Ako naman

23 1 0
                                    

Sa lumipas na panahon
hirap umahon
Sa lahat ng pagkakataon
pinilit bumangon

Kailangan na
kailangan na magpakatatag ka
Kailangan na
bakit ba kailangan pa?

Bawat oras, minuto, segundo
inaabangan ang mensahe mo
Bawat taon, buwan, linggo
inaasahan ang pagbabalik mo

Bakit?
ang tanong na puno ng sakit
Paano?
dahil hindi na alam kung ano ang ano

Naguguluhan, naliliyo, nalilito
ano nga ba ang totoo?
Nanghihina, nayayamot, napapagod
ano ba ang kasunod?

Baka ito na ang huli
huling tulang isusulat ko para sayo
Baka kasi sa susunod,
ako naman

Oo, wala sa tugma ang huling saknong na isinulat ko
kaya eto gumawa ako ng bago
Pasensya na, pagkakamali ko nanaman
pero huli na to para sa 'yong kaalaman, paalam

Things Better Left UnsaidWhere stories live. Discover now