Ang Binata

70 6 1
                                    


"Kumpadre!"




Sinalubong ng matanda ang kararating lamang na lalaki. Galak na galak siya nang muli niya itong makita.


"Mabuti naman at nakarating ka. Halika sa loob," Pormal na nagtungo ang dalawa sa loob ng bahay.


"Syempre naman. Mahalagang okasyon yata ito para sayo. Hindi maaaring hindi ako makadalo." Naupo ang dalawang matanda sa sofa sa sala at doo'y nag-usap. "Tumatanda ka na talaga, Reynaldo."



"Buwan lamang ang tanda ko sayo, Modesto. Hindi magtatagal ay gurang ka na rin." Biro ng matandang may malaking pangangatawan. Unang tingin palang ay kakikitaan na ito ng kakisigan. Matangkad ito at may makapal na bigote sa mukha.







Siya si Reynaldo Viceral, ang Mayor ng baryo ng Dao sa lalawigan ng Quezon. Kilala ang pamilya Viceral dahil sa ilan nilang pagmamay-aring mga bukid na siyang pinagttrabahuhan ng ilang magsasaka sa lugar.




Ang isang matanda naman ay si Modesto Tatlonghari, matalik na kaibigan ni Reynaldo. Kolehiyo pa lamang ay magkakilala na sila. Nagkataon lamang na may kanya-kanyang ipinagkakaabalahang trabaho kaya nasa magkaibang lugar nakatira.


Ang matandang ito ay may pagka-mestizo. Nagmamay-ari naman ito ng iba't ibang naglalakihang negosyo sa Maynila.


"Siya nga pala, kumpadre. Bakit hindi mo isinama ang iyong asawa at ang aking inaanak?" Tanong ng matandang si Reynaldo na agad namang nagpakuha ng makakain nila sa isang kasambahay.


"Hindi sila makakarating, kumpadre. Sapagkat may mga bagay silang inaasikaso sa Maynila." Sagot ng matandang Modesto. "Ang asawa ko ay inaayos ang problema sa negosyo naming tinapay. Ang iyong inaanak ay abala sa ilang gawain sa kanyang paaralan." Dagdag nito.


"Ganun ba," Patango-tangong sagot ni Reynaldo. "Aha! Jose Marie! Halika muna rito sandali," Pagtawag ng matanda sa kabababa lamang na anak.








Ito si Jose Marie Viceral, ang natatanging tagapagmana ng mga ari-arian ng mga Viceral.



"Jose Marie, naaalala mo pa ba siya? Siya ang kaibigan ko roon sa Maynila at ang anak niya ay aking inaanak. Matagal-tagal na rin buhat nang huli siya magpunta rito."

"Magandang araw po. Mabuti naman po at nakapunta kayo." Buong galak na pagbati ng binata sa kanilang bisita.


"Binatang-binata na pala ang anak mo Reynaldo. Napakagwapo at napakatangkad pa. Manang-mana a. . ." Pagpuri nito. ". . .sa ina." Pahabol pa nito kaya't nagtawanan ang tatlo sa sala.


"Siraulo ka pa rin talaga."

"Para namang hindi mo ako kilala kumpadre. Pero totoo naman talaga ang sinabi ko." Turan ng matandang Modesto. "Hayaan mo Jose Marie. Ipakikilala kita sa anak ko. Tiyak ay magkakasundo kayo." Baling niya sa binata.

Ngiti lamang ang naisagot ng binata. Lingid sa kaalaman ng lahat ay kanina pa siya di makahinga sa suot niyang pormal na damit. Hindi na rin niya kinakaya ang pagpanggap na kumilos ng pormal at kaaya-aya. Kahit gustuhin man niyang humilata sa kama niya buong maghapon ay di naman pwede dahil kailangan niyang tulungan ang ina sa pag-asikaso sa mga bisita.



Ito kasi ang ika-40 na kaarawan ng matandang Reynaldo. Dahil nga sa madaming panauhin ang dumalo sa kanilang bahay ay kinakailangan niyang kumilos ng ayos at maging pormal. Siya kasi ang magmamay-ari lahat ng kanilang ari-arian balang araw.



Nasa ika-labimpitong gulang na siya. Magkokolehiyo na siya sa susunod na taon ng pagpasok. Dahil sa probinsya ang kanilang lugar at madalang ang eskwelahan sa kolehiyo, binabalak ng kanyang ama na ipadala siya sa Maynila at doon mag-aral.



Kung ang ibang anak ay malulungkot dahil mapapahiwalay sa kanilang magulang, hindi ganoon si Jose Marie.


Mas pabor pa sa kanya ang pag-aaral sa Maynila dahil sa isang dahilan; para maging malaya. Aaminin niya na sakal na sakal na siya sa panghihimasok ng kaniyang mga magulang sa kanyang personal na buhay. Hindi sa siya ay masamang anak pero gusto niyang maranasan na maging malaya na siya lamang ang nagdedesisyon para sa kanyang sarili.







Gusto niyang maging malaya dahil. . .







. . .dahil nais niyang maipakilala ang tunay na sarili. Sarili na buhat noong bata pa lamang siya ay alam na niya. Sarili na buhat noong bata pa lamang siya ay pinipigilan na ng kanyang ama. Ang sarili niya.









Ang sarili niyang kabaklaan.

Total Opposite|| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon