CHAPTER 2
“Cockadoodledoo! Cockadoodledoo!” PLEASE!! Just five more minutes, kailangan ko pa ng beauty sleep. Papanget ako ‘pag kulang tulog ko, magmumukha akong zombie niyan eh.
Cockadoodledoo! Cockadoodledoo!” ang kulit naman ng rooster alarm ko na ’to o, sabing five minutes pa eh.
Cockadoodledoo! Cockadoodledoo!” Tssssssss! Makagising na nga lang, papilit ‘tong alarm eh. Pag binato ko naman ‘to dahil sa inis wala na naman akong alarm clock. Hindi niyo lang alam na ilang beses na akong nakakasira ng alarm clock dahil sa naiinis ako ‘pag wrong timing siyang tumutunog. Eeeeeeek! Nakakainis!
Dating gawi, babangon, aayusin yung higaan, maghihilamos at magsasalamin (alam niyo na, baka may maiwan na muta), maliligo, magpapalit ng uniform, tapos pagbaba ko sa kusina … WOW! Ang daming pagkain! : D May hotdogs, tapa, tocino, itlog, waffles, bread, putok(yung tinapay ha, hindi yung nasa kili-kili), tapos the specialty of my mommy, chao-fan.
“BURRRRP!!” oops, excuse me. Ooy, kahit naman matakaw ako, may manners din naman ako ah. Hindi naman ako “CHEAP” para gawin iyon no. Pero, ang sara---ap talaga ng pagkain, lalo na ‘pag si mama ang nagluto. A este ‘pag si mama o yung chef nila Kyle ang nagluto. Hmmmm … sa sobrang sarap ni hindi ko na namalayan na male-late na pala ako, kaya naman nagsipilyo na ako, pataas, pababa, paikot-ikot pa, nag-gargles pa nga ako eh. Alam niyona, para fresh yung bunganga.
*****
“Dylan!”nandito ako ngayon sa daan. Naglalakad papuntang Donough Academy, hindi naman kasi kalauyan yung academy na yun eh. Puwede namang lakarin eh kaya naglakad na lang ako. At sa paglalakad kong yun nakita ko si Dylan, naglalakad rin siya papuntang academy kaya tinawag ko na siya, para naman may kasabay ako.
“O, Katie! Si Alodia nasaan? Hindi mo ba kasama?” nag-hi wave siya sa’kin na naging dahilan upang kiligin ako. Nakakakilig nakaya kahit i-hi wave ka lang ng crush mo.
“A-a-a-e-eh hindi eh. Male-late na kasi ako eh kaya hindi ko na nagawang hintayin siya.” nagsimula rin kaming maglakad matapos niya akong hintayin mula sa konting distansya.
“Eh di’ba. magkaklase kayo?” ayy oo pala, magkaklase nga kami. Class A kami ni Alodia at Kyle samantalang si Dylan ay nasa Science class. Alam niyo na, genius kasi eh. Hehehe!
“Oo pero … pero … hmph basta! Hmm hmm hmm ano na naman yang binabasa mo? Ibang libro na namn yan eh. ano bay an, Da-da-diary ng P-pa-panget 2? Yan ba yung part 2 ng binabasa mo noong isang araw?” nacu-curious lang po kaya nagtatanong. Mahilig din naman akong magbasa eh pero sa wattpad lang.
“Oo, tsaka mauuna na ako kasi hindi ka naman importante dito binabasa ko. Nakakainis ka rin no. Huwag ka ngang makealam. Noong isang araw, pinakealaman mo na naman kung anong binabasa ko. Shuupi!” ne, anong ginawa ko. Nagtatanong lang eh nag-wawalk out agad. Sensitive, sensitive? Pero serious talaga, may nasabi ba akong mali? Masyado ba akong pakeelamera? O na-iinvade ko lang yung privacy naiya? Ewan. T_T
“Wait, Dylan.. wait- aaaahhh!” hahabulin ko na sana si Dylan pero may biglang humawak sa braso ko at hinila ako palikod tapos bumulaga s’kin ang mukha ni Amanda.
“Tabi! Hi Dylan! Tara na, sabay na tayo.” tinulak ako ni Amanda bago niya sabihin iyon.
“Oo ba, basta ikaw.” ngek! Ba’t si Amanda ang gusto niyang kasabay? Dati-rati naman eh ako ang gusto niyang kasabay. Siya pa nga ang naghihintay sa akin eh. Nagsawa na kaya siya sa’kin? O naiinis lang talaga siya sakin? Maglalakad na sana silang dalawa at iiwan akong nag-iisa doon eh …
“Hey, A.F., halika na nga.” tinatawag ako ni Amanda, yun ang tingin ko. Sa’kin naman siya nakatingin eh at tsaka, saan naman niya nakuha yung A.F.? Ambisyosang Frog? Eh ganda ganda ko diba, ba’t frog pa din a lang friend or foe.