Beginning

0 0 0
                                    

"Hi! Kanina ka pa ba?" tanong ni Glydelle na hinihingal.
"Oo, kaso ba't ganyan ka?" sabi ni Myungsoo.
"Ha? Anong mali sakin?" tanong ni Glydelle.
"Ba't hinihingal ka? San ka ba galing?"
"Ah, galing kasi ako sa office kanina."
"Ano naman ginawa mo dun?"
"Ah? Wala, pwede ba huwag na muna natin pagusapan ang trabaho natin, let's enjoy this day! Let's celebrate!" sabi ni Glydelle.
"Okay, san mo gustong pumunta?" Tanong ni Myungsoo.
"Hmmm., halika!" sabay hila kay Myungsoo, habang naglalakad...
"Hmmm, so tatahimik lang tayo ngayon, ganon?" sabi ni Glydelle.
"Ewan ko," sabi naman ni Myungsoo. "Ah, nagka- boyfriend ka na ba Glydelle?" tanong ni Myungsoo natawa lang si Glydelle,
'"Oh, bakit?"
"Baka kasi hindi ka maniwala,"
"Ano naman ngayon?"
"Ah, NBSB ako no," sabi ni Glydelle, natawa naman si Myungsoo sa sinabi ni Glydelle,
"Yung totoo? Ni isa?"
"Sa tingin mo? NBSB pa rin ba ako kung may naging Boyfriend na ako? Nakakaintindi ka ba o ano? Eh ikaw may girlfriend ka ba?"
"Wala,"
"Yun naman pala, makatawa ka sakin, wala ka din pa lang love life." Sabi ni Glydelle
"Atleast ako, naka-experience na eh ikaw?" bara ni Myungsoo.
"Atleast ako, hindi pa nasassaktan." Sabat naman ni Glydelle, tumahimik sila ng saglit.
"Ay, sorry," sabi ni Glydelle
"Hindi okay lang,"
"Okay lang ba kung ikwe-kwento mo kung anong nangyari?" sabi ni Glydelle.
"Wala, wag mo nang alamin; sabi nga nila..." "PAST IS PAST"sabay nilang sinabi.
"Eh, alam mo naman pala," sabi ni Myungsoo
"Nakaka-curious kaya no," sabi ni Glydelle "Wait lang, so hindi ka pa nakaka-experience ng LOVE?"
"Hindi, I felt inlove but it was just like puppy love or something at saka hindi din naman nagtagal yun, kung may na-experience man ako crushes lang yung mga yun." Sabi ni Glydelle,
"Tulad nino?" tanong ni Myungsoo.
"Isa lang naman ang naging crush ko at minahal ko, Si L ng INFINITE; kilala mo yun? Kaso syempre artista siya ang taas ko namang mangarap, kaya nag-focus na lang ako sa studies ko kaya napunta ako sa CJ&EM Inc. big opportunity kaya ito, kaya mahal ko ang trabaho ko," sabi ni Glydelle. "INFINITE? Hindi ba yun yung..."
"Oo, na huwag mo nang ipaalala yun, kinalimutan ko na yun,"
"So, mahilig ka pala sa INFINITE," tanong ni Myungsoo.
"Dati lang, I am the one who writes some of the fictional story of INFINITE," sabi ni Glydelle,
"So, ikaw si, W.L INFINITE?!" tanong ni Myungsoo. Glydelle just nod.
"Aigoo, Wow! Alam mo bang gustong gusto ko ang mga libro mo!" sabi ni Myungsoo.
"Talaga?"
"Pero teka, akala ko ba hindi mo kilala at wala kang pakealam sa INFINITE,"sabi ni Myungsoo.
"Ah, yon sinabi ko lang yun, at saka bakit naman hindi mahal ko kaya si L!" sabi ni Glydelle.
"Ang sabi nila kamukha ko daw si L!" sabi ni Myungsoo.
"HA?! Sino naman ang nagsabi sayo nyan?" tanong ni Glydelle.
"Sila SungJong at SungYeol, bakit totoo naman ha?" sabi ni Myungsoo.
"Well, ang galing din naman pala nilang magjoke, akalain mo napaniwala ka nila!" natatawang pagkasabi ni Glydelle
"Iniinsulto mo ba ako o ano?" Sabi ni Myungsoo
"Wait lang, easy ka lang yang puso mo huwag kang high blood! Joke lang sorry," sabi ni Glydelle. May nakita silang ice cream stand. Bumili si Myungsoo.
"Ah, dalawa nga pong Vanilla flavor." Sabi ni Myungsoo sabay abot sa bayad.
"Ito oh," inabot ng tindero ang vanilla flavor na ice cream kay Myungsoo. "Ah, ang sweet naman, bilhan ng ice cream ang girlfriend mo, ahy bihira na ang mga nakikita kong ganyan ngayon ha, oh! Mag ingat kayo sa mga langgam ha?" sabi ng tindero. Nagtinginan na lamang si Glydelle at Myungsoo.
"Ah, Eh., hindi naman po kami mag-syota." Sabi ni Glydelle.
"Ha?! Ganon ba? Bagay kaya kayo." Sabi ng tindero. Nagtawan si Myungsoo at Glydelle. (flattered)
"Ahy, siguro po may defect ang mata ninyo." Sabi ni Glydelle.
"Ano ba kayo?" tanong ng tindero.
"Tao po malamang," bulong ni Glydelle. Nang narinig ni Myungsoo siniko niya si Glydelle at pinipigilan nilang tumawa.
"Ah., magkapatid kayo?"
"Hindi po," sabay nilang sagot.
"Hmmm., magkaibigan," tanong ng tindero at nagtinginan nanaman silang dalawa.
"Hmm., ewan po."Sabi ni Glydelle.
"Date ko po siya ngayon, special someone," sabi ni Myungsoo sabay akbay kay Glydelle. "Pero hindi pa po kami, hindi ko nga po alam kung kelan niya ako sasagutin, sige po mauuna na kami, may date pa kami eh; salamat po!" sabi ni Myungsoo sabay tinutulak si Glydelle papalayo sa stand, nang makalayo.
"Anong sinasabi mo?!" sabi ni Glydelle.
"Easy lang, wag kang high blood." Sabi ni Myungsoo.
"Ano ba!"
"(sigh) diba sabi mo hindi mo pa nararanasan ang makipag date, at kung paano ang mainlove, pwes dahil mabait ako at dumating ka ngayon on time at kahit na hindi ka naghintay kahapon at kahit tinawag mo kong manyak..." bago pa ituloy ni Myungsoo.
"Ahy, ewan ko sayo ang dami mong sinasabi, Direct to the point na nga." Reklamo ni Glydelle,
"Okay, kahit ngayong araw lang ipaparamdam ko sayo kung paano nga ba ang mainlove at magkaroon ng boyfriend. Katulad ng nasa story mo Ms. W.L INFINITE I will be your boyfriend for today. Kahit one day lang. Can I be your boyfriend?" sabi ni Myungsoo.
"Hmm,"
"Please."
"Wala na bang mas sincere?"
"Please..." nilapit ang mukha at nag eye-to-eye contact kay Glydelle.
"Oo, na nga sige na!"
"YES! Tara!" sabay hila sa kamay ni Glydelle, "San ba tayo pupunta?" tanong ni Glydelle. "Dito!" sabay turo sa amusement park sa harapan nila.
"Seryoso ka ba?"
"Oo, bakit? Ha?! Don't tell me that, hindi ka pa nakakapunta sa isang amusement park." Sabi ni Myungsoo.
"Never.,"
"(smiled) sigurado akong exciting to!" hinila si Glydelle sa loob ng amusement park,

Spending their time with each other sa loob ng amusement park, lahat ng rides sinakyan nilang dalawa. 7:13 pm nang naglalakad na sila pauwi, inihahatid ni Myungsoo si Glydelle, (malamang alangan naman na si Glydelle ang maghahatid kay Myungsoo) hindi umiimik si Glydelle at napansin ni Myungsoo.

"Hindi ka ba nag enjoy?" tanong ni Myungsoo "Ha? Ah eh, nag enjoy. Bakit?"
"Mukha ka kasing hindi nag enjoy."
"Alam mo Myungsoo, ang gaan ng loob ko ngayon, ang saya ko; thank you. Kaso..."
"Kaso ano?"
"Wala, pagod lang siguro ako."
"Gusto mo bang mag- taxi na lang tayo?" tanong ni Myungsoo.
"Hindi, okay lang ako mas gusto ko to, kasama ko ang boyfriend ko." Sabi ni Glydelle.

Sa tapat ng bahay ni Glydelle.
"Salamat talaga sa araw na ito Myungsoo, hinding- hindi ko makakalimutan, I swear." Sabi sabay pasok sa bahay. Pero may kumatok. Si Myungsoo.
"Ha? Bakit?"
"Ah, may...may...good night!"sabi ni Myungsoo sabay alis papalayo.
"Magiingat ka!"

-Lumipas ang dalawang linggo nang hindi nagkaroon ng contact sila Glydelle at Myungsoo, bumisita sa company ni Glydelle si Myungsoo tinatanong niya kung pumasok na si Glydelle. Ang kaso hindi pa pumapasok, ni hindi niya macontact at tuwing umuuwi si Myungsoo nadaan siya sa tapat ng bahay ni Glydelle ang kaso parang walang tao sa bahay niya at nakapatay lang ang ilaw. Martes, Nang bigla na lang na...

"Ah! Glydelle akala naming kung ano nang nangyari sayo!" bati ni Minah.
"Ah, Hi!" bati din ni Glydelle.
"Ano nga bang nangyari sayo? Ang dami mo kayang gawain ahy, ang sama mo! Alam mo bang ako gumawa lahat ng trabaho mo, ay hindi pala lahat, halos lang, hmft! Ba't ba kasi biglaan ka lang nawawala ng hindi man lang nagsasabi o kahit nag iwan ka ng letter o maging sa text wala din eh! Ano bang nagngyari?" Tanong ni Minah.
"Ha?! Wala may inasikaso lang ako." Paliwanag ni Glydelle
"Wait lang, alam mo bang merong lalaking araw-araw na bumabalik dito at hinahanap ka? May pinagkakautangan ka ba? Pero infernes ha! Gwapo yung lalaki, parang si L ng INFINITE." Dagdag pa ni Minah.
"Talaga, ah, sige na bumalik ka na sa table mo mamaya pa't dumating na yung supervisor natin."  Sabi ni Glydelle
"Ah okay,"
"Minah!"
"Oh?!"
"Thank you, ha?"
"Sus! Wala yun, basta ilibre mo ko ng lunch mamaya! Para makabawi ka." Sabi ni Minah. "Sige ba."

-After ng Lunch, pabalik na sina Minah at Glydelle sa office nila.

"Nakakapanibago naman... Agh?! Bakit? kaya wala yung lalaki?"
"Sinong lalaki,?"
"Ah, yung lalaking sinasabi ko; dati kasi lagi pagkatapos ng lunch ko siya nakikita dito tapos hinahanap ka."
"Ah, sige Minah mauna kana may gagawin lang ako saglit," sabi ni Glydelle.
"Bumalik ka agad ha?"
"Oo,"

Wrong AdsressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon