon hinubad ni minsan. Maiiyak na naman sana siya nang pilit niya iyong pinigilan at muling binasa ang mukha.
Pagkatapos ay nagpunas na siya ng mukha nang marinig niyang bumukas ang pinto sa kwarto niya. Tinawag siya ng katulong at saka narinig niyang umalis din ito.
Nagtataka naman siya kung kaya't pinasya niyang silipin ito ngunit nabigla na lang niyang nakita si Franklin malapit sa kama.
"F-Franklin?" ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
At parang hindi siya makapaniwalang si Franklin iyon. "Empty! I missed you!" ang madamdaming anito at saka niyakap siya nito nang mahigpit.
Napaluha siya nang sinabi iyon ng nobyo. Niyakap din niya ito nang mahigpit.
"I'm so sorry for everything!" Patuloy pa nito at hinalikan ang batok niya.
Napailing-iling siya habang patuloy ang kanyang pagluha. "You don't have to say that, Franklin. Hindi mo kasalanan ang nangyari."
"A-about Casey... I can explain..." ang umpisa pa nito.
Napatawa siya. "Don't waste your breath, Franklin. Alam ko na ang lahat. Tumawag sa 'kin si Casey kahapon at sinabi na niya ang lahat sa 'kin ang totoo. Pananagutan na siya ng kanyang bf at magpapakasal na sila. Natatakot lang kasi siyang walang magiging ama ang kanyang ipinagbubuntis kung kaya't ginawa niya 'yon."
"Tama ka. She's really a brat and a bitch! At nagkausap rin kami kahapon." Ang sang-ayon pa nitong tumango.
"Nilinlang niya lang tayo. Pero nag-sorry na siya sa 'kin." Patuloy pa niya habang pinahiran nito ang kanyang luha sa mga mata. "Of course I wasn't OK with it. She made it more difficult for me while you were in that... dark situation." Kumumpas na aniya. "Pero pinatawad ko rin siya. Don't worry."
BINABASA MO ANG
Always in My Heart - Published under Lifebooks
Kurgu OlmayanBased on a true story || By: Darla Tverdohleb ~~ This is the unedited version