You...

0 0 0
                                    


~7:30 pm; Sa Stand~ Sabay na dumating si Myungsoo at si Glydelle sa Stand ang kaso hindi sila magkatabi; hindi nag papansinan at iniiwas ang tingin sa isa't isa. Hanggang sa lumipas ang gabi na walang nangyayari at hindi rin sila nagusap. Kinabukasan sa Publishing Company. Dahan- Dahan na pumasok ng office si Glydelle nang...
"Good morning Glydelle, Sobrang Late ka ata ngayon?" bati ng Supervisor.
"Ah.., yes I'm sorry, I'm late ma'am." Sagot naman ni Glydelle.
"Then why are you late?" Tanong ng supervisor.
"Ah, well Whatever! Back to work! Madami ka pang gagawin ngayon!" utos agad ng supervisor.
"Yes, ma'am." Sagot naman ni Glydelle at agad pumunta sa desk niya. Pero agad niyang naisip ang nangyari kagabi.
   "Ahy, wala man siyang ginawa kagabi, anong iniisip niya ako ang lalapit? Uh! Patigasan ha? Yung manyak na yun," Bulong lang ni Glydelle sa sarili.
"Psst! Glydelle!" tawag ni Minah.
"Hmp? Bakit?" sagot naman ni Glydelle. Lumapit sa desk ni Glydelle si Minah,
"Nakita kita kagabi..,"
"Ha?! Ano?! Nakita mo ko?!" gulat na gulat na sabi ni Glydelle.
"Dyan sa malapit na stand ng soju, kaso mag-isa ka lang; gusto sana kitang samahan kaso may ginawa pa ako eh, alam mo bang first time lang kitang nakita na pumunta dun? Anong ginawa mo dun? May ka-date ka siguro no? Uy! lumalove life!" Sabi ni Minah.
"Ha? Anong lumalovelife? Hindi no? nandun lang ako para magpahinga? Matagal na rin simula nung huli akong dumadaan sa mga stand na tulad nun, nakakamiss talaga ang High School Life, yun lang yun at saka anu yang ka-date? Tumahimik ka nga at magtrabaho ka na!" palusot ni Glydelle. At bumalik na sa desk niya si Minah. Pauwi na si Glydelle ng nadaanan niya ulit ung Soju stand, ang kaso gusto niyang uminom kahit konti lang kaya umupo siya at nag order ng isang boteng soju nang dumami na ang tao, may biglang umupo sa harapan niya.
"Pwede bang maki-share ng table kahit saglit lang?" tanong ng isang lalaki.
"Sige, hindi na rin kasi ako magtatagal." Sagot ni Glydelle. Nang tinignan ang kaharap...
"IKAW?!" sabay pa nilang nabanggit at nag tinginan ang mga tao sa kanila.
"Sorry, Sorry" sabay din na sinasabi sa mga taong nakatingin.
"Manyak!" Sabay tayo sa kinauupuan pero pinigilan siya ni Myungsoo.
"Sorry na sorry na.," Sabi ni Myungsoo.
"Ha?! Sorry na ba sayo yan?"
"(fake smile) sorry pero hindi ako convinced ng sorry mo."
"Ah anong gusto mong gawin ko?"
"Wala na bang mas sincere?" Tumayo si Myungsoo, lumapit at nag eye-to-eye contact sila at biglang sinabi
"Sorry," napatulala si Glydelle kay Myungsoo.
"Wala ka bang sasabihin? Did I convince you now?"
"Pwede na..,"
"Oh, pwede na tayong umupo?"
"Umupo?
"Oo, dahil pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito oh," At umupo na sila., konting katahimikan ang nangyayari sa dalawa.
"Ah.., Ako nga pala si Myungsoo, isang engineer sa Woollim Inc." mahinhin na sira ni Myungsoo sa katahimikan nilang dalawa. Napatingin at napangiti si Glydelle kay Myungsoo.
"Glydelle, writer and photographer of Publishing Department ng CJ&EM Inc." Sagot naman ni Glydelle sabay abot sa isang basong soju kay Myungsoo.
"Hindi ba dapat yang kamay mo ang inaabot mo sakin hindi isang boteng soju?"
"(natawa), eh diba ikaw ang unang nagpakilala? Eh di dapat ikaw din ang unang aabot ng kamay, inaalok lang naman kita kung gusto mong uminom, huwag ka ngang feeling, hindi ako mabait na tao."
"Alam mo ang demanding mo, pwede naman siguro na ikaw na ang mag pakumbaba no?"
"Ahy, katulad nga ng sinabi ko hindi ako mabait na tao."
"Di nga? Nagbibiro ka ba?"
"Sa tingin mo nagbibiro ako?
"Pwede na..,"
"Aishh., ya! Ajusshi!"
"Ah! Ya! Ahjumma!" Nagtawanan silang dalawa. Maya maya pa'y may biglang tumawag kay Glydelle.
"Yes, Hello? Ah, Oo, sige., eto na nga pauwi na. Sige."
"Sino yun?" tanong ni Myungsoo.
"Ah, wala sorry Myungsoo I have to go, bye." Paalam ni Glydelle sabay tayo sa kinauupuan.
"Teka lang!"
"Bakit?" napahinto at lumingon
"Hayaan mo na akong bumawi sayo okay? Ihahatid na kita., please."
"(sigh) may magagawa pa ba ako?"  Iyon nga inihatid ni Myungsoo si Glydelle ang kaso para namang hindi sila mgka kilala dahil hindi sila nag uusap (baliw lang) hanggang sa nakarating na sila sa tapat ng bahay ni Glydelle.
"Ah, dito na ako. Salamat sa paghatid ngayon nakabawi ka na salamat." Pagpapaalam ni Glydelle, bago pumasok si Glydelle.
"Ah, Glydelle.., pwede ba kitang sunduin bukas?"
"Ha?? Bukas? Sige ayos lang."
"Sige na, pumasok ka na."
"Hindi mauna ka muna."
"Ikaw muna ah,"
"Ikaw na ah, dito lang naman ako sa loob." "Ikaw na ah, bakit gusto mo kong bantayan?"
"Ah! Hindi ah, eh bat ikaw? Bat ako pinapauna mo?"
"Eh, malay mo matapilok ka tapos, baka matumba ka, mabugok ulo mo; medyo nakainom ka pa man din."
"HA!? Bagok talaga sa ulo? Hindi ba pwedeng mawalan muna ng malay?"
"Shinorcut ko na syempre. O sige sabay na lang tayo. Pagkatapos ng tatlo. Isa, dalawa, tatlo."
Natapos na ang pagbibilang pero hindi sila gumalaw. Nagtawanan lang sila.
"Di ba sinabi ko pagkatapos ng tatlo?"
"Hala! Para namang hindi din siya gumalaw."
"Eh hindi ka gumalaw," Nagtawanan lang sila.
"Ano? Mag tatawanan lang ba tayo dito?" sabi ni Glydelle
"Pumasok ka na kasi." Pangungulit ni Myungsoo
"Umalis ka na kasi." Sagot naman ni Glydelle. "Sige, totoo na to ah! Pagkatapos ng tatlong bilang okay, seryoso na Myungsoo. Isa, dalawa, tatlo." At yun na nga ang huli sabay silang umalis sa pwestong kinalalagyan nila.

Wrong AdsressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon