8
"Kataas-taasang Prinsipe, nakahanda na po ang inyong pagkain."
...
"Nariyan na din po ang inyong guro sa asignaturang matematika."
...
"Mahal na prinsipe."
...
"Prinsipe Namjoon!"
...
"EXCUJI ME! HOY BA DJAO LESHENGINA MO BUMANGON KA NA DIYAN! PISTI AKO NA NAMAN PAPAGALITAN NG MAHAL NA HARI KAPAG NALAMAN NIYANG NAKAHILATA KA PA RIN HANGGANG NGAYON!"
Walang gana akong bumango saka tiningnan ang namumulang si Ji Min. Kaninang alas-singko pa yan nagsasalita at pinipilit akong gumising. Dinaig niya pa ang tilaok ng manok at rap ng aking Inag Reyna tuwing ako'y pinapagalitan. Wala akong ganang bumangon ngayong araw. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Madalas din akong natutulala at minsan ang layo ng tingin.
Pa-mental na rin kaya ako kasama ni Johann? Geh geh.
"Pwede ba, Ji Min, minsan itikom mo yang bibig mo. Kaya polluted ang mundo eh. Kasalanan ng hininga mo." pagtataray ko sakanya. Tumayo na ako at inayos ang aking hanbok.
Tumingin ako sa salamin at--naaaks! Talaga namang ang gwapo ko.
Habang nakatingin sa mga repleksyon ko sa salamin, napansin ko ang medyo nangingitim sa ilalim ng aking mga mata. Eyebags daw ang tawag dito. Mamaya ipapatawag ko si Inang Belo, ang tagapangalaga ng aming kutis sa palasyo. Hayy. Kasi naman, hindi ako nakakatulog ng maayos simula nang makita ko sina Prinsipe Jin at Yeonhwa noong isang araw. Hindi ako makapaniwala sa mga pinaggagagawa nila. Nakakaputs lang.
Hindi rin mawala sa aking isipan si Yeonhwa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa tuwing nagbabalik-tanaw ako, ang imahe nilang dalawa ni Prinsipe Jin ang nakikita ko. Medyo kumikirot ang aking kalooban dahil doon.
Pakiramdam ko tuloy ako'y pinagtaksilan.
Taksil. Big word.
"Mahal na prinsipe, inihanda ko na ang inyong bagong labang-ariel na Hanbok. Maligo na po kayo't pinapadalo kayo ng inyong ama sa piging sa palasyo." paalala sa akin ni Ji Min habang hawak-hawak ang nakahanger na hanbok ko na kulay pula. Magmumukha na naman ako nitong dinamitan ng kurtina.
Tahimik akong kumilos. Para ngang naninibago rin sa akin si Ji Min, hindi ko siya sinisigawan o kaya tinatawag na jamless, kaya sa buong umaga ay nakangiti lang ang gago. Akala niya naman kinagwapo niya. Pakisabi sakanya hindi niya ikakatangkad yan.
Nang matapos akong makapagbihis, lumabas na ako sa aking silid at tumungo sa lugar ng piging. May pachibog ang aming palasyo, late celebration ng holiday nung isang araw--Araw ng mga Loko-loko. Daming alam ng aking Amang Hari.
Nang makarating kami doon, agad kong binati ang aking ama't ina. Nakaupo sila sa unahan kasama ang ibang punong ministro ng palasyo. Sa kabilang mesa naman, andun nakaupo ang mga inimbitahang hari at reyna ng ibang palasyo.
Sa sa isa pang mesa, nandun nakaupo ang mga kaibigan kong tukmol.
At dahil tukmol din ako, sakanila ako nakisalo.
Pagkaupo ko, agad kong napansin na wala doon si Prinsipe Jin. Saan naman kaya nagsusuot ang isang iyon. Himala at wala sya dito. Kainan ito tapos wala siya, nakakapanibago talaga. Tila isang malaking himala ang mga nangyayari. Magkatabi ngayon sina Prinsipe Jung Kook at Taeh Yung, tumabi naman ako kay Prinsipe Hos Eok. At si SuGa? Nakahiga sa mesa. Hindi, biro lang. Si Ji Min naman, nakatayo lang. Ganun talaga kapag poor ka.
BINABASA MO ANG
Frozen Flowers
Fantasy[FF ; BTS RAPMONSTER FANFIC by dakilangswaeg 2016] A historic story of love and life during the Dong Ya Dynasty. Where love grows, and hwayangyeonhwa occurs and ends in a frozen flower.