Sa lumipas na panahon
hirap umahon
Sa lahat ng pagkakataon
pinilit bumangonKailangan na
kailangan na magpakatatag ka
Kailangan na
bakit ba kailangan pa?Bawat oras, minuto, segundo
inaabangan ang mensahe mo
Bawat taon, buwan, linggo
inaasahan ang pagbabalik moBakit?
ang tanong na puno ng sakit
Paano?
dahil hindi na alam kung ano ang anoNaguguluhan, naliliyo, nalilito
ano nga ba ang totoo?
Nanghihina, nayayamot, napapagod
ano ba ang kasunod?Baka ito na ang huli
huling tulang isusulat ko para sayo
Baka kasi sa susunod,
ako namanOo, wala sa tugma ang huling saknong na isinulat ko
kaya eto gumawa ako ng bago
Pasensya na, pagkakamali ko nanaman
pero huli na to para sa 'yong kaalaman, paalam