Malaya ka na

9 0 0
                                    

Sampung letrang bumuo sa tatlong salita
na siyang ginawa para magtugma
ang tulang isinulat para sa kanya

"Malaya ka na"

Kasunod ng mga salitang "Mahal kita"
ang pagbigkas mo ng mga salitang "Pero paalam na"
dahil ang sabi mo, "Hindi ko na kaya"
pero ang sabi ko, "Kaya pa kung kumapit ka lang sana"

Ipaglalaban kita sa paraan na gusto mo
Ilalaban ko kung anong meron tayo
dahil kung ako lang ang masusunod, kaya ko
Kaya ko pa sana, kahit ako na lang ang lumaban para sating dalawa
Kaya ko pa sana, kaso hindi ka na masaya

Pero bakit ko pa ba ipagpapatuloy kung sa ating dalawa, ako na lang ang masaya?
Bakit ko pa ipipilit ang isang bagay na para sayo ay tapos na at sa akin na lang ang hindi pa?
Ang patuloy na pagagos ng mga luhang nagmula saking mga mata
ang syang patunay na tama na, kahit mali pa

Tama na sana, kung hindi lang tayo nagkamaling dalawa

malaya ka na

Things Better Left UnsaidWhere stories live. Discover now