Dati. (One Shot)

6.3K 148 93
                                    

****

This story is 50% reality and 50% imagination. Story nino? Secret! :P Play niyo yung video habang binabasa niyo para feel niyo yung story! Habang tina-type ko nga itong story paulit-ulit kong pinapakinggan yan eh. Hahaha! Daratda-dati~!

So guys, ENJOY READING! :) Alabyoooow. :**

****

Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat~

Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat~

Naalala ko pa non nag aagawan ng nintendo~

Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento~

Putek na kantang yan! Narinig ko na naman! Badtrip! -_-"

"Babae, patayin mo nga yang ringtone mo!"

"Ay ateng! Ang gwapo kaya ng boses ni Sam Concepcion! Saka ang ganda kaya nung kanta!" Alexa

"Tse, kakasawa na kaya! Banas! -__-"

"Naku! Ang sabihin mo nakakarelate ka lang sa kanta. Ayie! May naaalala!" Mika

Mga tropa ko talaga, masusura ako. Ako po si Sharlene. Ayokong ikuwento ang talambuhay ko, aabutin ako ng isang linggo dahil sa kadaldalan ko. Ang masasabi ko lang, isa akong babaeng NAGMAHAL, NASAKTAN AT UMIYAK.

"Oy Shar! Yung bestfriend mo oh!" Alexa

Tsk. BESTFRIEND? BESTFRIEND KONG MALANDI! OO ANG LANDI NIYA KASI HAWAK-HAWAK NA NAMAN NIYA YUNG GITARA KONG REGALO SA KANYA NUNG 11th BIRTHDAY NIYA NA PINUTOL KO NA NGA YUNG STRING PERO PINAGAWA PA RIN NIYA AT ANG MAS MATINDI, TINUTUGTOG NIYA PA RIN AT PINANGLALANDI NIYA SA IBA! MAY PAHARA-HARANA KA PANG NALALAMAN DYAN AEIGN ZACKREY NASH VICTORIANO AGUAS! P*CHA!

"TSK! WALA AKONG PAKIALAM SA MALANDING YAN!"

Oo, sinigaw ko talaga. Ang pake ko? Marinig niya kung maririnig niya, dapat nga damang-dama niya ng SO HARD!

"Luka ka Shar! Tumingin! Tigas mo girl!" Mika

"EH ANO? SA TOTOO NAMAN EH! WALA NG MAGAGAWA!"

"Tama na nga yan! Punta na tayo ng gym. Bitter day daw ngayon para kay Shar." Alexa

"Mga luka! Hahaha!"

Cultural Festival pala sa school namin ngayon. Walang gagawin buong maghapon, manunuod lang ng kung ano-ano. May mga contest rin kaming papanuorin. Ay! Sasabihin ko na sa inyo at ng hindi kayo magulat, kasali si Nash sa contest, Singing Contest!

Maganda naman boses ng hinayupak na yon eh! Este gwapo, pati rin pala siya gwapo. Kaya siguro naglandi, taas ng kumpyansa sa sarili eh, member din kasi ng varsity ng basketball sa school. Alam na! Heartthrob! Kaya ayon! Iwan ba naman ako!

Flashback // 3 years ago

"Shar! Hindi tayo magka-section eh! Saklap! Pero ito promise mo sa akin, hindi ka hahanap ng ibang bestfriend, at mas ayaw ko kung lalaki yan, kaibigan na lalaki lang ang pwede!" Nash

"Adjoo! Bestfriend ko talaga!"

Hahaha! OA talaga nitong si Nash, gusto siya lang talaga bestfriend ko. 7 years na pala kaming magbestfriend. Tibay namin! Syempre, makapitbahay kami at parehas kaya kami ng school na pinapasukan simula umpisa. Si Nash, ang sweet niya, gentleman, at ako ang boss niyan. At ito pa sasabihin ko sa inyo, crush ko yan! Pero sakit noh, umpisa pa lang FRIENDZONED NA! <//3

1 month of classes at palagi ko pa ring kasabay si Nash, wala kasi akong ka-close sa section namin.Pero ang mahirap? Alam ko sa sarili ko na nagsisimula na siyang mairita dahil palagi kaming inaasar na dalawa. Tinesting ko siya ng isang beses, nagpaiwan ako ng saglit sa room namin pero wala, iwana ba naman ako, at pagkalipas ng mga ilang araw hindi na niya ako hinihintay at dumating sa point na nagkaroon na siya ng tropa.

Dati. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon