Chapter 8

76 3 2
                                    

"Franklin..." umpisa pa niya na napadistansya rito sa kabiglaan.

"Hindi mo ba siya kilala?" ang sabad ni Casey bago pa man siya makapagpatuloy sa nais na sasabihin kay Franklin na hindi naman niya alam kung ano. Baka nga ay dapat na magpasalamat pa siguro siya sa karibal na sumingit bigla.

"Casey, itatanong ko ba sa kanya kung kilala ko pa siya?" ang baling nito sa ex nang tila walang pasensya. Saka napaungol ito sa sakit ng ulo.

"Tignan mo na ang ginawa mo sa kanya," ang anang Myra na nagtiim-bagang na napatingin sa kanya.

Napaluha siya at medyo mas lumapit pa kay Franklin.

"H-hindi mo ba talaga ako nakikilala, Franklin?" umiiyak pa ring tanong niya rito habang nanonood sa kanya nang walang imik ang ama't tiyahin nito.

Matagal itong nakatitig sa kanya. Saka umiling ito nang marahan.

Lalo siyang napaiyak dahil doon. Saka nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at napahagulgol doon sa labas. Sumunod naman sa kanya si Casey.

"Huh! At sabi mo, gf ka niya? Bakit ako ay naaalala niya?" Saka bumalik itong muli sa kwarto at lumabas naman si Myra.

Tinignan siya nito nang matama.

"Siguro ay dapat na huwag ka munang magpapakita sa kanya at baka lalo lang siyang ma-stress kapag nakikita ka niya." Payo pa nito. "Who knows if he's going to get better?"

Napatingin siya rito nang deretso. "Ito ba ang gusto mo talagang mangyari dahil sa concern ka kay Franklin? O dahil ba sa ayaw mo lang talaga sa 'kin para sa kanya?"

Napakurap-kurap ito at saka napatawa nang mapakla.

"Hindi kita gusto para sa kanya kung gusto mong malaman 'yon. Iyon ang totoo kong saloobin. Bakit? May Casey siya at gusto ko siya para kay Franklin! Sa kanya, mas magiging maganda ang kinabukasan niya."

Napamaang siya sa sinabi nito.

"Ano? At anong tungkol sa 'kin? Na wala akong pwedeng magandang kinabukasan na ibibigay para sa kanya? How dare you judge me like that! Dahil ba sa hindi pa ako isang ganap na nurse? At si Casey ay isang businesswoman? Oo! Alam ko ang tungkol sa kanya! May-ari ng dalawang gasoline stations ang babaeng iyon. But she inherited them from her parents! Hindi man lang siya nakapagtapos ng pag-aaral. Isang sem na lang ang kulang niya. But now, you're saying about Franklin's future, Ate Myra? Wala kang karapatang sabihin sa harap ko na wala akong maibibigay kay Franklin!"

"Bakit, hindi ba tama ang sinasabi ko? Your parents even work abroad para maitaguyod ang pag-aaral mo at masuportahan kayong mag-lola. Isn't it true?" ang tugon pa nito.

Napamaang naman siyang muli. May problema nga talaga sa kanya si Myra pero hindi niya akalaing tungkol iyon sa pera para kay Franklin at sa kinabukasan nito kuno. Ang babaw naman yata nito!

"Nagmamahalan kami ni Franklin at iyon ang importante para sa 'kin, ate Myra." She stood her ground.

Pinahiran niya ang kanyang luha habang galit na tinignan ito.

"That called love is ruining my brother-in-law! Didn't you know what he has done because of you?"

Napakurap-kurap pa siya at napatitig sa mas nakakatandang babae.

"A-anong ibig mong sabihin, Ate Myra?"

"Dahil sa 'yo, umatras si Franklin na magpunta sa Canada, which was his dream before he met you. Ayaw daw niyang mas mapalayo pa sa 'yo? That's ridiculous dahil magkalayo naman na kayo sa sitwasyon n'yo ever since, di ba? If you think about it, there would've no difference dahil lagi lang naman kayong nag-i-skype. At siya na sana ang napili ng kanilang site director na ipadala doon para maging supervisor sa kanilang main office, bilang isang promotion. And just when he finally got the job, he refused it all of a sudden! It is even impractical and so thoughtless of him! And it was because of you, Sadie. And I don't think you're a good influence to him even from the very beginning."

Always in My Heart - Published under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon