CHAPTER ONE

53 5 2
                                    

PS: Ang istoryang ito ay may pagka-OA at twist katatawanan with matching “Ramadan” pa. Babala lang po sa mga taong “ALLERGIC” sa ka-OA-yan kasingamay pagka-OA ang istoryang ginawa ko which made my classmates say “nabitin” kasi daw nakakabitin. Sinulat pa lang kasi noon sa notebook eh. Na-LCD kasi laptop ng author,  kaaayos lang.

PROLOGUE

Paano kaya kung nagkaroon ka ng taong mahal?

Bawat kilos mo tinititigan niya, ni hindi ka nga makatakas sa tingin niya eh.

Tapos lagi kang sinusundan saan ka man pumunta, kahit paalisin mo ayaw pa rin.

Kung itahi mo na lang kaya siya sa sarili mo nang hindi ka na sundan kasi nakadikit na siya sa’yo.

Paano kaya ang maging single?

Wala kang makakalampungan kung nabobortime ka.

Wala kang kasakasama sa pamamasyal o pagkain sa labas.

Walang magtatanggol sa’yo pag inaapi ka.

Bakit mahirap magpasikat?

Mismong  butas ng karayom kailangan mong daanan mapansin ka lang.

Ultimo tumakbo nga nang nakahubad sa court gagawin mo eh.

Tapos sasabihing papansin ka lang.

Buti na lang may mga taong nakakaintindi sa’yo.

Mga taong pupuwede mo nang tawaging kaibigan.

Kasama na kaya sa kanila ang taong gusto mo, ang taong kaagaw mo,

O ang taong gusto ka?

CHAPTER 1

DING.DONG.DING.ONG

Haaaaayy! Time na naman…which means :-D UWIAN NA!!!! Buti naman uwian, ang hirap talagang mag-aral lalo na kung ang sakit ng ulo mo kaiisip ng isasagot mo sa tanong ng teacher mo. Tapos, hindi pa ako naka-concentrate ng mabuti kanina kasi nga masakit ulo ko. Buti na lang tapos na ang klase kaya nawala na sakit ng ulo ko. Ay, first week of school pa lang ganito agad nararamdaman ko.

Hi everyone!! My name is Katherine Quennie A. de la Vega, but you can call me “Katie” (pronounced as keyti). Isa akong na--------apakagandang nilalang. Ultimo Marian Rvera nga walang laban sa gandang taglay ko oh. Mismong teacher at classmates ko na ang nagsabi hmmm, walang aangal. Uuuuyyy! Flattered akooohh! Joke, ang OA OA ko naman oh, pagpasensiyahan niyo na ha mga readers kasi may pagkatopak ako kaya malamang ‘pag lalayo na kayo sa kuwentong io bawat topic may twist. Okey, seryoso na. Isa akong normal na babae, hindi naman sa nagyayabang pero maganda ako. Gusto niyo proweba? According to the comments of people, kamukha ko raw ang pinakamagandang babae sa Pilipinas. Gusto niyng malaman kung sino? Problema niyo na iyon! Hmph!! Heto na naman ako eh ang OA OA na naman eh. Okey seryoso na talaga. As in ito na talaga. This is it. This is really is it, is it!?

OKEY!! Joke muna tayo. Ano ang katabi ng author sa classroom nila?

Clue: Pandak na mataba

Eh di, kalaman-SIKSIK!!!

Ahahahahahahahahahah! Bwahahahahahahahaha! Aaay, ang waley.

Ito ang simula ng istoryang medyo OA o sobrang OA, but hey, don’t judge me. It was the author who made this story.

“Dylan!” pagsisigaw ko kay Dylan. Malamang sumisigaw ako, exclamation point ang ginamit ko, di ba?Ay siya nga pala, nasa daan ako ngayon umuuwi. Malamang tapos na yung klase na-mention kanina diba? Ay, yung sinisigawan ko ay yung kababata ko, si Dylan Dwayne Hauriz D. de la Cruz, “Dylan” for short. Bestfriend ko siya by the way. Naging bestfriend ko siya for almost 9 years. Bale 14 years old nap ala ako, pati na rin siya.

Crazy Romance RumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon