Prologue

207 5 0
                                    

"For with each dawn, she found new hope that someday, her dreams of happiness would come true." -Cinderella



*****


Hindi ito ang 'Cinderella' na inaakala niyo. Eto ay yung 'Cinderella Twist.'

Merong mga bagay na magkaparehas sila, pero hindi naman talaga.

Hindi man sila magkadugo, pero sabihin na natin sisters from different mother.

Alam naman natin yung kwento ni Cinderella, diba? Isang maid sa bahay ng kanyang step mother at step sister na ubod ng kasamaan...

Ang sinasabi ko nga, kabaliktaran nga ito.

Kung ako sa inyo, kung inaakala niyo na may 'knight-in-shining-shimmering-armor' kayo, nagkakamali kayo...

Alam naman natin na wala ng ganun sa ating mundo ngayon.

Ang gwapo nga, di naman straight. Yung mga kalalakihang di ubod ng ganda, ayan nasa kanto naghahanap ng chicks.

Pano na kaya mahahanap ng si ating Cinderella ng 'true love?'

Kailangan pa ba niya munang pumunta sa grand ball at magsuot ng magandang gown at glass slipper para makakuha yun?

Kailangan pa ba niyang tumakbo at maiwan ang isang glass slipper pag ang oras ay tumama ng 12 o'clock?

Kailangan pa bang hanapin sa buong sinasakupan kung sino ang may-ari ng glass slipper para mapangasawa ang taong yun?




 Di naman ata eh.

 Lahat kasi ng bagay, may dahilan kung bakit nangyayari ang bagay na iyon.



 "Even some miracles take time" sabi nga ni Fairy Godmother.


 Kailangan lang natin maghintay. Kusa yang dumadating, hindi mo kailangang magmadali. Pag nagmadali ka, baka mamaya, di yun ang gusto mo. Kaya, take time.



 Pero, ganun din ba ang ating Cinderella?






Read on.






Cinderella TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon