Flower {5}

2.4K 162 126
                                    

Frozen Flower {5}



Ilang oras na kaming naglalakad dito sa gubat paakyat ng Bundok Pasas. Nakakaramdam na kami ng pagod at gutom syempre, lalo na si Jin. Kanina pa nga ako nun kinukulit na mag-guest daw ako sa Eat Jin niya. Daebak. Eat Jin sa gubat, di ko alam kung pagkain ba kakainin niya o ako eh. Lol

"Prinsipe Namjoon, magpahinga ka muna. Hindi ka pwedeng mabinat sa ating paglalakbay." Pagpapaalala sa akin ni Yeonhwa.

Agad naman kaming tumigil at nagpahinga sa ilalim ng malaking punong-kahoy. Inilabas ng aking alalay na si Ji Min ang dala naming mga pagkain, saka nagdasal at nagsimula nang kumain. Habang lumalafang, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kanila Yeonhwa at Joon Nam. Mga leshenginang 'to, sa harap ko pa nagsusubuan. Mabulunan sana 'tong mga put—

"Prinsipe Namjoon, nais mo bang subuan kita?" pakyut na sabi sakin ni Prinsipe Jin.

"Wag na, ayos lang ako." Pabebe ko pa.

Hindi nalang kumibo si Prinsipe Jin, pero halatang nagtatampo siya kasi naka-pout ampucha. Bahala na siya diyan. Pabebe.


Pakatapos naming kumain, agad kaming nagpatuloy sa paglalakbay. Walang oras dapat sayangin lalo na't buhay ko ang nakataya. Kailangan ko nang gumaling sa sakit kong Hananaki. Alam ko namang wala akong pag-asa kay Prinsesa Hwayang, kaya kailangan ng pangalawang plano—Plan B.

Habang naglalakad, biglang tumabi sa akin si Su Ga.

"Prinsipe Namjoon, bigla kong naalala na bumagyo makaraang linggo. Paano kung nabuwal na ang halaman ng ginintuang bulaklak?" tanong niya sa akin.

"Kapag nangyari iyon, gilagid mo ang ipapabuwal ko sa dentist ng palasyo. Sige, Su Ga, takutin mo pa ako't malilintikan sakin iyang gilagid mo." Banat ko sakanya pabalik.

"Nagsasabi lang naman ako."

"Di ko kailangan 'yang mga pinagsasabi mo, tsaka isa pa, ang baho ng iyong hininga. Magmumog ka nga ng tubig na may dahon ng bayabas!" pasigaw nna utos ko sakanya.

Napanisn naman yata ng aking tagapangalagang pandak na si Ji Min na mainit ang ulo ko kaya't lumapit siya sakin at pinakalma ako.

"Ji Min, akin na nga iyong sunglasses ko. Ayokong makakita ng nakakapunyetang tao." Inis n autos ko. "SIge, isuot mo sakin. Ay wag na, hindi mo nga pala abot kasi matangkad ako. Maaari ka ng umalis at magpatangkad." Sabi ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo, mahal na prinsipe?" tanong sa akin ni Ji Min.

"Kasi nga daw pandak ka't walang jams." Sagot naman ni Jung Kook sakanya.

"Tumahimik ka, hindi ikaw ang kinakausap ko!"

"Hoy alipin, ayusin mo ang iyong pananalita. Baka nakakalimutan mong isa akong prinsipe at isa ka lamang hamak na alipin!"

"Mapanlait itong prinsipe ng mga ilong na 'to ah! Sabi nila, the more you hate the more you love! Aha! Ikaw ah! Napaghahalataan ka na!" sagot pabalik ni Ji Min.

Gageung alipin na 'to. Ang daming alam ah.

"TUMAHIMIK NGA KAYONG DALAWA! NAPOPOLLUTE ANG HANGIN DITO SA GUBAT DAHIL SA MGA HININGA NIYO!" sigaw ko sakanilang dalawa. Tumahimik naman silang dalawa sa awa ni Bathala. Buti naman. Ayokong makarinig ng ingay o kahit na ano.


Patuloy pa rin kami sa paglalakad, palubog na ang araw kaya't napagdesisyunan naming na maghanap nan g lugar na pwede naming pagpalipasan ng gabi. Nakahanap naman kami kaagad kaya't nagtulungan silang lahat na ayusin iyong matutulugan namin na tent. Oo, naimbento na ang tent sa gan'tong panahon. Umoo nalang kayo.

Frozen FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon