Wrong Address

3 0 0
                                    

Lahat busy sa pag tratrabaho ng umagang iyon nang biglang...

"Excuse me sir, may package po para sa inyo," sabi ng isang delivery boy.
"Salamat,"
"Ano yan Myungsoo?" tanong ni SungJong. "Ah, eto.., eto yung package na inorder ko ," online na matagal ko ng hinihintay sabi habang binubuksan ang kararating lang na package. Nang mabuksan
"Ano? Bakit Ganito?" takang nasabi ni Myungsoo
"Ano yan?! Bakit? Bakit tol hindi mo sinabi kaagad na..." gulat na sabi ni SungYeol.
"Ah?! Hindi ah! Hindi akin to! Hindi ito ang inorder ko!!!" naguguluhang sabi ni Myungsoo.
"Ah., Tol maiintindihan ka naman namin kung sasabihin mo na ang totoo." Sabi ni SungJong at bumalik na sa trabaho.
"Seryoso talaga hindi akin to! At saka Aish!!!" napatingin kay SungYeol. Napatakip sa katawan si SungYeol at umupo na sa desk niya. Napahawak naman sa dibdib si Myungsoo at inilalayo sa sarili ang karton, sinisipa-sipa pa. Ang pagoorder ng gamit na iyon ang hinding hindi niya gagawin sa buong buhay niya. Nag lalaman ng magkaternong 0anty at Bra, ang kahon na kapwa color PINK pa.

~Sa kabilang banda~

"Excuse me po ma'am eto na po yung order niyo." Sabi ng delivery boy.
"Paki patong na lang diyan, salamat." Mahina na sabi ni Glydelle, at ipinatong naman ng delivery boy sa desk ni Glydelle dahil may ginagawa siya. Maya-maya pa'y natapos na ni Glydelle ang gawain niya at excited ng buksan ang laman ng package niya. Nang...
"Ano to! Album? INFINITE? Ano to? Hindi ito ang inorder ko ah! Bakit ganito! INFINITE?!" napasigaw si Glydelle nang nakita niya ang laman ng package.
"Ssshhh., Glydelle, pwede ba tumahimik ka; nagtratrabaho kami dito. Ano ba yan ha? Bumalik ka na nga sa trabaho mo at tumahimik ka." Sita ng Supervisor nila. Nag tratrabaho kasi siya sa isang publishing company. Agad naman na umupo si Glydelle at dali-dali niyang tinignan ang account niya at tama naman ang inorder niya at nabili niya at tama din ang address na ibinigay niya ang kaso bakit puro album ng INFINITE ang nakarating sa kanya. Nag-message siya sa companyang pinag orderan niya.

~CHAT~
Glydelle: Good Morning po, itatanong ko lang kung naipadala na ang order ko?
Company: Yes, ma'am na ideliver na po at sa katunayan ay narceive na po ang order niyo. Hindi po ba?
Glydelle: Oo, nareceive ko na yung package kanina lang, ang kaso iba ang napunta sakin, mga album ng INFINITE. Naicheck ko na account ko, tama ang pinag send ko ng order at address kung saan dadalhin pero nakakapagtaka lang kasi bakit iba ang natanggap ko?
Company: I'm sorry ma'am for the convenient we will try to fix this problem.
Glydelle: Thank you.

...Sana naman hindi pa nabubuksan yung box na yun, bulong ni Glydelle sa sarili. Maya-maya pa'y may nag text kay Glydelle.

~TEXT~
Company: Good Morning again ma'am, hindi po namin ma-contact ang account ng napag palit ng delivery boy namin sa package niyo. This is the cellphone number ng may- ari niyan so, maki-access na lang po kayo kung saan kayo mag kikita. 000513789013. We were very sorry ma'am for this, busy po kasi kami lahat dito, balita po namin na malapit lang ang address niyo sa isa't isa, so please we know you can manage this thank you.
~END OF THE MESSAGE~

Aigoo, Jinja?! Aish., hindi ba nila alam na this is their job! At saka kasalanan nila kaya nag kaganito, bakit kasi? Aish! Kung hindi lang nakakahiya yun.., hahayaan ko na lang. (sigh) nakakainis! Agad naman na nag-message si Glydelle sa number na binigay ng company.

~TEXT~
Glydelle: Excuse me?
Myungsoo: Sige, daan ka na.
Glydelle: Hmft! Pilosopo!
Myungsoo: Eh, malay ko ba kung dadaan ka o ano.
Glydelle: Sino ba to?
Myungsoo: HA?! Ikaw unang nag message tapos ako ang tanungin mo! Grabe ka ah! � Glydelle: I don't want to make this stupid conversation any longer. I'm Glydelle, ibinigay ng company kung saan ako umorder ng online merchandize, at alam kong ikaw din. And I think that you think na nag kapalit tayo ng package. In short gusto ko ng makipag exchange sayo. So can we have the exchange of package after our work, if you have work?
Myungsoo: It's okay for me, sa bagay napaka mahal naman ng nagastos ko para sa orders kong yan. 7:30 is that okay?
Glydelle: Fine! Where?
Myungsoo: Sa harap ng Auditorium sa plaza. Glydelle: Okay.
~END OF THE CONVERSATION~

~7:30 pm~
Phone Ringing
"Yes, Hello?"
"Where are you?"
"I'm here at the place. Where?" ini-ikot ang tingin. At nakita na si Myungsoo.
~END OF CALL~

"Oh! Eto yung kahon mo! Walang labis at walang kulang diyan ha, wala akong kinuha at saka hindi ko naman interes yang, INFINITE na yan." Sabay abot sa kahon ni Myungsoo. Inabot din ang kahon ni Glydelle, pero bago bitawan.
"Bakit ba atat na atat kang makuha itong kahon na to?" dagdag pa niya.
"Wala ka na dun! Akin na!" pinipilit na hinihila ni Glydelle ang karhon.
"Edi sayo na," binitawan na lang bigla kaya napa-upo si Glydelle.
"Aray! Kaasar ka!" sabay tayo.
"Hmft! Wala ka namang ibang makikita diyan kundi, andies na kulay PINK! Hindi ko alam mahilig ka pala sa pink.., ang kaso... hindi mo ata ka-size yung..." bago pa niya ituloy sinipa na siya ni Glydelle sa paa at natumba siya.
"Aray!"
"Manyak! Manyak! Manyak! Manyak ka!" sigaw ni Glydelle habang tumatakbo papalayo.
"Salamat ha!" sigaw pabalik ni Myungsoo. ~KINABUKASAN~
"Oh, Kumusta Myungsoo.., kasya ba?" pangaasar ni SungYeol.
"Ano ba? Sinabi na ngang hindi sa akin iyon, ang kulit naman nito. Ang aga-aga bad trip ka!" naasar na bati naman ni Myungsoo. Nang...
"Excuse me po sir, may dumting po na papeles para sa inyo." Sabat ng guard na mula pa sa 1st floor.
"Sige po, salamat."
"Halla.., Warrant of Arrest, nagnakaw ka ng andies." Pang-aasar naman ni SungJong.
"Ako.., Hindi niyo talaga titigilan? Kanina pa kayo ay hindi kahapon pa pala." Tapos may biglang dumating.
"Sabi ko na nga ba ikaw nanaman ang..." sabi ni Glydelle sabay sipa nanaman sa paa ni Myungsoo at sabay agaw sa papeles na hawak ni Myungsoo.
"Ikaw talaga, sinasadya mo na to no! pangalawa na eh, isa ka ring guard ka pasimuno ka!" nanggigigil na halos ihampas na ang hawak na papeles sa guard.
"Bakit ako?! Taga- abot lang naman ako!" Depensa ng Guard at umalis na si Glydelle.

~Sa publishing company~
~MESSAGE~
Myungsoo: Pwede ba miss, sa susunod wag ka nang basta basta susugod dito!
Glydelle: Do I know you?
Myungsoo: Hala! May amnesia ka na ba? Kahapon lang ng sipain mo ko; na nangyari lang ulit kanina tapos, sasabihin mo na hindi mo ko kilala? Grabe ka namang tao. Glydelle: Ah.., ikaw ba yung manyak? Excuse me! For your Information! Wala akong amnesia! Sadya lang kasi na hindi kita kilala! At saka dinelete ko na ang number mo kasi nakuha ko naman na ang kailangan ko! At pwede ba? Itigil mo na ang pagkuha ng gamit na hindi sayo!
Myungsoo: Una sa lahat miss hindi ako kumukuha ng gamit na hindi na naman sa akin at kahit tanungin mo sa mga kasamahan ko. At para magkalinawan tayong dalawa magkita na lang tayo.
Glydelle: Tignan mo, manyak ka nga! Myungsoo: Miss, ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na hindi ako manyak! Mamayang 7:30 ulit may stand malapit dito, bahala ka kung pupunta ka o hindi.
~END OF THE CONVERSATION~

Tignan mo, nag set na ng time at place.

Wrong AdsressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon