Chapter 4 - Kahliel :(

39 1 0
                                    

Martynna's POV

Ang sarap ng barbecue. Uwaaa ang daming barbecue sa paligid ko. Hala? Hinahabol ako ng malaking barbecue! Waaaaa tinakbo ko yung barbecue para salubungin pero tumakbo sia palayo? Huhuhu! Barbecue koooooo!

*Poink*

Aray! Napadilat ako. Sino na naman ba nambatok sakin?

"b-best. Anong barbecue sinasabi mo dian?" ay si Alexa pala. Mukhang nagising sia. Hala nananaginip lang pala ko.

"Oh, sorry best. Nanaginip lang ako. Tulog ka na ulit. :)" Sabi ko ts tumagilid na ng higa patalikod kay best. Mukhang nakatulog na sia ulit.

Nakita ko sa wall clock na 3:30am palang pala. Grabe busog pa din ako, ang daming kong nakain na barbecue, ayun nga at napanaginipan ko pa. :D

Bigla ko nalang naisip si Kahliel. At kung pano ko sia naging crush...

°Flashback°

"Go team! You can do it. Just focus on the ball okay?" sigaw ni coach habang naglalaro kami ng mga team mates ko dito sa gym. May practice din ang basketball team kaso half court lang dahil hiniram namin yung isang side nung court.

Ang ganda ng serve nung bola. Malapit na mag-outside pero sure ako na in pa yun.

Ni-receive naman ng maayos ng kakampi ko.

Tumalon ako ng mataas ng sakin na gumawi yung bola, malapit sa net.

Nailipat ko yung bola sa kabila pero... namali ako ng bagsak!

"Aray!" -napasigaw ako sa sakit. Namanhid yung paa ko sa sobrang lakas ng pagbagsak. Tapos diretsong natipalok ako at naplakda sa sahig.

Shemayy ang sakit! Naglapitan silang lahat sakin. Pati yung mga players ng basketball. Nakakainis bakit ang tanga ko magcontrol ng pagbagsak ko?!

"Ynna! Masakit ba?"- coach.

Hndi po, masarap po coach. Masarap pramis! Obviously masakit to! Sisigaw ba ko ng aray kung hindi?

"O-opo coach." Sinubukan ko tumayo pero nanghina ang tuhod ko at napangiwi sa sakit.

"Hey guys. Somebody can take Ynna to the clinic?" Sigaw ni coach na nakaharap sa mga ususerong basketball players.

Di ko na inintindi dahil nabibingi talaga ako pag english na ang sinasabi nila.

Biglang may bumuhat sakin. Yung buhat na parang bagong kasal. Napayakap ako sa balikat nia. Aray, napangiwi na naman ako sa sakit nang mawalan ng alalay yubg paa ko na nanggagaling sa sahig.

"Mukhang masakit nga talaga yan. Sa susunod, control-in mo ang bigat mo para hndi mabigla ang paa mo sa pagbagsak. Wag ka magfocus masyado sa bola. Dapat magfocus ka din sa paggalaw mo to avoid injuries." Walang hintong sermon sakin ni Kahliel. Kilala ko sia dahil isa sia sa varsity players ng basketball at kaklase ko sia. Hindi ko lang alam kung kilala nia ako.

Napatitig lang ako sa kania. Yung mga sinabi nia sakin, hindi tunog na nanenermon, parang ang bait nia. At saka ang gwapo pala nia talaga? Alam ko na sikat sia pero di ko alam na ganito sia kagwapo, lalo na sa malapitan..

"Hey." sabi nia ng makitang nakatingin ako ng maiigi sa kania.

Naglalakad pa din sia habang buhat ako papunta sa clinic. Medyo malayo pa yung clinic sa gym.

"S-sorry. Oo masakit nga. Nakalimutan kong medyo napataas pala yung talon ko at di ko napaghandaan pagbagsak ko." Paliwanag ko.

Teka bakit ba ko nagpapaliwanag sa kania? Hmp. Ang haba ng pilikmata nia. Tas ang tangos ng ilong, ang kinis pa ng mukha nia. Alaga sa facial? :D Choss. Haha

My Bestfriend's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon