7
Nakatanaw ako sa terasa ng aming palasyo. Kitang-kita ko ang nasasakupan ng aming emperyo; ang berde at luntiang mga kagubatan, ang asul na mga ilog at dagat, ang payapa at mayamang bayan. Lahat iyan sa amin. Sa akin.
"Prinsipe Namjoon, maaari ba kitang istorbohin sa iyong pagninilay-nilay?" biglaang tanong sa aking ng aking alalay, si Ji Min.
"Istorbo ka na since birth. Bakit, ano ba iyon?" medyo irita kong tugon sakanya.
"Pinapatawag ka ng Amang Hari. Kung maaari ay dumulog ka sa dakilang bulwagan. Magsisimula na ang pagpupulong ng mga punong ministro. Inaasahan ang inyong presensya, mahal na prinsipe." paliwanag naman ni Ji Min habang nakayuko.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayaw ko sanang pumunta sapagkat di pa tapos ang aking klase sa asignaturang Ekonomiya. Jusko, nag-aaral pa akong Law of Demand eh. Pero, ganun talaga. Prinsipe lang ako, hari ang aking ama. Siya ang masusunod. Wow.
Wala akong nagawa, sumunod nalang ako habang nakabuntot din sa akin ang katulong ko. Nagsisibigay-pugay at nagyuyukuan ang mga tao sa loob ng palasyo habang nakikita akong naglalakad. Sige, ganyan nga. Ako ang Prinsipe ng mga Ba Djao. Huehue
Nang makarating kami sa bulwagan, napagalaman ko na kasama ni Ama ang hari ng emperyong Ju. Luh? Set up na ba dis?
"Ama." tawag ko sakanya.
"Anak, naririto ka na pala. Heto ang hari ng emperyong Ju, nandito sila para bumisita sa ating kaharian." nakangiting sabi sa akin ni Ama.
Naguluhan naman ako bigla sa kanyang sinabi. "Huh? Ama, akala ko ba may pagpupulong kaya mo ako pinapapunta dito?"
"HAHAHAHA! Maligayang araw ng mga loko-loko, tanga, uto-uto, gago, peste at leche anak! Nakalimutan mo ba ang araw na 'to? Tinatag pa ito ng kanunununuan natin! Holiday ngayon sa buong emperyo! Magalak ka anak, be proud na isa kang manloloko!" masayang bati sa akin ni ama habang tinatapin ang balikat ko. Luh~ Dinamay pa ko.
Oo nga, nakalimutan ko. Araw ng mga Loko-loko pala ngayon.
"Hoy, alagad na higad! Bakit hindi mo sinabi sa akin na holiday pala ngayon sa emperyo! Holiday dapat wala akong pasok. Grabe, sumakit pa ulo ko kakaaral ng Ekonomiya ng bansa! Hindi mo ba nabasa sa pangmaharlikang kalendaryo?" pangaral ko kay Ji Min. Kasalanan niya 'to!
"M-mahal na hari, hindi po ako marunong magbasa." ani niya.
Napa-facepalm nalang ako sa kabobohan ng taong 'to. Akalain mo nga naman. Hindi marunong magbasa ngunit bumibili ng yaoi fanfics ni Prinsipe Jung Kook. Sisantihin ko kaya ang isang 'to? Kung hindi lang talaga loyal 'to sakin, matagal na sana syang napulot sa kangkongan--kaso rich kami, kaya hindi na sa kangkongan, sa lettuce'an nalang.
"Anak, narito si Prinsesa Hwayang. Bakit hindi mo siya saluhang--"
"Humiga sa kama sa kwarto?" suhestyon ko habang tinataas-baba ang kilay.
"--saluhang kumain." pagtatapos ni Ama.
Ay sayang. Akala ko pa naman...hayyy. Pasensya na, Prince Jr., better luck next time.
Pumunta na ako sa kusina namin na ubod ng laki at saganang-sagana sa pagkain. Siguro, kaya ako gusto ni Prinsipe Jin dahil sa pagkain? Mahal niya lang ako kasi marami kaming pagkain sa palasyo. Grabe, ang sakit palang magamit dahil lang sa pagkain. Grabe ka, Prinsipe Jin.
BINABASA MO ANG
Frozen Flowers
Fantasy[FF ; BTS RAPMONSTER FANFIC by dakilangswaeg 2016] A historic story of love and life during the Dong Ya Dynasty. Where love grows, and hwayangyeonhwa occurs and ends in a frozen flower.