"HI, TIFFANY. I'm Rick. Kaibigan ako ni Bearlan," pakilala ng binatang bagong dating na binata.
Pilit niyang ngumiti, pero deep with in napapangiwi siya. "Ano'ng gagawin ko? Kasama pala namin ang oppa na 'to? Pa'no ko magagawa ang misyon ko nito? Kainis naman!"
"Let's go," sabi naman ni Bearlan na nagpatiuna na sa pagpasok nang marinig nila ulit ang boses babae na nagtatawag ng mga pasahero.
Ngumiti si Rick kay Tiffany. "Don't be afraid. I assure you hindi mo mararamdaman na nasa loob ka ng eroplano mamaya kaya tara," saka anito na iminwestra ang isang kamay, pinapauna siya.
Totoong napangiti na si Tiffany sa binata at nauna na nga siya. In fairness, mabait naman pala si Rick. Sabagay kahit sa condo nito ay lagi siyang nginingitian. Pinipigilan lang lagi ito ni Bearlan na papasukin siya.
Kaso hindi niya talaga mapigilang maasiwa pa rin dito kapag naiisip niyang jowa ito ni Sir Bearlan niya. Kapangit isipin naman na magkakasama silang tatlo. Ano siya chaperone?
•••
"ANO natawagan mo na ba siya Vicky?" Si Madam Amelia. Hindi ito mapakali kanina pang umalis ng bahay ang anak na si Bearlan at si Tiffany.
"Patay pa rin ang cellphone niya, Madam. Baka po na-low batt na ang cp niya," sagot ni Vicky na ibinulsa na ang cellphone. Napupudpod na ang daliri nito kakatawag kay Tiffany.
"This can't be happening! I told her to call me as soon as they arrived at the airport. How do I know now kung natuloy sila? Pa'no kung kunwari lang na paalis si Bearlan pero ang totoo pala ay tatakas siya?"
"Hindi naman siguro, Madam, kasi masunurin naman na anak si Sir Bearlan. Saka kung wala siyang balak pumunta talaga sa Isla Paradise, ay di sana hindi na siya nag-abala pa, 'di po ba?"
Nahilot-hilot ni Madam Amelia ang noo. "I don't know but I'm nervous. Sana kayang i-handle ni Tiffany ang anak ko. Sana nga nakasakay na sila ngayon sa eroplano at paalis na kasi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Ito na lang ang pag-asa ko para mabago siya at hindi tuluyang magalit ang daddy niya sa kanya. Baka itakwil na talaga siya ng ama niya kung sakali. Sana magtino na siya habang nasa isla sila ni Tiffany. Sana makalimutan na niya ang kabaklaan niya kung totoo man iyon."
"Sana nga, Madam. Sayang naman ang kaguwapohan ni Sir Bearlan kung mapupunta lang sa kapwa niya lalaki," pabuntong-hiningang ayuda ni Vicky sa pag-i-emote ng mayaman nitong amo.
"Hindi problema sa akin kung ano ang pagkatao niya. Anak ko siya kaya tatanggapin ko siya ng buong-buo, Vicky. Ang problema ay magkaiba kami ng paniniwala ng asawa ko kaya patawarin sana ako ng Diyos sa mga pinagagawa ko. Pinuprotektahan ko lamang ang nag-iisang anak ko."
"Sorry po, Madam."
Bumuntong-hininga si Madam Amelia. "Try to call Tiffany again. Pati na rin 'yong number ni Bearlan."
"Opo, Madam."
Subalit operator lang ulit ang sumasagot sa tawag ni Vicky. Pati ang numero ni Bearlan ay hindi rin ma-contact. Parang sinadya ng dalawa na patayin ang mga cellphone nila. Naiiling na lang si Vicky na sumuko na sa pagtawag sa dalawa.
•••
SA KABILANG banda, nang nasa himpapawid na ang tatlo at nakaupo sa first class ng eroplano ay kapansin-pansin ang panay ang pagtingin ni Rick kay Tiffany.
"Baka gusto mong lumipat na lang ng upuan?" Inis tuloy na siko ni Bearlan sa katabing kaibigan.
Masama ang tinging ipinukol ni Rick kay Bearlan. "Nawalan ka na ba talaga ng konsensya, dude? Wala ka man lang pakialam sa alalay mo?"
Si Tiffany kasi sa kabilang upuan ay kanina pa napapatakip sa bunganga at namumutla.
"Don't you care about her? Parang hirap na hirap na siya, oh. Nahihilo na yata siya," pabulong na sabi ni Rick.
Animo'y wala ngang pakialam si Bearlan na pumikit. Pansin na niya iyon kanina pa pero pinipigilan lang niya ang sarili. Hindi na niya kasalanan kung hindi sanay sumakay ng eroplano si Tiffany. Kasama ang paghihirap ng dalaga ito. Ang pagtanggap nito ng bayad sa mommy niya para gawin siyang lalaki ay walang katumbas na paghihirap.
"Aisst! Ako na nga lang ang aasikaso sa kanya." Akmang tatayo si Rick pero nagmulat ng mga mata si Bearlan.
"Subukan mong tumayo d'yan at makikita mo."
"But look at her! Kahit pinautang mo pa ako para magpanggap na lovers mo para mapatunayan mo kuno na bakla ka, eh, hindi ko naman matitiis ang isang magandang babae na naghihirap."
Ang sama nang naging tingin ni Bearlan sa kaibigan. "Sige lakasan mo pa ang boses mo para marinig ka niya."
"F*ck!" Rick muttered. Halatang awang-awa talaga ito kay Tiffany pero wala itong magawa dahil hawak ito sa leeg ngayon ni Bearlan. Pinautang kasi ito ni Bearlan ng milyong pera para ipambayad nito sa utang nito sa casino at ito ang kapalit. Ang maging sunod-sunuran ito kay Bearlan.
"Umayos ka nga ng upo."
"You're a heartless jerk. Kakarmahin ka sa ginagawa mo. Sinasabi ko sa 'yo." Walang nagawa si Rick kundi ang padabog na umayos nga ng upo.
At si Bearlan, parang wala talagang pakialam na humalukipkip pa.
"Grabe ka sa kanya." Inis na ipinikit na lang din ni Rick ang mga mata at nag-headset.
Doon pasimpleng tiningnan na ni Bearlan si Tiffany nang pumikit na si Rick. Napakunot-noo ang binata. Totoong putlang-putla na nga ang mukha ng dalaga.
Mahihirap nga naman, hindi sanay sumakay ng eroplano pero sa jeep at bus na pagiwang-giwang sa EDSA ay hindi naman mga nahihilo. Ibang klaseng mga tao! Tsk!
Bandang huli, hindi rin nakatiis si Bearlan. Akmang tatayo siya nang makita nitong naunahan siya ni Tiffany ng pagtayo, kaya kunwa'y umayos na lang isiya ng upo.
Lumapit sa kinauupan nila si Tiffany na susuray-suray. Hitsurang hinang-hina at may iniindang saakit. Nakapisil ang isang kamay nito sa tiyan at ang isa pa ay bunganga naman.
"Sir Bearlan, may banyo po ba rito?" tanong nito. Nahihilo talaga ang dalaga. Pakiramdam nito ay nakasakay siya sa ferris wheel.
Simpleng turo lang si Bearlan sa way ng banyo ng eroplano.
"Salamat," pasalamat ni Tiffany, subalit 'di pa ito humahakbang patungong banyo, "WHACKK!" ay tunog na nang pagsuka nito.
"What the hell?!" Biglang tayo si Bearlan at pati na rin si Rick na nagulat.
Si Tiffany ay lalong namutla ang mukha. Lagot siya dahil natalsikan ng suka niya ang damit ni Bearlan.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...