MAHAL KITA...Matagal na!
"Huy!!" mahinang tulak niya
"Sorry.. Ano nga ba yung sinabi mo?" tanong ko.
Di ko siya magawang tignan sa mata. Baka makita lang niya ang sakit na nakabakas sa mga ito.
"Sabi ko, sinagot ko na si Jude." Sabi niya. Bakas sa kanyang boses ang kasiyahang nadarama nito. Nginitian ko lang siya kahit parang libo-libong kutsilyo na ang tumutusok sa puso ko.
"Well, kailangan pala nating magpaparty nito.. Ilang months na rin yun nanliligaw sa'yo, Buti't naisipan mong sagutin yun.." di ko mapigilang maging bitter.
"sus eto naman, wag ka mag-alala best, di kita iiwan kahit sino pa yang mga bf's ko.. ikaw parin ang one and only super best friend ko.." tama.. ako lang ang dakilang best friend mo.
"masaya ako para sayo." Mahinang usal ko tsaka ko siya niyakap ng mahigpit. Sana nga masaya ako para sayo..pero nasasaktan ang puso ko. Di ko namalayan ang luhang tumulo sa mata ko. Ang sakit-sakit..
Dahan dahan akong lumayo sa kanya at kita sa mukha nito ang pagtataka.
"Best, ba't ka umiiyak?" agad kong pinunasan ang luhang tumulo..
"Wala 'to. Alam mo namang inaatake ako ngayon ng allergies kaya ganito... 'sama mo na rin yung tears of joy. Hahaha" palusot ko rito. Tama, kailangan kong magpanggap na masaya ako para sa kanya.
"Andrama mo naman best! Halika nga dito." Nagpahila na lang ako sa kanya. Wala rin manang silbi. Nanghihina na buong katawan ko. Pinahiga niya na ulit ako sa lap niya at linaro laro na naman niya ang buhok ko.
Mahal kita Kandece... Sigaw ng puso ko. Matagal na kitang mahal. Simula nung una kitang makita mahal na kita. Alam ko naman na di tayo pwedi sa isa't-isa.. Pareho tayong babae at may boyfriend ka pa. Pero ba't ganon.. kahit alam kong bawal, bakit ko hinayaan ang sarili kong mahulog sa'yo?
Ang tigas tigas talaga ng ulo mo FAITH! Pagalit kong sabi sa isip ko.
"best, pag nag college ba tayo ganito parin?"
"di ko alam best. di ko alam." pinikit ko na ang mga mata ko. Ayaw ko ng mag-isip. Gusto kong tanggalin yung sakit kaso di ko alam kung pano.
May boyfriend na siya...
Ang sakit isipin na hanggang dun lang talaga ang relasyon namin. Hanggan sa friend zone lang.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Isang week nlang at graduation na namin. Di ko parin alam kung saan at anong school ang pipiliin ko.
"best.." tawag niya.
"hmm"
"pag grumaduate tayo walang iwanan ha."
di ko sya sinagot. Di ko alam kung ano ang isasagot ko. Nagpanggap nlang akong natutulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/7868058-288-k295404.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Kita...Matagal na! ~One Shot~
Teen FictionThis is a one shot girlxgirl story involving two best friends and how they confess their feelings to each other. This is a rewritten version.