CHAPTER THREE
………………………………… May makiki-date ba na hindi man lang mag-make over. Huh!
“Katie, ano sa tingin mo, sapat na ba ‘tong pinamili natin? Parang may kulang kasi eh.” nagtatanong si Amanda sa’kin habang palabas na kami ng Avon. Kayo guys, may kulang pa ba? Ako rin kasi parang nakukulangan eh.
“Aba ewan, kung kulang, eh di kulang. Kung gusto nating dagdagan, eh may paraan diyan. May pera ako dito eh. Tsaka-” hindi na ako napatapos sa sasabihin ko kasi, nagulat ako ng sumigaw si Amanda.
“A—ay! Alam ko na Katie!”
“Ang alin?” naku-curious ako sa sinabi niya eh. Ano daw? Ano yung alam na niya?
“’Di ba sabi ko, na may kulang pa tayong binili. Ayun, may …. naisip akong bilhin natin.” wow ah! Ang bilis naman niyang mag-isip. ‘Di tulad ko na aabutin pa ako ng limang minute pra mag-isip ng bibilhin pag nasa mall na ako
“Ano naman iyon, sapatos?” tama ba kaya yung sinabi ko? Sapatos nga kaya ang kulang?
“A---ay, paano mo nalaman!? Manghuhula ka?” sus, hindi no! Nahulaan lang. ‘Tong babaeng to oh, kung anu-ano ang napupunta sa maliit niyang utak.
“Hay naku Amanda, kilala na kita. Mahilig ka kaya sa sapatos.” oo, mahilig talaga si Amanda sa mga sapatos. Meron nga siyang isang kuwarto na punum puno ng mga sapatos, collection kung baga.
“ASUS! O sige garud, tara na doon sa branch ng Memorata. Gusto ko ng sapatos mula doon. ”
“Hallah! Haller! Nababaliw ka na ba? Ang layo layo kaya ng branch na pinakamalapit dito. Sasakay ka pa ng taxi sa loob ng twenty minutes o mas matagal, depende sa bilis. Paubos na rin pera ko kapag nag-taxi pa tayo no.” hindi naman sa wala na akong pera, kaya lang three thou na lang meron ako. Baon ko pa ‘to mamaya sa Holiday Home at tsaka sa Sunday pa darating yung twenty thousand ko mula kay papa. Nagtatrabaho kasi siya sa abroad eh. Oo, twenty thousand baon ko weekly. Bale Php 1 600 yung dalawang damit na binili ko. Tapos Php 400 yung lip bum tapos blush-on na binili ko. Ang pagkaka-alam ko sa presyo ng memorata ay more tha one thousand.
“Hmph! Ang KJ naman nito! Hmmmmmm…… kung i-try kaya natin doon, doon sa bagong bukas na shop ng sapatos.” hindi ko alam na may bagong bukas na shoe shop. Lumingon ako kasi tinuro niya sa likuran ko. Tapos … WOW! Building pa lang high class na. Masubukan nga.
“Ano yung pangalan ng shop na iyon? Shoes For All Seasons. Wow naman. Pangalan pa lang mukhang maganda na. Sige subukan natin.” pumayag ako sa desisyon ni Amanda na doon kami mamimili ng sapatos.
Lumapit kami sa shop na iyon. Papasok pa lang sana kami ng shop na iyon ng biglang humarang yung guard.
“Hep hep…”
“Hooray!” sabay kaming sumigaw ni Amanda pagkasabi na pagkasabi ng guard na iyon. Nagtinginan ang mga tao sa’min na naging dahilan upang mamula kami sa kahihiyan. Tapos ang masama pa, nagbulungan ang mga estudyante mula sa ibang schools ng tungkol ata sa’min.
“Hoy, hoy, hoy! Pinaglololoko niyo ba ako? Ang ibig sabihin ko doon, ay saglit lang nang iwan niyo yang mga gamit niyo ditto oh, sa guardhouse.” si manong guard talaga oh nagbibiro pa. Natawa naman siya sa sinabi namin.
“Aaahhh. Yun naman pala eh ba’t di niyo kami dineretso. Yan tuloy napahiya pa kami.” hindi na nakasagot yung guard kaya naman…
“Oh, ito po. Paki-ingatan lang po ha kasi “BAGONG BILI” yang mga iyan.” pag-uutos ni Amanda sa guard with matching quotation action pa. Para idiin ni Amanda na kapag nawala ang mga gamit namin, eh mananagot yung guard.
