Chapter 11-

26 1 0
                                    

"Ano ba talaga gagawin nating mini business? Malapit na yun oh!" nakakainis! Kanina pa kami nakatunganga dito sa garden two!

walang ginawa ang bestfriend ko kundi lambingin si Kahliel </3

Oo, nagkakamabutihan na sila </3

At nakikita ko pa =(

Katabi ko si Justine.

Ts nasa tapat namin sina Alexa at Kahliel.

At ayun, walang ginawa kundi mag-usap, magkulitan, tsss!

Naiinis ako! Nagseselos? Hindi!

E ano?

Kasi hindi kami makapag-isip ng mini business!

Yun ba talaga? Kunwari ka pa!

"Ano bang naisip mo na maganda?" - Justine

"Ako." Sagot ko. Ay leche plan! Ano ba yan! Nawawala na ko sa sarili ko!

"Maganda ka? Tss." sabi ni Kumag. Badtrip to! Upakan ko na?

"Paki mo?" Sabay irap sa kania >:)

"Maganda ka nga, kumontra ba ko?" Sabi nia, aba't kinindatan pa ko!

Di uubra sakin mga galawan mo pre. Playboy!

"Mag-isip na lang tayo pwede? Ano ba alam mong patakbuhin?" Pagseseryoso ko na.

Yung dalawa, ayun, wala pa ding pakialam.

"Motor, kotse." Sagot nia.

"Justine Jake! Seryoso na nga ako e! Alam kong sanay ka magpatakbo ng ganun, pero business pinag-uusapan dito! Business!" Grabe to :\ ang daming alam. Nauubusan kami ng oras sa ganito lang!

"Wala akong alam dian. Bakit di mo tanungin yung dalawa sa harapan natin? Puro ako kinukulit mo e, crush mo talaga ko noh?" sabi nia, at nilingon ko yung dalawa.

nakaupo nalang sila at di na nag-uusap. Bakit kaya?

Teka...

"Hoy hindi kita crush noh! Grabe ka! Ang kapal mo naman? Porket binigyan mo ko ng unan, crush na agad kita? Ang hangin!" halos pasigaw kong sabi sa kania. Nakakainis! Sarap niang hambalusin!

"Haha pikon! Tama na nga, hahahaha. You're blushing."

Grrr! Pinagpapalo ko lang naman sia sa braso. Aba't tawa pa ng tawa?

"Hindi ako nagbblush noh! Nakakainis ka lang talaga!" pinapalo ko pa din sia. Tawa pa din sia ng tawa.

"Ehem.."

Napatigil ako sa paghampas sa kania ng tumikhim si Kahliel. O nandian pala sila? Hahaha

"We should be putting up our business at this time, if you dont mind." Sabi ni Kahliel. (????)

HashtagTangaHere

"Well, kanina pa kami nakatunganga dito, at kanina pa din kayo nagkukulitan, tapos ngayon maiinis ka samin kasi nagkukulitan kami? Cool." sabi ni Kumag, tama naman sia e. tsss!

Di naman sumagot si Kahliel.

"Best, start na tayo? Sorry ah." -Alexa

"Okay, ano bang naisip niong business?"

---

Yung mini-bisiness na yun, bibigyan namin ng buhay, hindi lang sia basta irreport sa harap ng klase.

Kaya..

"Oy kumag, magsalang ka pa ng isang patty! Ts dalawang hotdog. Kahliel, yung softdrinks daw ni Ateng nakablue!" sabi ko sa dalawang lalaki na 'to.

"Best, ilang palamig daw?" -Alexa.

"Tatlo, yung isa walang gulaman." sagot ko.

Nahulaan nio na ba kung ano mini-business namin?

Ayun, nauwi kami sa pagttinda ng burgers, hotdogs, palamig, atbp :D

Si Justine at Kahliel ang nakatoka sa mga patties at hotdogs, sa pagluluto. Si Alexa naman ang sa palamig at softdrinks. At dahil close sila, tnutulungan ni Kahliel si Alexa sa softdrinks. Hmp! Kaya nga may division of labor e? Bat ganun? :3

At ako? Siyempre tagakuha ng bayad at tagasukli. hahaha! Wala naman silang angal e >:)

Madami namang bumibili kase naiiba yung mini-business namin. Ang goal kasi ay kumita, e yung iba

pacute ng business, ang mamahal ng tinda, ts ang daming kaartehan, e kami, mura na, masarap pa.

Kapag may nagutom dto agad samin pupunta :)

Instant money! :D

"Tynn, tulungan mo na ko. Naipon na trabaho ko e. Naghihintay na sila oh." sabi ng pawisan na si Justine :D

"Oo na, baliktarin mo na yung patty na yun oh! Ako na maglalagay sa bun." tinulungan ko na nga sia.

Grabe pitong burger yung naipon! Haha, hindi nia matapos sa sobrang dami.

"Pasensya na po mga ate at kuya, medyo natagalan. ito po kasing master chef namin e Hehe." sabi ko habang inaabot yung mga order nila.

Maliit na stall lang naman kami, pero madaming bumibili.

"Okay lang, pahingi nalang ng number ng Master chef nio?" sabi ng isang babae. Grabe yung lipstick nia! Mas mapula pa sa ketchup ng burger nia. Hahaha

"Oo nga, I want to know him!" sabi naman nung kasama nia.

tatlo sila e.

"Oh, master chef, pahingi daw ng number mo!" sabi ko kay Justine. haha natipuhan pa oh, wiwiiiit!

Lumapit si Kahliel sa may pwesto ko at inakbayan ako.

"Sorry girls, magagalit tong si Manager e. Baka patalsikin ako sa trabaho e. ;)"

Aba! Dinamay pa ko! At may pakindat-kindat pang nalalaman!? Jusko, kakalbuhin ko tong malanding to e!

"Ay hindi ako magagalit! Okay lang sakin na kunin nio number nia :)" sabi ko. Nagliwanag naman gung mukha nung dalawang babae. Hahaha lagot kang playboy ka! >:)

"Nasira nga yung phone ko diba? Ikaw talaga!" sabi nia sakin, halatang pinaparinig dun sa dalawang babae. Pinisil pa pisngi ko!

"Ehem, madami ng customer oh, naghihintay na." sabi ni Mr.sungit, este ni Kahliel.

Napakaseryoso nia ngayon? Bakit? Dapat nga maging masaya sia kase kasama nia lagi bestfriend ko e. Hmp!

"Sorry girls, salamat sa pagbili!" sabi ni Justine. Haha kawawang mga babae.

"Awwe, okay, thanks anyway!" sabi nung dalawang babae at umalis na, ksama yung isa pa.

"Ang landi mo." sabi ko sa kania, sabay irap.

"Balik na sa trabaho!" sabi ko, naging busy na naman kaming lahat.

At lalong naging tahimik si Kahliel. </3

My Bestfriend's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon