Chapter 2- When he cries

56 2 0
                                    

Martynna's POV

Lunch break.

Kumakain kami ni best sa canteen.Medyo badtrip pa din ako dahil may quiz pala kami sa english, at tulad ng inaasahan, wala na naman akong naisagot. Salamat nalang at magaling ako sa volleyball, kundi ay napatalsik na ko sa school na to. >:)) Ang yabang e. Haha!

*Poink*

"Oy Alexa bat mo ko binatukan? Muntik na ko mabilaukan a!" Nakakagulat tong si Alexa, bgla nlang nambabatok! -___-

"Mukha ka kayang baliw! Nakangiti ka pa dian, tumawa ka pa. e di naman ako nagpapatawa, di nga tayo nag-uusap e. Siguro naalala mo si Kahliel? Ang gwapo nia kanina no?" Mali kaya. Hahaha okay lang sa amin, date, na parehas naming crush si Kahliel. Dahil sia ang inspirasyon namin sa pag-aaral, ang talino kase nia. daig pa ko. *u*

"Di ko na sia crush Alexa. Ikaw na lang. Mas may possibility na ligawan ka nia, mas bagay kayo kase maganda ka at gwapo sia." Sinabi ko yung totoong nararamdaman ko. Ano kaya reaksyon nito. Hahahaha-

*Poink*

Aba binatukan na naman ako! Nakakarami na to ah!

"Are you insane? Maganda ka kaya Martynna Simone! Hndi lang halata kase hndi ka showy. Naka-eyeglasses ka, tapos lagi nakapony yang buhok mo, tapos di ka man lang nagli-lipstick, puro pulbos lang. Pero kahit pulbos lang, maganda ka pa din noh! :))" - sabi ni Alexa. Napatitig ako sa kania.

"Oo maganda ka Martynna, simple lang at walang arte sa katawan. Natural ang ganda mo na maaaring ipagmalaki.." bglang may nagsalita sa likuran ko..

Teka, parang.. si...

"Kahliel! Tara share ka ng table samin." Sabi ni Alexa habang nagniningning ang mga mata at nakatingin sa may likuran ko.

Teka, ano ulit yung sinabi ni Kahliel? Maganda daw ako? Pinuri nia ba ako? Nananaginip lang ba ako?

"Hey, Martynna, bakit nakatulala ka, ayaw mo ba ako kashare sa table nio?" sabi ni Kahliel. Natulala pala ako..

"A, e, ano, h-hindi, ayos lang na m-makishare ka." Nauutal ako! Nakakahiya. (_ _)

"Good. Alam mo Alexa, balik tayo sa kanina. Maganda nga si Martynna, hndi lang sia showy. Hahah!" sabi ni Kahliel habang nakatingin sakin.

Tama na kahliel hiyang-hiya na ko. Huhu! (_ _) Si alexa nalang purihin mo please.

"Oo kahliel. Ewan ko ba dian sa bestfriend ko. Ayaw tumulad sakin. One of this days, immake-over ko yan."

Alexa Claire lagot ka sakin mamaya! :/ Nakakahiya wag nio ko pag usapan.

"Nice idea. Ano nga pala sabi ni prof kanina?" -kahliel.

Blah blah blah.

nag-usap pa sila Alexa at kahliel. Mabuti yan para magkaigihan silang dalawa. :) :(

Ang plastic ko ba? Haha ang plastic ko sa sarili ko. </3

Naisip ko lang, ngayon lang sumabay at nakipagkwentuhan samin si Kahliel ah? Bakit kaya? Date, kuntento na kami ni Alexa na tingnan sia sa malayo at panuorin mga practice nia. Iba ata ngayon. Masaya to, hndi para sakin kundi para kay Best.

Tiningnan ko sila, waw may chemistry! Haha bagay sila. </3 Hndi kami.. Nakita kong ang saya saya ng bestfriend ko habang kausap si Kahliel.

"Ynna! Tulala ka na naman. Lagi ka nang tulala. Haha" Sabi ni Alexa.

"Hehe, ahmn, Alexa, Kahliel, a-ano, mauna na ko. Magrreport pa ako kay coach e. Sige bye. Kita nalang tayo sa room best :)"

Diretso kong sabi at tumayo na ako. Totoong magrereport pa ako sa coach ko, pero pwede naman yun mamayang hapon. Hinayaan ko lang na magkaroon ng moment yung dalawa. Para maging close sila.

Dumiretso ako sa gym. Walang tao. Naupo ako sa isang gilid at nilabas ang cellphone ko na regalo pa sa akin ni nanay nung 3rd year high school ako. Nakinig lang ako ng music at pumikit.

Nag-eenjoy na ko sa pakikinig ng biglang may narinig akong mga talbog ng bola. Istorbo! Sino kaya yun?

Si Joshua pala. Kuya ni Alexa. Varsity sia sa Basketball. Mukhang nagppractice. Hayaan ko nalang. Ano pa nga ba? :D

Hindi nia ko napansin kaya naupo nlang ulit ako.

"Mahal kita! Bakit ang hilig mo magpaasa! Tang*na naman Chloe!"

Huh? umiiyak ba si Joshua? Sia ba yung sumisigaw? Pagtingin ko, nakaupo na sia sa sahig. Nakayuko at yumuyugyog ang balikat.

Lalapitan ko ba? Baka magalit sakin to. Di naman kase kami close kase mukha siang Masungit kaya di ko to knakausap pag nasa bahay nila ako.

Bandang huli, nilapitan ko din sia.

"Uy. Joshua, may maitutulong ba ko?"

Ayaw ako pansinin. Nakayuko pa din sia. Lumuhod ako para makita sia ng mas malapit.

"Joshua, bakit ka umiiyak? Anong problema? Uy." Pangungulit ko.

Bigla siang nagtaas ng ulo, tiningnan nia ko. Umiiyak nga sia. Namumula mga mata nia. Baka naman nagddrugs to? Hala di naman siguro. Mukha siang kawawa sa it-

"A, j-joshua?" O.O

bigla nia na lang akong niyakap. At umiyak sia ng umiyak sa balikat ko. Nakakaawa. Humahagulgol talaga sia. Parang batang iniwan ng nanay. Hinayaan ko nalang sia.

"Bakit nia ko pinaasa?! Mahal nia din daw ako pero bakit sila na ni Jeff? Ano ako,*sob* pinagpilian nia lang? Bakit nia ako tinuring na espesyal kung wala din pala *sob* patutunguhan panliligaw ko sa kanya? Nagmukha akong *sob* tanga!" naglabas sia ng sama ng loob. Mukhang galit na galit talaga sia.

Hinahagod ko lang likod nia habang umiiyak sia. Narinig ko nagbell na. Di nalang ako papasok sa klase.

"Bakit ganun sia? Hndi nia ba ako minahal? Hndi nia ba nakikita mga efforts na ginagawa ko para mapasaya sia?" umiiyak pa din sia.

"Minsan lang ako magmahal. Maswerte sia at sia ang napili ko pero sinayang nia." Ramdam ko ang hinanakit nia.

Ramdam ko din na basa na ng luha ang damit ko sa bandang balikat.

"Tahan na Joshua. Bulag talaga si Chloe dahil hndi nia makita mga efforts mo." bgla ko nalang nasabi. Di ko naman alam ang mga pinag-gagagawa nitong si Joshua para kay Chloe. At di ko din naman kilala si Chloe, naririnig ko lang minsan kase nga sikat sia sa campus. Hahaha. Sinabi ko lang yun para makatulong. :D

Nagulat yata sia nung magsalita ako. Bigla siang umalis sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako.

"Y-Ynna, ikaw pala yan. P-pasensya na, ikaw pa naiyakan ko." sabi nia habang nagppunas ng luha.

"Okay lang. Nilapitan kita kase nakita kong mag-isa ka at parang umiiyak. Umiiyak ka nga talaga."

Hinawakan ko yung balikat ko, basa nga ng luha.

"Pasensya na at nabasa pa ng luha ko yang blouse mo. Wala ka bang klase?" Napansin nia pala balikat ko. Haha

"Ahm, meron. Di nalang ako papasok, late na din naman ako e."

At saka tinamad na din ako. :D

Tumayo na sia. Ganun din ginawa ko. Pinagpag ko yung tuhod ko. Nangawit kakaluhod. Aww :/

Bigla nia nalang akong hinila palabas sa gym..

A/N.

Keep on reading. Comment kayo ng mga magagandang posibleng mangyare. :)

-C

My Bestfriend's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon